Chapter 4
NAPUYAT si Czarina nang nagdaang gabi. Salamat sa librong ibinigay ni Ymar at sa napakaraming article na binasa niya tungkol sa lalaki. Lahat yata ng article na may kinalaman kay Ymar ay hindi niya pinalampas. At sa mga nabasa niya, may pagkakapareha ang mga iyon.
Ymar Stroam was described as a serious businessman with an intimidating and snob aura. Para sa kanya, hindi lang aura, talagang pangit ang ugali ng lalaki. Napakaisnabero. Hmp! Nakakainis ang ugali pero nakaka-attract naman ang kaguwapuhan.
Napailing na lang si Czarina sa iniisip saka tinapos ang pagkain ng agahan. After washing the dishes and brushing her teeth, she went out. Pero pagkabukas niya ng pinto, nagsalubong ang mga kilay niya nang may makitang isang tangkay ng tulips katulad ng nagdaang gabi.
Napalinga-linga siya sa paligid, nang walang taong makita, mas lalong kumunot ang kanyang noo.
Kinuha ni Czarina ang naka-roll na puting papel sa stem ng bulaklak saka binasa ang nakasulat doon. “You made me smile for no reason at all.” Natigilan siya, mayamaya ay tumaas ang kilay niya. “Who the hell are you?”
Sa isiping baka malaman niya sa CCTV footage kung sino ang nag-iiwan ng bulaklak sa labas ng pinto niya, nagpunta siya sa pamosong barn na pag-aari si Lysander Callahan, ang may-ari ng Bachelor’s Village.
“Good morning,” bati ni Czarina sa lalaki na relax na relax na nakahiga sa duyan na nasa foyer sa labas ng barn house. “Can I talk to you for a minute? Importante lang.”
The man sighed and then glanced at her, still lying comfortably on the hammock. “Yes, beautiful?”
Kinunutan niya ng noo ang lalaki. “Beautiful?”
“Yeah. Maganda ka, hindi mo ba alam?” Umupo si Lysander sa duyan saka tumingin sa kanya. “Anyway, ano’ng maipaglilingkod ko sa `yo, magandang binibini?”
“Ahm…” Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Ahm, my CCTV ang buong village, `di ba?”
Tumaas ang dalawang kilay ni Lysander. “Oo naman. Bakit mo naitanong?”
“Kasi…” Ipinakita ni Czarina ang tulips na itinago niya sa likuran. “Dalawang beses nang may nag-iwan nito sa labas ng bahay ko. Una kagabi at ang pangalawa ay ngayong umaga. Gusto ko sanang malaman kung sino ang naglalagay nito sa labas ng bahay ko.”
Napatango-tango si Lysander. “Okay. Let’s go to the CCTV house.”
She smiled at Lysander. “Thanks.”
Sabay silang nagpunta ng lalaki sa CCTV house kung saan may guwapong singkit na lalaki na nakaharap sa maraming computer screens.
“Shun, my man,” malakas na sabi ni Lysander saka nakipagkamay sa singkit na lalaki. “May gusto raw makita si miss maganda sa CCTV sa labas ng bahay niya.”
Mataman siyang tinitigan ng singkit na lalaki mayamaya ay ngumiti. “Ikaw `yong kapitbahay ni Ymar, `di ba?”
Nakakunot ang noong tumango si Czarina. “Kilala mo ako?”
Isang makahulugang ngiti ang kumawala sa mga labi nito. “Marami talaga akong kilala na hindi ako kilala,” sabi ni Shun saka humarap sa monitor ng computer. “Anong date ng video ang gusto mong makita?”
“Kagabi at ngayong umaga,” sagot niya habang sumisilip sa monitor ng computer.
Mabilis na tumipa si Shun sa keyboard ng computer at ilang minuto lang ang lumipas, may video na nag-play.
Czarina narrowed her eyes on the monitor. May lalaking nakatalikod sa camera, nakaharap ito sa pinto ng bahay niya. His back looked familiar. Kitang-kita ni Czarina ang lalaki na nag-iwan ng isang tangkay ng tulips sa labas ng kanyang pinto. At nang lilingon na ito paharap sa camera ng CCTV, narinig niyang napamura si Shun.
“Fuck!” Mabilis ang naging paggalaw ng kamay nito. He pressed something on the keyboard and the monitor became static and blurry.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong nangyari? Bakit biglang nagkaroon ng static? Sira ba ang computer n’yo?” sunod-sunod niyang tanong.
Shun gave Lysander a knowing look before looking at her. “Virus. YS virus.”
Bumagsak ang mga balikat ni Czarina. “Gano’n ba? Hmp! Kainis naman. Paasa naman `yang computer n’yo, eh. Ipakilo n’yo na nga `yan at nang mapakinabangan.” Naiinis na nagmartsa siya palabas ng CCTV house.
Napatigil siya sa paglalakad nang makasalubong si Ymar sa may pintuan. Magkasalubong ang mga kilay nito nang magtama ang mga mata nila.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” puno ng curiosity niyang tanong.
Lalong sumama ang mukha ni Ymar. “Bakit ka nagtatanong? Ano ba kita?” Pagkasabi niyon ay nilampasan siya ng lalaki at naiwan siyang nakatanga sa hangin.
Grabe talaga ang ugali ni Ymar. Nakakairita na nakakainis na ang sarap iumpog ang ulo sa pinakamalapit na pader. Urgh!
Naiinis na tuluyang lumabas sa CCTV house si Czarina. Wala namang pakinabang ang pesteng CCTV na iyon! Mga sperm silang lahat! Sperm! Buwisit! Makapunta na nga lang sa bahay ng kaibigan niyang si Anniza. Bonding day nila ngayong magkakaibigan.
NANG malampasan ni Ymar si Czarina ay agad siyang lumapit kay Lysander, ang may-ari ng Bachelor’s Village.
“Bakit mo ba ako pinatawag?” naiinis na tanong niya.
Lysander had this sly smile on his lips. “So, hindi ka nagtagumpay na makaimbento ng gamot para sa anti-love,” sabi nito na mas ikinakunot ng kanyang noo.
“What?” naguguluhang tanong niya.
Lysander pointed his finger at the computer screen. “Play it again, Shun.”
Ymar dragged his gaze to Shun who was now busy typing something on the keyboard. Mayamaya ay unti-unting nawala ang static sa monitor at naging HD ang linaw ng video.
Napakurap-kurap si Ymar nang makita ang video. It was him!
Fuck! Did Czarina see it? Galing lang doon ang babae, `di ba?
Shun gave him a reassuring look. “No worries. Hindi niya nakita. May ginawa ako para magkaroon ng static sa monitor at maging blurry. So,” nanunuksong ngumiti ito. “Saan ka bumibili ng tulip?”
Bumuga ng marahas na hininga si Ymar. He will never hear the end of this! Fuck! “I’m just being friendly.” Pagkasabi niyon ay nagmamadali siyang lumabas ng CCTV house.
Gusto niyang kutusan ang sarili. Paano kung malaman iyon ni Czarina? Shit! Fuck!
Mabilis siyang bumalik sa CCTV room para kausapin ang dalawa.
“O!” Mukhang hindi naman nagulat si Shun nang makita siya. “Bumalik ka.” He faked a shocked expression. “Ano’ng kailangan mo?”
He rolled his eyes. “How much do I have to pay to shut you two up?”
Lysander chuckled. “I can keep my mouth shut without payment, Ymar. But…” Itinuro nito si Shun na abala sa cell phone. “Not this guy. Mukhang pera kasi ito, eh.”
Nag-angat ng tingin sa kanya si Shun at ngumisi saka iniharap sa kanya ang screen ng cell phone nito. It was a calculator. And it had a six-digit amount typed on the screen.
“That’s the price for my silence,” sabi ni Shun habang may matagumpay na ngiti sa mga labi.
He blew a breath. “Kapag binigyan kita niyan, mananahimik ka na?”
Tumango si Shun. “Yes. I’ll be silent like a mute.”
Umikot ang mga mata ni Ymar. “Mapupunta ba ang pera na ibibigay ko sa charity mo?” Calyx told him about Shun’s charity work.
Tumango si Shun.
“Fine. Babayaran na kita,” sabi ni Ymar.
Hindi naman mapupunta sa wala ang ibabayad niya kay Shun. Mapupunta naman iyon sa charity kaya ayos lang iyon sa kanya. It was like hitting two birds with one stone. It will silence Shun and it will help kids in need. It was a win-win situation.
Yes!” Sumuntok pa si Shun sa hangin sabay tapik sa kanyang balikat. “Barya mo lang naman `yon, eh.”
He grimaced. “Whatever. Follow me.”
Lumabas si Ymar ng CCTV house at nagpunta sa bahay niya gamit ang Lexus habang naka-convoy sa kanya si Shun sakay ng Hummer nito.
Nang makarating sila sa kanyang bahay ay agad siyang pumasok at kinuha ang checkbook niya, pagkatapos ay ibinigay kay Shun ang tseke.
“Here. Ikaw na ang bahala riyan.” Then Ymar narrowed his eyes on Shun. Keep your mouth shut.”
Nangingiting tumango si Shun. “Can’t believe it, but yeah, I’ll keep my mouth shut.”
“Good.” Tinalikuran na niya ang lalaki. “Lumayas ka na sa pamamahay ko.”
Tinawanan lang ni Shun ang pagalit niyang boses at lumabas ng bahay niya. Bumalik si Ymar sa kanyang kuwarto at tumambay na naman sa may terrace.
Actually, he hated that part of his house. Kasi napakalapit niyon sa katabi ng bahay. Gusto niya ng katahimikan kaya nga binili ang bahay na iyon kay Shun Kim. Nakabayad na siya nang malamang may terrace pala ang kuwarto at halos nakadikit iyon sa katabing bahay na hanggang tuhod lang ang bakod. Iyon lang ang tanging nagsisilbing pagitan nila. Loko din naman kasi siya. Hindi muna niya inalam ang design ng bahay bago niya binili.
But because of his new neighbor, his opinion about the terrace was changing.
MARIING ipinikit ni Czarina ang mga mata nang iparada niya ang sasakyan sa labas ng gate ng kanyang bahay. She was a little bit drunk. Uminom kasi siya kasama ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Haze at Anniza.
Her tolerance in alcohol was very low. Kahit champagne lang ang iniinom niya, nalalasing siya kaagad. Mabuti nga at nakauwi pa siya nang maayos. Salamat sa Diyos dahil hindi siya nadisgrasya.
Lumabas siya ng kanyang sasakyan na parang umiikot ang mundo. Pinilit niyang maglakad ng tuwid hanggang sa makarating siya sa pinto ng bahay.
The door was opened. What? Pero ini-lock naman niya iyon kanina. She should investigate. But her disoriented and intoxicated mind won’t let her. Umiikot ang kanyang paningin habang naglalakad papasok sa bahay niya.
A very manly scent assailed her nostrils.
“Ang bango naman ng bahay ko. Amoy ni Ymar,” Czarina said in a slurred voice.
She walked to the left side of her house where the staircase was located. Pero hindi hagdanan ang sumalubong sa kanya kundi isang malaking TV. Napakunot ang noo niya at pilit na inaaninag kung nasaan ang hagdanan ng kanyang bahay. She was sure that it was on the left side of her house—
“There you are,” nangingiting sabi niya nang makita ang hagdanan. “Hmm… lasing yata talaga ako. Hindi ko na matandaan kung nasaan ang hagdanan ng sarili kong bahay.”
Umakyat si Czarina sa second floor at pumasok sa nag-iisang kuwarto na naroon. Papikit-pikit siya dahil sa kalasingan. Hindi na talaga siya iinom ulit. Urgh! Sana doon na lang siya natulog kina Anniza, wala naman doon ngayon ang mga magulang ng kaibigan. Damn it!
Nang makapasok sa kuwarto ay agad na hinubad ni Czarina ang damit niya. Tanging panty lang ang itinira niyang suot saka mabilis na humiga sa kama.
Czarina inhaled the scent of the pillow. Napakabango ng amoy ng unan niya. At ang lambot ng kanyang kama. Napakabango rin ng kumot niya. Hmmm...
Umayos siya ng higa saka natulog. It felt comfortable sleeping on this bed. Her bed never felt this good… Ngayon lang.
NAG-INAT si Czarina at nakangiting dumilat. It was morning! She was about to stretch her body when her feet bumped into another… feet?
Malalaki ang matang tinanggal niya ang kumot. Halos malaglag ang kanyang panga nang makita kung sino ang may-ari ng paa na nasagi niya.
Oh, my God! Oh, God! Fudge?! Shit! Holy hell! What the fudge?!
Sinapo niya ang bibig para hindi siya biglang sumigaw.
Shit! Ano’ng nangyari!?
Hinalungkat ni Czarina ang isip kung ano ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Her memory was hazy and blurry. She was sure as hell that she was in her house. Pero bakit may katabi siya sa kama? Parang sasabog ang utak niya sa pag-iisip kung ano ang nangyari pero wala talagang pumapasok na eksplanasyon sa kanyang utak.
“Don’t shout. Just leave,” sabi ng lalaking katabi niya.
Czarina gaped at Ymar whose eyes were still close. “A-ano?”
Dumilat ang mga mata nito at tumingin sa kanya. He had these sleepy eyes and messy hair. “I said don’t shout. Just leave.”
Napanganga siyang lalo. “Ano’ng ginagawa mo rito sa kuwarto ko?” pabulong na tanong niya.
“It’s my room, not yours.” He had this lazy bedroom voice. “You were drunk. I was still having dinner last night in the living room when you entered my house without permission.” He heaved a deep sigh. “Pumasok ka sa hindi mo bahay at natulog ka sa hindi mo kama. Now, leave.” Mayamaya ay bumaba ang mga mata nito sa kanyang dibdib. “Nice breast by the way. Looks yummy.”
Bumaba ang tingin ni Czarina sa kanyang dibdib at malakas na napasinghap nang makitang wala siyang suot na bra! Oh, my freaking God! I’m dead! Kill me, now!
Mabilis na hinablot niya ang kumot na nasa kama at ginawa iyong pantapis sa katawan. Nasisiguro niyang namumula ang kanyang mga pisngi dahil sa kahihiyan pero hindi siya magpapahalata na masyado siyang apektado sa nangyari.
Tumikhim siya at taas-noong tinaasan ito ng kilay. “Bumangon ka na riyan at ipagluto mo ako ng agahan. Bayad mo `yon dahil tiningnan mo ang dibdib ko.”
Tumaas ang kilay ni Ymar. “At bakit ko naman gagawin `yon?”
“Kasi nagugutom ako at masakit ang ulo ko,” naiinis niyang sabi.
Hindi inaasahan ni Czarina na papayag si Ymar sa kanyang pinapagawa. Laking gulat niya nang makitang bumangon ang lalaki at pinukol siya ng masamang tingin.
“Follow me” sabi ni Ymar sa kanya.
Mabilis niyang sinundan ang binata habang nakatapi pa rin sa katawan ang kumot. Shit! Grabeng kahihiyan ang dinanas niya ngayong umaga. Bakit naman kasi namali siya ng pinasukang bahay!?
Dinala siya ng lalaki sa kusina at biglang napatigil nang bigla na lang itong humarap sa kanya at hinawakan ang magkabilang baywang niya. Magpupumiglas sana siya nang buhatin siya ng lalaki paupo sa island counter.
“There…” sabi ni Ymar na nakakunot ang noo. “Huwag kang gagalaw kong ayaw mong palayasin kita.”
Walang imik na tumango si Czarina habang mahigpit ang hawak sa kumot na nakatapi sa hubad na katawan. Sumusunod ang mga mata niya sa guwapong lalaki na inaasikaso siya kahit hindi bukal sa loob. And she couldn’t help looking at his arm muscle every time it flex ed as he moved around. Her eyes also couldn’t get enough of his handsome face. Bakit naman kasi napaguwapo ng lalaki, hindi tuloy niya mapigilang ma-attract dito.
It was normal, right? Attraction was normal. She was an adult and Ymar was very handsome. Normal lang na magkagusto siya rito kasi guwapo ito.
Tumango-tango siya para sang-ayunan ang sarili. Mayamaya ay napasimangot siya at nasapo ang noo. “Ang sakit,” reklamo niya. “Ang sakit-sakit ng ulo ko.”
Ymar rolled his eyes and went to get something in the cabinet. Napatingin siya sa kinuha ng lalaki. Kumuha ito ng dalawang tableta ng Advil. Mayamaya ay kumuha ito ng isang basong tubig at ibinigay iyon sa kanya kasama ang dalawang tableta ng gamot.
“Sige, maglasing ka pa,” pagalit na sabi ni Ymar. “Nakakaistorbo ka sa iba. Dapat ay natutulog pa ako ngayon kasi Linggo.”
Mabilis na tinanggap ni Czarina ang gamot at ininom saka tumingin kay Ymar. “Kasiyahan lang naman `yon, eh.”
Tango lang ang isinagot sa kanya si Ymar. Tinalikuran siya ng lalaki at pinagtimpla ng juice. Ginawan siya ng sandwich nito saka binigyan ng saging.
“Hayan, mag-agahan ka na at lumayas ka na sa pamamahay ko,” sabi ni Ymar saka siya iniwan sa kusina.
Mag-isang nag-agahan si Czarina sa komedor ni Ymar. Ang akala niya ay tuluyan na siyang iniwan ng lalaki nang bigla itong sumulpot at may dala nang malaking t -shirt na nasisiguro niyang lampas hita sa kanya.
“Here.” Isinuot sa kanya ng lalaki ang t -shirt nang hindi niya iyon tanggapin. “Sa backdoor ka dumaan. Ayoko ng tsismis.”
Inirapan niya si Ymar habang kumakain ng saging. “Hindi naman nakakahiya na matsismis sa `kin. Maganda naman ako, sexy na sexy, hot, amazing at super duper beautiful.”
Umangat ang gilid ng labi nito na para bang pinipigilan ang ngumiti. “Bilib din ako sa `yo. Hindi lang upuan ang binuhat mo, pati mesa.” Naiiling na hinawakan siya ni Ymar sa baywang at ibinaba mula sa island counter. “Sige na. Umalis ka na.”
Iningusan niya ang lalaki. “Maganda ako kaya bakit ako sa backdoor dadaan?”
Parang napipikong napabuntong-hininga si Ymar. “Matagal ko nang alam na maganda ka. Ang sa akin lang, ayokong matsismis tayong dalawa. Mga tsismosa pa naman ang mga kapitbahay natin. Kaya sa backdoor ka dumaan. Naiintindihan mo?”
Walang naintindihan si Czarina maliban sa alam nitong maganda siya. Nanunudyong nginitian niya ang lalaki. “May crush ka sa `kin, `no?”
Nagdilim ang mukha ni Ymar. “Alis. Lumayas ka sa pamamahay ko.”
Natatawang naglakad siya papunta sa back door ng bahay nito. “May crush ka sa `kin,” tukso niya sa lalaki.
“Sige, mangarap ka pa nang gising,” sabi ni Ymar na nasa likuran niya.
Nang makalabas sa backdoor ay bigla siyang humarap sa lalaki. Nahigit niya ang hininga nang makitang malapit ang mukha nila sa isa’t isa.
Nagkabuhol-buhol ang tibok ng puso ni Czarina sa simpleng pagkakalapit lang ng mga mukha nila. God! Something was wrong with her heart. Bakit ba ganito iyon ngayon kay Ymar?
And Ymar looking at her slightly parted lips was not helping her poor heart. And the desire she saw in them wasn’t helping either.
“D-don’t look at my lips like that,” pabulong niyang sabi.
Mas lumapit pa ang mukha nito sa kanyang mukha. “Like what?”
Lihim siyang napalunok. “L-like you’re going to kiss me—”
“Paano kung halikan nga kita?” pabulong nitong tanong. “Tutugunin mo ba?”
Her heart and body automatically said yes, but her mind was confused and in denial. Kaya naman wala siyang naibigay na sagot sa tanong ng lalaki.
Ilang segundo pang tinitigan ni Ymar ang mga labi niya bago ito umatras at binigyang distansiya ang mga katawan nila. “Sige na, alis na.”
Mabilis ang tibok ng pusong tumango si Czarina. “Aalis na.”
Hindi pa rin siya mapakali sa kakaibang tibok ng puso niya habang papunta sa kanyang bahay. Mabuti na lang at hindi gaanong mataas ang bakod na naghihiwalay sa bahay nila ni Ymar at nalampasan niya iyon.
Nang makapasok siya sa bahay ay saka lang na-realize ni Czarina na nakatapi pa rin pala sa kanya ang kumot ni Ymar.
Akmang babalik siya sa bahay ng lalaki nang makita niyang nakatayo sa may terrace si Ymar na nakaharap sa kusina niya at pasigaw na nagsalita.
“Ibalik mo ang kumot ko. Pinatulog na nga kita at pinahiram ng t -shirt, pati kumot ko kinuha mo pa! Abuso ka na!” sigaw nito.
Sa halip na sundin ang sinabi ni Ymar ay inirapan lang niya ang lalaki. Patakbo siyang pumunta sa kanyang kuwarto. Balak niyang matulog nang mahimbing na mahimbing habang inaamoy ang mabangong kumot ni Ymar.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock