Ymar Stroam (Possessive Series 7) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 3

select arrow

Chapter 3

ISASARA na sana ni Ymar ang sliding glass door niya na kumokonekta sa balkonahe at kusina nang makita si Czarina na subo-subo ang saging habang nagluluto ng hapunan. Tumaas ang isang kilay niya. She really liked bananas so much.

He knew that staring at someone was rude but he coudn’t look away at the woman who was slowly grinding her hips as she cooked while eating a banana. There was something about a woman cooking that appealed to him.

Weird.

Nakasunod ang mga mata ni Ymar sa babae habang nagluluto ito at kumakain. Ganoon din siya kaninang umaga nang makita sa kusina ang kanyang kapitbahay. Hindi alam ni Ymar kung bakit hindi niya maalis ang titig kay Czarina. Hanggang sa mapatingin ito sa kanyang direksiyon at nagtama ang mga mata nila.

The kiss they shared came crashing through his mind and he felt breathless all of a sudden.

Ipinilig ni Ymar ang ulo nang mawala ang babae sa kanyang paningin saka tuluyan na niyang isinara ang sliding glass door. Thinking of that woman and that kiss always made his body hot and needy.

Fuck!

Katatapos lang niyang maghapunan kaya naman tumambay muna siya sa terrace na nakakonekta sa kanyang kuwarto. Dinala niya ang librong iniregalo ng kanyang ina noong birthday niya na I Love Chemistry ang title.

Both of his parents’ were chemists and divorced. Sadly, sa Amerika nagpakasal ang mga magulang kaya naman malaya ang mga itong mag-file ng divorce nang umayaw na. Pero kahit hiwalay ang dalawa, hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ama. His father, Ymanuel Stroam, still made him his heir and successor to his successful company. Kaya nang makapagtapos siya sa pag-aaral sa Stanford at naging chemist, siya na ang namahala sa YS Pharmaceutical.

After his parents divorced, his mother put up CF Pharmaceutical to rival his father’s company. At sa ngayon, magkalaban ang dalawang pharmaceutical na pag-aari ng kanyang mga magulang. Balak niyang pag-isahin ang YS at CF. Kaya lang, para mangyari iyon, kailangan niyang gawin ang kasunduan nila ng kanyang ina para mapasakanya ang CF Pharmaceutical.

His father was a full-blooded American while his mother was a full-blooded Filipino. That made him a Fil-Am. Pero kahit may mansiyon sila sa New York, mas pinili niyang manatili na bansang sinilangan. People here were kind and generous. And he had lots of friends here. Friends who can be kept for life.

So after working on his father’s pharmaceuticals for three years, he made his own pharmaceutical company. Itinayo niya ang sariling negosyo sa Pilipinas at sa awa ng Diyos ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang pangalan sa business world. Not to mention that YS Pharmaceuticals, US-based, was now under his management dahil nag-retire na ang kanyang ama dahil napapagod na raw ito.

Ymar sighed and started reading the book in his hand.

Habang binabasa iyon ay wala sa sariling panay ang sulyap ni Ymar sa bintana na nakaharap sa kanya. Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Tapos na ba itong magluto? Itinabi na ba nito ang mga pinamili nila kanina o itatabi pa lang?

Hindi maintindihan ni Ymar kung bakit niya ginawa ang kanyang ginawa kanina sa grocery store. Seeing his neighbor getting insulted really pissed him off. At dahil malapit lang siya sa dalawa, dinig na dinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Her neighbor’s ex-boyfriend. And that pissed him off even more. To think that her ex who left her for someone else still had an affect on her.

Good thing that pretending wasn’t new to him. Madali lang para sa kanya ang magpanggap na masaya o nakangiti kahit hindi naman dahil palagi niyang ginagawa iyon noong maghiwalay ang kanyang mga magulang. He had to pretend that he was okay, that he was smiling, when actually inside, he was hurting. Nadala niya iyon hanggang sa paglaki kaya naman madali para kay Ymar ang magpanggap katulad ng ginawa niya kanina.

But I’m still pissed off. And it feels like I wasn’t pretending earlier.

Marahas niyang ipinilig ang ulo saka bumuntong-hininga.

Bakit ba ako naiinis? It was none of his business anyways.

Napabuntong-hininga ulit si Ymar saka akmang buburahin ang babaeng nag-uumpisa nang magkampo sa isip niya nang makita ang babae sa bintana. Naghuhubad ito ng damit na para bang walang taong makakakita rito, na para bang wala itong kapitbahay na lalaki.

Napailing-iling siya nang maramdamang nabuhay ang bagay sa pagitan ng kanyang mga hita. Bumuga siya ng hangin saka umalis sa terrace. Malapit nang maubos ang kanyang pagtitimpi. Malapit na malapit na! Sasabog na siya. Hindi ba ito nag-iisip na may kapitbahay itong lalaki at basta-basta na lang naghuhubad?

“I’m proud of my body,” she said.

She should be. She was really sexy as hell and that was his problem. Hindi puwedeng palagi niyang nakikita ang babae na naghuhubad. He was useless in the office this morning. Kasi walang ginawa ang isip niya kundi ang isipin ang babaeng naghuhubad sa kanyang harap.

Fuck!

Pagkapasok ni Ymar sa kuwarto ay agad siyang pumasok sa banyo para pumailalim sa malamig na shower. Kailangan niyang patayin kung ano man ang init sa katawan na kanyang nararamdaman.

He couldn’t be feeling like this towards his neighbor.

Kasalanan talaga ito ng mga kaibigan niya. If it wasn’t for that dare, he would not be this affected.

Napapailing si Ymar habang naaalala ang paghuhubad niya sa harap ng kanyang kapitbahay. Pakiramdam niya noong una, wala na siyang maihaharap na mukha sa babae dahil sa kanyang ginawa, pero bakit naman niya mararamdaman iyon? His manhood was something to be proud of.

Yep. He was proud.

MAAGANG nagising si Czarina. Pagkabangon sa kama ay agad niyang binuksan ang bintana. She stilled when she saw Ymar leaning on the terrace’s railing, facing her window.

Nagtama ang mga mata nila.

Ymar’s blue-gray eyes were staring at her like he was memorizing her face. Mayamaya ay bigla na lang itong umalis sa terrace at pumasok sa loob ng bahay nito na wala man lang sinasabi.

Napabuntong-hininga na lang siya sa inakto ng lalaki. He was nice when he was pretending, but a snob when he was not. Hindi niya alam kung bakit ganoon si Ymar sa kanya o iyon talaga ang ugali nito sa lahat.

Umalis siya sa bintana at humarap sa salamin. Napasinghap siya nang makitang parang ginawang pugad ng manok ang kanyang buhok. What the fudge? Humarap siya kay Ymar na ganito ang kanyang hitsura?! Gandang-ganda pa naman siya sa sarili kanina habang nakikipagtitigan dito.

Napailing-iling siya bago tumakbo papunta sa banyo at naligo.

After taking a bath, she wore her black leather shorts and a slash collar solid-colored spliced blouse. Pinaresan niya iyon ng ankle boots saka bumaba sa kusina. Hindi siya nag-a-apply ng makeup dahil nagiging oily ang mukha niya at nagkakaroon siya ng taghiyawat. Naiinis siya dahil doon. Saka hindi rin siya makapag-lipstick dahil nagkakasugat-sugat ang mga labi niya kaya naman kahit kailan ay hindi siya magiging maganda.

Binuksan ni Czarina ang lahat ng bintana sa kusina bago siya nagluto. Masyadong mahigpit ang security sa village na iyon kaya naman hindi siya natatakot na iwan na nakabukas ang bahay niya.

When she opened the last window, she came face to face with Ymar again. Naka-lab coat na ang lalaki at sumisimsim ng kape habang may hawak na namang libro.

“Good morning,” masaya niyang bati sa lalaki na hindi man lang siya pinansin.

Such a snob. Goodness! Bakit ba niya nakalimutan na isang pagpapanggap lang ang nangyari noong isang araw. He was just nice because he was pretending. Nagiging mabait lang naman si Ymar at namamansin lang kapag nagpapanggap ito pero kapag sila na lang dalawa, lumalabas palagi ang tunay nitong ugali.

Inirapan ni Czarina ang lalaki na hindi man lang pinansin ang kanyang kagandahan.

Nagtimpla siya ng kape saka nagbalat ng saging. Habang kumakain ng saging ay nagluluto siya ng bacon at inilagay ang slice bread sa toaster. After she toasted the bread, nilagyan niya iyon ng two slices of tomato, two slices of cheese at mayonnaise, saka niya inilagay ang bacon na niluto.

Tinitigan muna ni Czarina ang ginawang bacon sandwich. “Yum!” nakangiti niyang sabi bago sinimulang kainin ang kanyang agahan.

Habang kumakain, pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya pero pinagsawalang-bahala niya. Pinagpatuloy niya ang pagkain ng bacon sandwich, saging at pagsimsim ng kape.

Wala sa sariling napatingin siya sa gawi ng terrace ni Ymar at nahuli niya ang lalaki na matiim ang titig sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay tumikhim ito atmayamaya ay pumasok sa loob ng bahay.

Napakunot ang noo niya saka napailing-iling.

Sa halip na isipin si Ymar at ang kakaiba nitong ugali ay tinapos ni Czarina ang pagkain saka umalis ng bahay para pumunta sa clinic niya.

ABALA si Ymar nang araw na iyon. Pabalik-balik siya sa bawat branch ng Romero’s Hospital sa Metro Manila para sa pharmacy ng ospital. Ibang pharmaceutical ang nagdi-deliver ng gamot sa nasabing ospital at nang maging asawa ni Wolkzbin ang anak ng may-ari ng Romero’s chains of hospitals ay napagkasunduan nila na ang YS Pharmaceuticals na ang bahala sa mga gamot. And that deal started today kaya kailangang siya mismo ang mag-asikaso dahil marami siyang papeles na pipirmahan. Ayaw niyang iasa sa kanyang mga empleyado ang mga gawain kung kaya naman niya.

Naglalakad si Ymar palabas ng ospital nang mapadaan siya sa Emergency room. Napatigil siya sa paglalakad nang mahagip ng kanyang mga mata ang nakatayo niyang kapitbahay sa paanan ng isang buntis na babae na panay ang igik at daing sa sakit habang sapo-sapo ang tiyan.

“Doktora, lalabas na yata ang anak ko,” mangiyak-ngiyak na sabi ng buntis. “Masakit na masakit na, Doc. Hindi ko na kaya.” Maarteng humiyaw na naman ang babae saka tumingin kay Czarina. “Doc, manganganak na ako. Masakit na, eh.”

“That’s what you call labor, Misis,” imporma ni Czarina sa babaeng namimilipit sa sakit. “Malayo pa ang bata, hindi ka pa manganganak.”

“Pero, Doc, masakit na masakit na talaga,” reklamo ng babae.

“Akala ko ba gusto mo ng normal delivery?” usisa ni Czarina sa babaeng hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit na nararamdaman. “Masakit talaga `yan. Just endure it.”

Halatang napipikon na si Czarina sa kausap.

“Pero kasi, Doc, mahihimatay na ako sa sakit, eh.”

Napabuntong-hininga si Czarina. “Kaya mo `yan, Misis.”

Mukhang naramdaman ng babae ang kanyang titig dahil lumingon ito sa gawi niya. Nagtama ang mga mata nila at hindi man lang niya nakakitaan ng gulat ang mukha ni Czarina nang makita siya. She looked at ease and cool.

Pinigil ni Ymar ang mapangiti nang bumaba ang tingin niya sa paa nito at nakitang naka-ankle boots ang babae. Usually, mga komportableng sapatos ang suot ng mga doktor at hindi boots. Kung hindi ito naka-lab gown, baka mapagkamalan niyang bantay ng pasyente ang babae.

“Malayo pa ang bata, maglakad-lakad ka muna,” payo nito sa pasyente na panay pa rin ang reklamo saka lumabas ng emergency room.

Hindi niya napigilang magtanong nang tumapat sa kanya si Czarina. “Bakit ka naka-ankle boots?”

Humarap ito sa kanya at tinaasan siya ng isang kilay. “Bakit? Gusto mo? Feeling ko hindi kakasya sa paa mo, eh,” sarkastiko nitong sabi sa kanya.

Natigilan si Ymar sa mataray nitong boses. “Galit ka? Nagtatanong lang naman ako kasi hindi lang akma ang suot mo para dito sa ospital.” Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa babae. “You should know the proper dress code,” dagdag niya para mas maintindihan nito ang ibig niyang sabihin.

Tumalim ang mga mata ni Czarina saka namaywang. “Ano ba ang problema mo, ha?” sikmat nito sa kanya. “Kung susungitan mo lang naman ako tulad ng palagi mong ginagawa, huwag mo na lang akong kausapin. Nakaka-bad trip ka, alam mo ba `yon?”

Kinunutan niya ng noo ang babae. “I’m just telling you what to wear inside the hospital.”

Kinunutan din siya ng noo ni Czarina. “You don’t have to tell me.” Inirapan siya ng babae. “Huwag mo na lang akong kausapin,” singhal nito sa kanya saka nagmamartsang umalis.

Napabuntong-hininga si Ymar saka nagmamadaling sinundan ang kapitbahay niya. “Hey! Tinatama ko lang naman ang mali mo, masama ba `yon? You should be thankful because I’m correcting you.”

Tumigil ang babae sa pharmacy at may ibinigay na listahan ng gamot sa loob saka siya hinarap. “Puwede ba, Mister Stroam, huwag mo akong kausapin,” pagtataray nito sa kanya. “Hindi mo ba nakikitang busy ako?”

“I was just—”

“Look here, Mister Stroam…” Pinandilatan siya ni Czarina. “Kapag may pasyente ako na nanganganak at panay reklamo na masakit, highblood ako palagi. Kaya lumayo-layo ka sa `kin, ha? Baka bigla kitang masuntok at mabigyan ka ng black eye. Mamaya mo na ako kausapin. Okay? Kapag kalmado na ako, huwag ngayon, parang awa mo na.” Pagkasabi niyon ay iniwan siya ni Czarina.

He frowned at the woman’s sexy back. Why did he find her sexy when she was angry? Napailing siya sa sarili.

I need a checkup.

CZARINA was beat, she was dead tired. Apat ang pasyente na pinaanak niya. At lahat ay lalaki ang mga anak. Hay… dagdag na naman sa mga manloloko sa babae. Napailing-iling siya saka lumabas sa kanyang kotse.

Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina nang makitang may isang tangkay ng tulips na nasa labas ng pinto ng kanyang bahay. Nagtatakang pinulot niya ang tulips at binasa ang nakasulat sa papel na naka-roll sa stem ng bulaklak.

I want to see your smile today.

Ilang segundo siyang napatitig sa nakasulat sa papel. Who would want to see her smile? Para ba talaga iyon sa kanya?

Naguguluhan pa ring pumasok siya sa loob ng bahay si Czarina at inilagay ang tulip sa vase, ang maliit na note naman ay inilagay niya sa isang glass jar na katabi ng vase. Then she went to her room. Pagbukas niya ng bintana ay naroon na si Ymar sa terrace. Nagbabasa na naman ito ng libro.

Natigilan siya nang biglang tumingin sa gawi niya ang lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. His blue-gray eyes really were tantalizing. Idagdag pa ang matangos nitong ilong, ang medyo may kakapalan nitong kilay at ang manipis at mapupula nitong mga labi. And his fade-style haircut suited him very well.

“Stop staring at me, Czarina. Baka matunaw na ako niyan,” sabi ni Ymar sa kanya.

Her lips parted in shock. Did he call her by her name? Iyon ang unang beses na narinig niyang binanggit ni Ymar ang kanyang pangalan. Parang tumalon ang puso niya.

Iningusan niya ang lalaki para itago ang gulat na naramdaman. “Nakatingin ka rin naman sa `kin, eh. Pareho lang tayo.”

The upper corner of Ymar’s lips tugged up. “Hindi naman ako nakatingin sa `yo,” sabi nito habang titig na titig pa rin sa kanyang mukha.

Tinaasan niya ng kilay si Ymar. “Hindi nakatingin? Palit tayo ng puwesto, para malaman mong natutunaw na ako sa tingin mo.”

And like a slow motion in the movie, a small smile appeared on Ymar’s lips. Napahawak siya sa gilid ng bintana nang makita ang matamis na ngiti sa mga labi ni Ymar. Pakiramdam niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod dahil sa ngiting iyon.

Tumikhim si Czarina at pinilit ang sariling magsalita. “B-bakit ka ba ngumingiti riyan?”

Ymar shrugged nonchalantly. “I just feel like smiling.”

She narrowed her eyes on Ymar. “Are you pretending again?”

Natigilan ito sa tanong niya. “What?”

“Ngumingiti ka lang naman kapag nagpapanggap ka,” kibit-balikat niyang sabi saka tinaasan ito ng kilay. “Well, are you pretending again?”

Tumiim ang titig sa kanya ni Ymar. “What do you think?”

“You are,” mabilis na sagot ni Czarina saka matamis itong nginitian. “Sa susunod, huwag mo akong ngingitian kung nagpapanggap ka lang naman. Okay na ako na snob ka palagi, at least `yon, totoo—” Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla na lang siyang talikuran ng kausap.

Napaawang ang mga labi ni Czarina sa inis. “Hey! Hey! You! Hey! Kinakausap pa kita.” Then she mumbled. “That sperm…”

Bigla siyang napalabi nang ma-realize ang huling sinabi niya. She had been really trying hard not to say that expression of hers. Since college ay iyon na talaga ang nakasanayan niyang sabihin kapag nagagalit siya o nagugulat. Noong high school kasi siya, kapag galit o nagugulat ay ‘letse’ kaagad ang lumalabas sa kanyang bibig.

Palaging pinapagalitan ng mommy niya si Czarina kapag naririnig iyon dahil masakit daw sa tainga. In-English niya ang ‘letse’ para hindi masakit sa tainga pakinggan pero nagalit pa rin ang mommy niya. Doon nabuo ang expression niyang ‘sperm’. And it got stuck until she graduated and became a doctor.

Napabuntong-hininga siya saka napailing-iling. Wala na siguro siyang pag-asa, hindi na mawawala iyon sa kanya.

Aalis na sana siya sa bintana nang bumalik si Ymar sa terrace.

“Here. Catch,” sabi nito saka may inihagis na libro sa kanya.

Wala sa isip na ginawa ni Czarina ang lahat para masalo ang libro. Nang masalo ang libro ay agad niyang tiningnan ang title.

Psychiatry.

Napakurap-kurap siya sa binasa, mayamaya ay napakunot ang noo at tumingin kay Ymar. “Psychiatry?”

May itinuro si Ymar sa kanyang likuran. Nang lingunin niya iyon, it was none other than her very thick psychiatric book.

Ibinalik ni Czarina ang tingin kay Ymar. “Ano naman `to?’

“It’s the volume two of that book of yours,” sagot ng lalaki na walang emosyon ang mukha. “Alam ko ang librong binabasa mo, because I have a twenty-twenty vision. Kaya naman nang makita ko `yan sa National Book store kanina, binili ko na. Mukha kasing hindi mo pa nababasa `yon.”

Napamaang siya kay Ymar. “But why?”

Lumalim ang gatla sa noo nito. “Hindi ba puwedeng mag-thank you ka na lang at itikom `yang bibig mo? Utang-na-loob mo `yan sa `kin, ha?”

Irritation filled her. “Gusto mo, ibato ko `to pabalik sa `yo?”

“Eh, di ibato mo,” panghahamon nito.

Nagtagis ang mga bagang ni Czarina sa inis. Ipinosisyon niya ang libro na hawak at ibinato iyon pabalik kay Ymar.

Mabilis na sinalag ng lalaki ang libro. Tumama iyon sa braso nito.

“Heh! Isaksak mo sa baga mo `yang libro!” Pabalibag na isinara niya ang bintana at humiga sa kama. “That snob sperm… Urgh!”

Naiinis pa rin siya habang nakatingin sa kisame. Hmp! Ang lalaking iyon! Kung makapagsalita para namang hindi niya kayang bumili ng librong iyon.

Sa halip na mainis at pagsusuntukin ang unan ay bumangon si Czarina at nagpunta sa kusina. Napadaan siya sa nakabukas niyang bintana at natigilan.

She took a step back and faced her window. May nakapatong doon na libro na kaparehong-kapareho sa libro na ibibigay sana sa kanya ni Ymar na ibinato niya pabalik sa lalaki kanina.

She picked up the book. It had a Post-it note on the cover.

Take the book. I bought it for you. Bayaran mo `yan, ha? - Ymar Stroam

Napatitig si Czarina sa sulat-kamay ni Ymar. Ang pangit. Napaghahalatang doktor ang may-ari ng sulat kamay na iyon.

Kinuha niya ang libro at binasa habang naghahanda ng makakain niya sa gabing iyon. It was a good book about understanding and dealing with people with problems.

Hindi niya tinantanan ang libro hanggang sa matapos niya. Kahit kumakain, katabi ng pinggan niya ang libro at dahan-dahan niyang binabasa. Pagkatapos niyang kumain, naghugas lang siya ng pinagkainan saka bumalik kaagad siya sa pagbabasa. Pinagpuyatan pa niya iyon dahil natutuwa siya sa mga nababasa at marami siyang nalalaman. And when she flipped the last page, there was a small note.

I know that you like the book. You owe me. - Ymar S.

Napakunot ang noo ni Czarina. Ano ba ang problema ng lalaking ito at pinipilit na magkaroon siya ng utang dito? Hmp. Pasalamat talaga si Ymar at nagustuhan niya ang ibinigay nitong libro. Pero hindi siya magpapasalamat sa lalaki. Babayaran naman niya iyon.

Pagkatapos magbasa, ang laptop naman niya ang kanyang hinarap. She typed YMAR STROAM on the search bar.

Czarina felt triumphant when a bunch of articles came out. Mukhang sikat ang lalaki. Marami rin ang nagkalat na pictures nito.

Hmm… Makapag-print nga nang mailagay sa wallet ko. Napabungisngis siya sa sariling naiisip saka napailing. Kailan pa siya naging ganoon ka-creepy. Hindi niya gagawin iyon, ano!

Yes, she was attracted to her handsome neighbor but that was it. She knew that it was really not good for her health. Heto nga at nagpupuyat siya dahil sa lalaki. Not good. Not good at all.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings