Chapter 1
“I DON’T believe this!” bulalas ni Michelle sa pinagsamang pagtataka at pagkamangha matapos sabihin ng abogado ang nilalaman ng testamento ng ama.
No. It wasn’t even a testament. Kundi isang legal na kapahayagan ng abogado sa mga pag-aari ng papa niya—which was, to Michelle’s surprise—was none. Walang iniwang kahit na ano si Amador para sa kanya. His and Emma’s death, were unexpected. Hindi ito nakagawa ng testamento. Pero ang malaman na wala itong pag-aaring naiwan sa kanya ay hindi mapaniwalaan ni Michelle.
“Kung may duda ka sa authenticity ng mga papeles na ito ay heto, hija...” Iniabot ng abogado sa kanya ang dokumento. “ m aaari mong basahin ang kopya mo.”
Umiling siya. Her father’s partner and friend would not lie to her. She had known him all her life. “Paanong nangyaring walang iniwan ang mga magulang ko, Tito Lauro?”
“Dahil wala namang iiwan, hija. Ang mama mo, sabi mo nga ay wala namang sariling bank account. Ano na lang ba ang sinusuweldo ni Emma bilang elementary teacher? Ang lahat ng kaalwanan ninyo sa buhay ay dahil sa trabaho ni Amador.”
“Exactly. Kaya nakapagtatakang walang naiwan man lang si Papa,” she said in bewilderment.
Nilinga ni Michelle ang buong silid. Opisina iyon ng kanyang ama na ngayon ay siya nang gamit ni Attorney Lauro Moral, isa sa mga major partners sa law office na iyon. As a little girl, she used to come here with her mother. Wala naman siyang magagandang alaala sa mga pagsama-sama niya sa ina sa opisinang iyon dahil wala siyang natatandaang nanabik si Amador na makita siya.
Still, this was her father’s office. Naroroon pa ang mga libro nito at mga gamit. Sa isang sulok ay naroon ang dalawang di-kalakihang karton upang paglagyan ng mga personal na gamit ni Amador. Michelle’s parents were buried two days ago.
Nang ma-confine sa ICU si Emma ay tila nawala sa sarili si Amador. He was shocked and devastated. His wife was only forty-three years old. She was in her prime, very pretty, and appeared healthy. Bagaman hindi nagpapa-checkup ay walang nag-aakalang may sakit ito sa puso. Ni pahiwatig na may sakit ito’y wala.
Kung tutuusin ay mas na si Amador pa ang maituturing na may sakit dahil walang linggong hindi ito nagtutungo sa ospital. They all knew her father had prostate cancer. Regular ang pagparoo’t parito nito sa ospital sa nakalipas na isang taon upang magpagamot.
Sa nakalipas na taon ay dalawang beses itong umalis ng bansa na hindi kasama si Emma upang magtungo sa Amerika, marahil ay upang hanapan ng lunas ang sakit.
Si Michelle ang sinisi ni Amador sa nangyari sa asawa. Ayon dito, kung hindi nagdesisyon si Michelle na iwan ang Law school at kumuha ng Fine Arts ay hindi sana nadulutan ng sama ng loob si Emma na siyang dahilan ng biglaang atake nito sa puso.
Gusto ni Emma na maging isang abogado si Michelle. Na balang-araw ay maging isa siya sa mga partners sa law office na kasosyo ang ama. Nang una ay pinagbigyan niya ang mga magulang, lalo na ang ina na siyang mapilit na kumuha siya ng Abogasya.
Subalit nang maglaon ay kinabagutan niya ang walang katapusang research at case studies. Hindi niya gustong maging isang abogado. Hindi niya pinangarap kailanman na maging abogado tulad ng ama. She had always wanted to paint.
Kaya naman bago ang enrolment sa ikatlong taon niya sa kolehiyo more than a month ago, ipinasya niyang sabihin sa mga magulang ang pagnanais na magpalit ng kurso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang nagalit nang husto ang mag-asawa sa kanya, lalo na ang papa niya, na ang galit ay mas nag- ugat sa dahilang nadulutan niya ng malaking sama ng loob ang ina.
Hindi interesado si Amador sa ano mang bagay tungkol sa kanya, lalo na kung anong kurso ang pag-aralan ni Michelle. Her father had only indulged her because of Emma.
Matatag ang desisyon ni Michelle na kumuha ng Fine Arts. Sinikap niyang ipaunawa sa ina na hindi siya magiging isang mahusay na abogado dahil hindi iyon ang hilig niya.
“Kung hindi kita mapipigil ay ikaw ang bahala,” sapilitang sang-ayon ni Emma. “Hindi ko akalaing pati ang hilig sa pagpipinta ay minana mo...” usal nito, mas sa sarili kaysa sa kanya.
She had frowned at her mother. “Kanino ko minana ang hilig sa pagpinta, Mama?”
Bigla ang pag-angat ng mukha ni Emma at tinitigan siya nang matagal na tila ba noon lang nito napunang naroon siya. Umiling ito. “Mula sa... aking ina. Yes. From your grandmother.”
Alam ni Michelle na bata pa lang ang ina nang maulila ito kaya wala nang silbi para mag-usisa pa. Pinagbigyan siya ni Emma sa hilig niya bagaman nararamdaman niyang naroon pa rin ang pagtutol nito sa kursong pinili niya. Sa nakalipas na buwan ay malimit niya itong nahuhuli na nakatitig sa kanya, lalo na kapag inilalabas na niya ang mga gamit sa pagpipinta.
Minsan ay nagugulumihanan siya sa nakikita sa mukha nito. Something like pain... or guilt... or whatever.
Isang buwan matapos ang pag-uusap na iyon, habang nagbabasa ng peryodiko sa harap ng almusal, Emma had an attack. A fatal one that had put her in a comatose for two weeks before succumbing to death. Ni hindi pa man rumerehistro sa isip ni Michelle ang pagkamatay ng ina ay sumunod naman ang ama na ang pagitan ay wala pang kalahating oras.
Michelle knew Amador had loved his wife to distraction. Halos ilagay nito si Emma sa pedestal. His love for his wife was almost obsessive. Hindi nito nakayanan ang pagkamatay ni Emma. Nang sabihin ng doktor na tumigil na sa pagtibok ang puso ni Emma ay wala sa sariling lumabas ito ng ospital. Kahit ang ina nitong si Digna Verano ay hindi ito nagawang awatin. He drove his BMW out of the parking lot.
Ayon sa mga testigo ay napakabilis ng pagmamaneho ni Amador at tinawid ang intersection sa kabila ng pula na ang ilaw at kasalukuyang tumatawid ang isang fourteen-wheeler truck. Minutes later, he was brought back to the hospital through an ambulance and was pronounced DOA.
“Ikinalulungkot ko, Michelle,” putol ng abogado sa paglalakbay ng isip niya.
Michelle blinked. Ibinalik niya ang atensiyon dito. “H-hindi ako makapaniwalang walang naiwan ang mga magulang ko, Tito Lauro,” she said in disbelief and grief. “Saan napunta ang lahat ng ipinundar nila? Ang pera nila sa bangko?”
“Hindi rin naman biro ang ginastos ni Amador sa sakit niya, hija. Natitiyak kong itinago niya sa mama mo na nasa late stage na ang sakit niya kaya hindi niya isinama si Emma sa pagtungo-tungo niya sa Amerika. And four months ago, kayong mag-anak ay isang buwang nanatili sa Canada. At sa nakalipas na isang taon ay halos walang hinawakang kaso ang papa mo.”
“Pero hindi sapat iyon para... para... maubos lahat ang mga ipinundar nila, Tito Lauro! And what about his share with the law office?”
“Lingid sa kaalaman ni Emma ay nailipat na ni Amador ang share niya sa opisina sa lola mo, hija. Noon pa mang malaman ni Amador ang tungkol sa sakit niya. At sa palagay ko’y dahil din sa panghihikayat ng lola mo.”
Both information genuinely surprised her. “Bakit gagawin ni Papa iyon?”
“Hindi ko kayang sagutin ang bagay na iyan, Michelle. At kung ang tungkol sa naipon ng iyong ama, may palagay akong ang Lola Digna mo ang dapat mong kausapin. May mga monthly withdrawal slips kaming nakita sa drawer ng papa mo sa opisina. Around those dates, your grandmother usually came to the office. Hindi idinaan sa bangko ang transaksiyon.”
Tinakpan ni Michelle ng kamay ang bibig upang hindi kumawala ang pagsinghap.
“Wala akong ideya kung bakit ginawa iyon ni Amador, Michelle. Hindi ko rin alam kung paanong walang natira sa joint accounts nila ng mama mo maliban sa nabanggit ko na. Pero suposisyon ko lang ang bagay na inilipat nang paunti-unti ni Amador sa lola mo ang anumang salaping naipon niya... nila ng mama mo. Pero ang pinakamalaking withdrawal na naganap ay nang kasalukuyang nasa ospital si Emma...
“Hindi gustong aminin ng papa mo sa mama mo na terminal ang sakit niya. We both know that there’s no love lost between Emma and Mrs. Verano. But your father adored his wife and might have left something for her but Emma’s heart attack was unexpected.”
Pinahid niya ng hawak na panyo ang sulok ng mga mata. Then, “Ang... bahay namin? Hindi ninyo nabanggit, Tito Lauro. Surely, my father left the house to me?” She was hopeful.
The lawyer gave her a pitiful look. “Ang bahay ay wala sa pangalan ng papa mo, Michelle, kundi sa lola mo—kay Digna Verano.”
Lumalim ang gatla sa noo niya. “Paanong nangyari iyon?”
“I hate to say this...” pabuntong-hiningang sabi nito habang ibinabalik sa briefcase ang mga dokumento. “Pero pag-aari ng ama ni Amador ang bahay na kinalakhan mo. And when Amador’s father died, he deeded the house to his wife Digna.”
Ni hindi makahagilap ng sasabihin si Michelle. Kung magtatagal pa siya roon ay baka bumulalas siya ng iyak sa harap ng abogado. Tumayo siya at nagpaalam.
“Kung may maitutulong ako sa iyo sa paano man ay sabihin mo lang sa akin, hija,” may-kabaitang wika ng abogado.
“T-thank you, Tito Lauro.” Tumalikod na siya patungo sa pinto. Umiikot ang pakiramdam niya at gustong magdilim ng kanyang paningin. Subalit nakarating siya sa pinto at napahawak nang mahigpit sa doorknob.
“Are you all right, Michelle?”
No. I am not! she wanted to say, physically and emotionally. Pero hindi niya kayang tagalan ang nahahabag na tingin ng abogado sa kanya.
“I... I will be, Tito Lauro,” wika niya nang hindi lumilingon at pagkatapos ay binuksan ang pinto at nagmamadaling lumabas.
PATUNGO sa penthouse si Adrian, ang huling palapag ng building na iyon na pag-aari niya. Ang dalawang kasabay niya ay parehong lumabas sa fourth floor. Pero sa iritasyon niya, lahat na ng kasunod na mga palapag ay hinintuan ng elevator.
Again, the lift automatically stopped on the seventh floor. How he wished he had a private elevator installed. Pero naisip niyang luxury iyon. Hindi naman siya malimit sa Maynila. Ang abogado niya ang namamahala sa propiedad niyang iyon at may housekeeper na nagtutungo sa penthouse para maglinis minsan sa isang linggo. Katunayan ang huling pagkakataong naroon siya ay dalawang buwan makalipas.
Adrian muttered a silent curse when the lift’s door opened. Subalit nahinto ang iritasyon niya at nahalinhan ng pagkagulat nang sa pagbukas ng pinto ay bumuway papasok ang isang babae na marahil ay nakahilig sa mismong gilid ng elevator. Reflexively, mabilis na tumaas ang mga kamay niya upang alalayan ito papasok kasabay ng pagsasarang muli ng elevator.
“Miss, ano ang nangyayari sa inyo?” he asked and didn’t fail to notice the sweet and pleasant perfume she wore.
Hindi ito sumagot. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa noo at ang isa ay mahigpit na ikinapit sa braso niya. Nakayuko ito at ang kulot nitong buhok ay tumabing sa mukha. Nararamdaman niya ang panlalamig ng kamay nito sa braso niya. The woman must be ill.
Pagkuwa’y umatras ito sa stainless steel na dingding ng elevator at itiningala ang mukha at isinandal ang ulo sa dingding. Adrian sucked in his breath.
“Harriet?” manghang anas niya.
“W-what?” she asked but didn’t open her eyes.
Napakurap si Adrian at tinitigan nang husto ang babaeng nananatiling nakapikit habang nakahilig ang ulo sa dingding. He was momentarily taken aback at the woman’s resemblance to Harriet. Sa isang sandali ay inakala niyang ito si Harriet kung hindi lang sa kabataan nito.
She must be around twenty... twenty-two. Not beautiful but pretty in her own way. Lampas-balikat ang hindi pantay-pantay na gupit nitong buhok na nagra-riot ang kulot. The mane was dark brown and was closed to black. Ang pagnanais niyang hawiin ang ilang hiblang tumabing sa pinagpapawisan nitong noo ay ganoon na lang.
Her eyelashes very dark on her creamy skin. He frowned at the dark circles in her eyes before his gaze moved down to her small pert nose, down to her wide and sensual mouth, the lower lip was a little fuller. Ang lipstick na kakulay ng suot nito, peach, ay nabubura na.
Her resemblance to Harriet was uncanny. At habang tinititigan niya ito nang matagal ay nakikita niya ang maraming pagkakaiba. She looked like Harriet and then she was not. And while Harriet was a morena, this woman was fair.
Namumutla ito at natitiyak niyang kapag binitiwan ay mauupos ito sa sahig. She appeared ill. Ang mga mata niya’y humagod sa kabuuan nito. She was as slender as an eel. Na lalo pang na-emphasize sa suot na puting damit. Subalit ang mga hugis sa katawan ay akmang-akma sa kung saan nararapat.
“Ano ang nararamdaman mo, Miss? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic? May clinic sa ibaba ng building na ito.”
Umiling ito. “No. I... I’ll be fine in a moment. N-nahihilo lang ako,” wika nito. Her voice gentle and cultured. “T-thank you.” Pilit nitong pinakakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak niya.
Binitiwan niya ang babae at nagmulat ito ng mga mata pero wala sa kanya ang focus ng paningin. At nang tangkain nitong tumuwid ng tayo ay muling pumikit at napahawak sa noo. At nang sa wari ay mauupos ang babae sa sahig ay muling naroroon ang mga bisig niya upang alalayan ito. At marahil sa pagsisikap na huwag itong bumagsak ay kumapit sa leeg niya ang babae.
Halos nakayakap na ito sa kanya. At sa kabila ng sirkumstansiya, hindi napigilan ni Adrian ang reaksiyon ng katawan.
Which was ridiculous! he thought angrily.
The elevator dinged when it stopped on the penthouse. Lumabas sila ng elevator. Ilang sandali pa’y binubuksan na niya ang pinto ng penthouse sa pamamagitan ng kaliwang kamay habang ang kanan niya ay nakapulupot sa baywang ng babae. She was practically leaning on his chest as her hands circled around his neck.
Kung hindi totoong namumutla at nanlalamig ang babae ay iisipin niyang nagkukunwari lang itong nahihilo kung ang pagkakayakap sa kanya ang pagbabatayan.
Inilapag niya sa sofa ang babae na agad inihilig ang sarili sa sandalan. Sandali niya itong tinitigan bago dinampot ang telepono sa ibabaw ng end table.
“May doktor sa ibaba, tatawagan ko—”
“No, please,” she said, shaking her head. “I am not ill.”
Atubiling ibinalik ni Adrian sa cradle ang telepono. Tinitigan niya ito nang matagal. Nakahilig pa rin ang ulo nito sa sandalan. Her eyes half-closed.
“Namumutla ka at kung hindi kita naagapan kanina ay babagsak ka sa elevator. Kailangan mo ng doktor.”
“I will be fine in a minute,” wika nito at hinawakan ang noo. Pagkuwa’y nagmulat ng mga mata at nilinga ang paligid. “A-anong lugar ito?”
“Nasa penthouse tayo ng building. Natitiyak mo bang hindi mo kailangan ng doktor?” His voice was impersonal.
“Please. Wala akong sakit. Thank you for your concern,” she said, looking a little perplexed.
“You looked like as if you haven’t slept for months.” Lumakad siya patungo sa kanugnog na dining room at mula sa coffeemaker na nanatiling naka-on ay nagsalin ng kape. “Gagawa ako ng kape para sa ating dalawa. Ano ang gusto mong timpla?” Nilingon niya ito.
Nasa anyo ng babae na tatanggi at nilinga ang paligid. Humigpit ang pagkakahawak nito sa shoulder bag na nasa balikat pa rin at tumingin sa may pinto. She was ready to bolt anytime.
“Hindi ako masamang tao. Ipanatag mo ang loob mo.” Paniwalaan man nito iyon o hindi ay wala siyang pakialam.
He couldn’t believe he was turned on when she had leaned into him and smelled her scent. Naiinis siya sa naging reaksiyon ng katawan sa estrangherang ito.
“If you noticed, I left the door open.”
Dahan-dahan ang ginawa nitong paghugot at paglabas ng hininga. Then, “Strong. Dash of sugar and lots of cream, please.”
Binuksan niya ang cupboard at kinuha roon ang selyado pang lata ng cookies, courtesy of Harriet when she did his grocery five months ago. Binuksan niya iyon at naglagay sa platito. Ilang sandali pa’y inilapag na niya ang tray sa coffee table.
Umusal ito ng pasasalamat at dinampot ang kape at marahang humigop. Pagkatapos ay kumuha ng cookies at kumain. He went back to the kitchen and pretended to busy himself. Napuna niyang nagugutom ang babae. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagsubo sa cookies.
Nang mapangalahati nito ang laman ng platito ay bumalik siya habang hinihigop ang sariling kape.
“I-I love... cookies,” she said, embarrassed.
So was Harriet. Pero hindi niya maiugnay ang dalawang pagkakatulad na iyon. Sinabi lang nito iyon dahil mukhang gutom ito na kahit ano ang ihain niya ay tiyak na kakainin. And she looked a little better. Bumalik nang unti-unti ang kulay sa mukha nito.
He shrugged his shoulders. “Hindi ka naman mukhang walang pambili ng pagkain,” he said crassly.
As the woman gasped, he studied her blatantly. Mamahalin lahat ang suot, kahit na ang puting-puti at sleeveless nitong damit. Ang malaking bag na nakasabit pa sa isang balikat nito ay Prada. The bag seemed to be pulling her frail shoulder down. And the diamond tennis bracelet weighed down her elegant left hand.
Not to mention the sweet expensive perfume she was wearing. “Sabi mo’y wala kang sakit. Kaya alin na lang sa tatlo: nagpalipas-gutom ka, puyat ka o naglilihi ka?”
She frowned. “What?”
Tinitigan niya ang flat nitong tiyan, then asked crassly. “Naglilihi ka ba?”
Hindi miminsang nawawalan ng ganang kumain si Beverly noong panahong naglilihi ito at malimit na mapaghihilo sa first trimester. His gaze went down to her hands. On her ring finger was an eternity, katerno ng bracelet nito. Not a wedding ring. Meaning, she was unmarried.
He saw a flicker of anger in her eyes. “Salamat uli sa pag-aalala mo, Mister.” The shy tone suddenly gone cold. Inilapag nito ang wala nang lamang tasa sa tray. “Pero kung ano man ang sanhi ng pagkahilo ko’y hindi mo na problema.” Pagkuwa’y tumayo ito.
Silently, he was hoping she would buckle so she would stay a little longer. Na isang malaking kalokohan dahil kanina lang ay kinaiinisan niya ito. Pero tumayo ang babae at nakahakbang na tila hindi nangyari ang pagkahilo.
“Salamat din sa kape at cookies.” Tuloy-tuloy ito sa pinto at lumabas.
Adrian shook his head. He knew he was rude. Bagay na hindi niya maintindihan kung bakit bigla’y namutawi sa bibig niya ang mga sinabi. But he didn’t like the way his body reacted to hers.
Inubos niya ang laman ng mug. Hindi niya makuhang iwaglit sa isip ang pagkakahawig nito at ni Harriet.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock