passion

My Passion

Library
searchsearch
enen

EN

Discover
/
Romance
/
With This Ring
With This Ring

With This Ring

Romance

dot
eye

256

Description

"One day, I'll teach you how to love ... and sometimes, it seems like it's really hard for me to wait for that day ... when you're this close ..."

Sweet
Moving On
Romance
Hot
Intrigue
Bad boy

Chapter 1

Nov 28, 2025

Chapter 1

 

CHAPTER ONE

 

O KAY, just relax. Mahahanap mo rin ang singsing. Don’t panic, paulit-ulit na sabi ni Matthew sa sarili. Pilit niyang pinakakalma ang sarili upang hindi mataranta. Kung bakit ba naman kasi naiwala niya ang singsing. Hindi naman siya ganoon kapabaya. Maingat siya sa kanyang mga gamit, lalo na kung importante.

It was not just an ordinary ring—it was a six point one carat pink heart-shaped diamond with two pear cut diamonds on each side, set in platinum. He spent half a million dollars on that ring. Para lamang siyang nagwaldas ng pera kapag hindi niya iyon nahanap.

Napatingin si Matthew sa suot na relo at malakas na napamura. He was almost running out of time. Tinawagan uli niya ang kanyang assistant upang muling halughugin ang kanyang bahay dahil baka nandoon lang ang singsing. Pero nang muli nitong kumpirmahin na wala roon ang singsing, nilukob na siya ng takot at pag-aalala.

Paano na siya magpo-propose sa kanyang girlfriend kung wala ang singsing?

Yep, that’s right. Plano niyang mag-propose sa kanyang longtime girlfriend, the ever-gorgeous, sought-after fashion designer Blair Marie Villarosa. They had been together for three years. Si Blair lamang ang girlfriend niya na tumagal at alam niya kung bakit. She was sweet, caring, and kind; at higit sa lahat, hindi ito nasisilaw sa popularity. She was definitely a keeper and he was going to ask for her hand in marriage tonight.

But damn! Nawawala pa rin ang singsing.

Muling napamura si Matthew bago lumabas ng opisina. Halos gusto na niyang suntukin ang pader dahil sa inis. Wala rin sa loob ng kanyang kotse ang singsing. He recalled the places he had been to hours ago. Naalala niya, pumunta nga pala siya kanina sa Heaven’s Light, isang bar na kanyang pagmamay-ari dahil nakipagkita siya sa isang architect para sa renovation sa lugar.

Wala siyang inaksayang oras at bumalik sa bar. Ipinagdarasal niya na sana ay naroon lang ang singsing.

 

WALANG ibang gustong gawin si Hazel sa mga oras na iyon kundi ang sakalin ang hayop na iyon. That bastard! Napakawalanghiya talaga. But as much as she was mad at him, she was mad at herself, too. Napakatanga kasi niya. Siya na ang pinakagaga sa lahat ng gaga. May mga signs na noon pa, ngunit binale-wala lang niya. Hindi naman kasi siya mapagdudang tao. And because she trusted him that much, look where it got her now.

Lawrence Sanchez, the love of her life—err… the bastard who made a fool out of her—cheated on her behind her back. Gusto niyang sabunutan hanggang sa makalbo ang unggoy na iyon. Ilang beses na siyang umiyak kanina. Tama na ang mga pagluha. He was not worth so many tears.

With both hands clenched tight, Hazel stomped inside Heaven’s Light pushing the door open as hard as she could. Nagulat pa ang bouncer na para bang isa siyang homicidal na babae ngunit hindi naman siya nito pinigilang pumasok. Dumeretso siya sa counter at um-order ng sweet martini. Ngumiti ang lady bartender pero hindi niya ibinalik ang ngiti rito, instead she scowled. Pero na-guilty siya nang mag-freeze ang ngiti sa mga labi ng babae. Alam niya na nais lang ng bartender na maging friendly sa lahat ng customer. Wala naman talaga itong kinalaman sa panlilinlang ni Lawrence sa kanya.

Tumikhim siya at unti-unting tinugon ang ngiting ibinigay ng bartender.

“Not in a good mood?”

Bumuntong-hininga siya. “Hmm, yeah… You could say that.”

“I can see that.” Tumango ito. “Ahm, `yong eyeliner mo pala.”

“H-huh?”

“Kung gusto mong gumamit ng CR, do’n lang, o.” Itinuro ng bartender ang di-kalayuang pinto na nasa gilid ng bar.

Dali-dali siyang umahon mula sa high stool at pumasok sa loob ng comfort room. To her horror, she saw her eyeliner smudging right under her eyes when she looked at herself in the mirror. Para siyang multo sa kanyang hitsura. Ang kanyang buhok ay parang hindi nakatikim ng suklay sa buong araw. Mabuti na lang at may dala siyang wet wipes sa bag. Kinuha niya iyon at nagsimulang pahirin ang kanyang mukha. Dahil naiwan ang suklay, inayos na lang niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Nang sa tingin niya ay maayos na ang kanyang hitsura, lumakad na siya patungo sa pinto. She pulled the door open and started to walk away, but abruptly stopped when she stepped on something. Isang maliit na blue box ang nakita niya sa marble floor. Kinuha niya iyon at walang pag-aalinlangang binuksan.

Napasinghap si Hazel. Inside the box was the prettiest ring she had ever laid eyes on. The pink heart-shaped diamond was glistening and she instantly fell in love with it. Nilinga niya ang paligid. Wala siyang nakitang tao na para bang may hinahanap. Sa kanyang paglingon ay may nakita siyang trash can. Napanganga siya. Itinapon ng may-ari ang singsing?

Goodness gracious! Sino bang gago ang magtatapon ng ganito kagandang singsing? bulalas niya sa sarili, kinuha ang singsing mula sa lalagyan at tiningnan nang maigi. Walang pag-aalinlangang isinuot niya iyon sa daliri. To her amazement, it fit just right. Para bang nakatadhana para sa kanya ang singsing.

“Hmm… Akin ka na muna ngayon, okay? Kahit sandali lang. Don’t worry, bago ako umalis ay ite-turn over kita sa manager ng bar at baka sakaling maisipan ng owner mo na hanapin ka,” pagkausap niya sa singsing. As if naman, sasagot ang singsing sa kanya. Inilagay niya ang kahita sa kanyang bag at bumalik sa puwesto niya sa counter.

Muling ngumiti kay Hazel ang lady bartender na sa pagkakataong iyon ay sinuklian na niya. Inilagay na rin nito sa harap niya ang cocktail drink na in-order kanina. Nagpasalamat siya at nagsimulang uminom. Ipinatong niya ang kaliwang kamay sa ibabaw ng counter, and the ring sparkled and twinkled under the lights. Lihim siyang napangiti habang tinitingnan ang singsing. Mula sa sulok ng mga mata, nakita niya ang isang lalaking umupo sa bakanteng high stool sa kanyang tabi. Hindi niya napigilang lingunin ang lalaki. Nag-greet ang bartender dito at ngumiti naman ang lalaki bago um-order.

Gusto ni Hazel na ilayo ang mga mata sa lalaki at tumingin na lamang sa ibang direksiyon, pero parang hindi niya magawa. She found herself staring at him even more. Clean-cut ang buhok ng estranghero at kahit mukhang pinagpawisan ay hindi pa rin maipagkakailang guwapo.

She sipped her drink once more without taking her eyes off him and watched him gulping his own drink. His Adam’s apple moved sensually when he swallowed.

Oh, God! Is this guy for real?

Alam ni Hazel na dapat na niyang ihinto ang pagtitig sa lalaki bago pa siya nito mahuli. She mentally pinched herself and forced her eyes to look away, but not long before he turned his head and caught her gaze. Lumagok siya. Mula sa sulok ng mga mata, nakikita niyang nakatingin ang estranghero sa kanya. Parang gusto tuloy niyang matunaw sa kinauupuan.

Kahit malakas ang tibok ng puso, mas pinili ni Hazel na kumilos na para bang hindi siya nito nahuling nakatitig.

“Saan mo nakuha ang singsing na `yan?” A voice came in his direction and the tone was a bit harsh.

Lumingon siya sa katabi at nakitang nakatingin ito sa kanya—or rather, sa kamay niya. But that fact did not really sink in at first. She gasped and the glass almost slipped from her hand. He was even more handsome up front. His eyes were dark and those lips— oh, goodness gracious —perfect and delicious.

Oh, shoot! Huwag kang kerengkeng, Hazel!

Hindi niya alam na nakatunganga na pala siya sa harap ng estranghero nang muli itong magsalita.

“I’m asking you, where did you get that?”

She blinked. “Huh?”

“That ring? Where did you get that ring?” he said impatiently.

Napatingin si Hazel sa mga mata ng lalaki. Was it just her or was there a hint of accusation in his voice?

Tumikhim siya. “I—”

“That’s mine, actually,” putol nito bago pa man siya makapag-explain. His lips were tightly pressed together. He was obviously not amused. “Thank you for taking care of it, but I believe you should give it back to me now.”

“Wait…” Itinaas niya ang mga kamay sa harap ng mukha ng estranghero. “What’s your proof na sa `yo talaga ang singsing na `to?”

Tumaas ang isang kilay nito. “Are you seriously asking me that?”

“Yes, I’m serious.” Iniisip ba ng guwapong lalaking ito na isa siyang tanga at madaling utuin? “Paano kung hindi ikaw ang totoong may-ari ng singsing? s eriously, I can’t give this to you. I need proof.”

She winced when he muttered a foul oath.

“Miss, just give it to me, okay? It’s been a shitty day for me and truthfully, I’ve had enough,” wika nito na nakatingin pa sa kanyang mukha na para bang inaasahang basta na lang niya ibibigay ang singsing.

When she did not move, he cursed and massaged his temples. “Fine! Sumama ka sa akin and I expect you to give it to me as soon as we get there.”

“A-ano? Pero saan tayo pupunta?”

“Gusto mo ng proof, `di ba? Then I’m giving it to you. Only, you have to come with me dahil obviously, hindi ko madadala ang hotel patungo sa `yo.” He was being sarcastic, but it barely registered in her brain.

“H-hotel?”

“Yes. And don’t give me that look.” He made a face, his annoyance went up a notch obviously. “It’s either you’ll give the ring to me right now, or you’ll come to the hotel with me if you want proof that the ring is mine.”

Tiningnan ni Hazel ang singsing na suot at saka bumuntong-hininga bago itinaas ang mukha. “Okay. Sasama ako sa `yo. Pero hanggang sa pinto lang ako. Doon lang ako maghihintay para sa receipt mo or whatever proof you have. Hindi ako papasok sa loob ng suite mo.”

For a moment, his eyes glinted with amusement, pero sandali lang iyon. Tumalikod na ito at lumakad palabas ng bar. Sumunod naman siya sa lalaki. Binuksan nito ang front passenger door ng itim na Mercedes-Benz para sa kanya. She was reluctant at first, but it was obvious his patience was wearing thin with every second. Pareho silang tahimik sa buong biyahe. Wala rin naman siya sa mood na makipag-usap sa lalaki. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Hindi kasi niya ito kilala ngunit pumayag siyang sumama—and it was all because of the ring.

Napatingin si Hazel sa singsing at hindi niya mapigilang bumuntong-hininga. She had fallen in love with it, there was no doubt about that. Nangarap din naman kasi siya noon na balang-araw ay bibigyan siya ni Lawrence ng ganito kagandang singsing.

Darn it! Huwag mo na ngang isipin ang unggoy na `yon, Hazel! she thought, fuming. Ipinikit niya ang mga mata. Nang mapansin niyang huminto na ang sasakyan ay dumilat siya. Bigla siyang kinabahan nang mapagtantong nasa isang underground parking lot sila.

“W-wait… Nasaan ba talaga tayo?” tanong niya.

Sa halip na sumagot, lumakad ang lalaki patungo sa kanya.

“Just give the ring to me. I can see you’re scared and very reluctant to come with me.” Surprisingly, his tone was a bit calm.

She raised her chin. “No. I’ll come with you.”

He smirked. “Then stop squirming. For the record, you’re not my type so I’m not going to sleep with you in any way.” Iyon lang at tumalikod na ito.

Napanganga si Hazel. Hindi natuloy ang masasakit na salitang lalabas sana mula sa kanyang bibig. Parang gusto tuloy niya itong saksakin patalikod.

Nagmamaktol man, sinundan pa rin niya ang estranghero. It took her a couple of seconds to realize they were walking inside the lobby of Diamond Tower, isa sa pinaka-luxurious hotel sa buong bansa. Ngayon pa lamang siya nakapasok doon pero ilang beses na niyang nakita ang larawan ng hotel sa mga lifestyle magazine. Parang gusto tuloy niyang magpaiwan sa lobby upang mag-selfie muna. But the bastard seemed to be in a hurry so she had no choice but to follow him.

Kahit sa loob ng elevator ay tahimik lang silang dalawa. Ni hindi na rin napansin ni Hazel kung saang palapag sila huminto. Magtatanong uli sana siya nang mapansing patungo sila sa isang malaki ngunit saradong pinto na may doorman pang bumati sa kanila.

“Huwag mong hayaang makalabas ang babaeng ito without my permission. If she insists, bring her to me,” bilin ng lalaking kasama sa doorman, sabay turo sa kanya.

Nalaglag na naman ang kanyang panga. Halos madurog ang kanyang mga ngipin dahil sa panggigigil sa lalaki. Talagang nakakairita na ang lalaking `to, ha! Just one last strike and you’re going to kiss your balls good-bye.

She was so busy glaring at him she did not notice when the door was being pulled open. Napasinghap siya nang malakas. Parang gusto tuloy niyang umuwi. Lahat kasi ng mga tao sa loob ng banquet hall ay naka-formal dress. Napatingin tuloy siya sa sarili—isang casual dress lang ang kanyang suot. Nagmukha siyang out of place. Tiyak na magiging isa siyang katawa-tawa.

Nag-aalalang tumingin siya sa lalaki. “Ahm, teka lang—”

“Matthew!” Isang lalaki ang lumapit sa kanila.

The ring’s ‘owner’ looked at her over his shoulder. “Wait here. I’ll be right back.” And off he went before she could finally give him the ring.

 

“NASAAN ba ang babaeng `yon?” bulalas ni Matthew habang hinahanap ang babaeng pansamantalang may hawak ng kanyang singsing. Damn. Isang babae lang dapat ang hinahanap niya sa gabing ito, hindi dalawa. He huffed and massaged his temples in a circular motion. Hindi siya makapaniwalang isang kapalpakan ang araw na iyon. Sa lahat ba naman kasi ng araw ay ngayon pa siya minamalas—ngayon pang magpo-propose siya kay Blair.

Tumingin siya sa suot na relo. Dapat ay naroon na si Blair. But at least, may panahon pa siyang hanapin ang babaeng may hawak ng kanyang singsing.

Muling hinanap ni Matthew ang babae, and he spotted her this time. Nakatayo lang ito sa gilid habang hawak ang isang wineglass. Kung kanina ay mukha itong takot, ngayon naman ay mukhang hindi komportable habang nakatingin sa paligid at nagmamasid. Hindi niya ipagkakaila na gold digger ang first impression niya sa babae. Kung intensiyon nitong isauli ang singsing, sana ay hindi nito isinuot. Dapat ay itinurn-over nito ang singsing sa mga staff ng bar. But looking at her right now, he did not want to think she was an opportunist.

Sighing, he made his way over to the woman. Awtomatikong napadako ang tingin nito sa kanya. Hindi niya napigilang tingnan ang kabuuan nito. Ang suot na casual dress ay masakit sa mata kung ikokompara sa mga formal gowns na suot ng kababaihan sa loob ng hall. Siguro, iyon ang rason kung bakit hindi komportable ang babae.

“Hey,” bati ni Matthew. “Puwede mo na bang ibigay sa `kin ang singsing ko?”

Kumurap ito. “Where’s the receipt?”

He made a face. “Dinala nga kita rito para ipakita sa `yong ako talaga ang nagmamay-ari ng singsing na `yan. Look, I’m going to propose to my girlfriend tonight so I need the ring.”

“Oh…” Nanlaki ang mga mata ng babae and he almost caught himself staring into her eyes.

“So, can you please give it to me now?” Nakita ni Matthew na dumako ang tingin ng babae sa singsing sa kamay nito. Kinagat nito ang ibabang labi habang tinitingnan ang singsing na para bang ayaw ibigay sa kanya. But then, she slowly pulled it off her ring finger. Kinuha rin nito ang maliit na box mula sa purse at ibinalik ang singsing.

“Here, take this. I believe it’s yours now,” sabi ng babae na may kasama pang ngiti.

Nakahinga nang maluwag si Matthew nang ilagay nito ang kahita sa kanyang kamay.

“Salamat.” Tiningnan niya ang estranghera sa mga mata. “If you want to leave, go ahead. But if you really want to see for yourself that I wasn’t kidding when I told you this ring is mine, you can stay—”

“Matt?”

Pamilyar na tinig ni Blair mula sa likuran ang pumutol sa kanyang sinasabi. Lumingon siya at napangiti nang makita ang nobya na papalapit. All the shit he had endured today suddenly vanished at the sight of his girlfriend. She was wearing a fiery red halter top gown displaying her curvy waist. Her hair was gathered in a loose pin at the back of her head. She was so beautiful.

“Babe, I have something to tell you,” sabi ni Matthew at dinala ang nobya sa gitna. Awtomatikong nagbigay-daan ang mga bisita at biglang naging tahimik ang buong paligid. Wala siyang sinayang na oras at agad na lumuhod sa harap ni Blair habang hawak ang isang kamay nito.

“M-Matt…” Napasinghap ito, sabay tutop sa bibig.

Tumingala siya kay Blair, sabay bukas sa maliit na kahon. The room was filled with ‘oh’s’ from the entire crowd.

“Blair, you’re one of the best things that ever happened to me. Minahal mo `ko sa kabila ng mga pagkukulang ko. You’ve made me happy in your own little way. You mean so much to me, Blair. And if I ever get to choose whom I should spend my life with in the next five years or more, I’d choose you…” He paused. “Blair… will you marry me?”

For a moment, Blair did not speak. Nakatingin lang ito sa kanya at unti-unti ay may namumuong luha sa mga mata. Lalong lumuwang ang kanyang ngiti habang hinihintay ang sagot nito.

“Matt…” Pinahid ni Blair ang mga luha nito. “I-I’m so sorry, pero hindi ko kayang pakasalan ka.”

Parang bombang sumabog iyon sa tainga ni Matthew. Blair said no. She wouldn’t marry him. Parang may sumaksak sa kanyang puso nang mga oras na iyon. Ni hindi niya magawang igalaw ang sarili.

“I’m… I’m so sorry, Matt, but I can’t,” humihikbing patuloy ni Blair. “I… I cheated on you, Matt. At mas mahal ko siya…” she added softly.

Muli siyang tumingin sa mga mata ni Blair, umaasang isa lamang iyong biro. Na hindi totoo ang lahat ng sinabi nito. But the look in her eyes told him otherwise.

“I’m so sorry but I want us to be over,” bulong nito bago tumalikod at umalis.

 

With This Ring

With This Ring

10 Chapters

close

book

10

Contents

add to library button

Save

Passion Exclusive

Never Just Friends

Seventeen-year-old Hanna is navigating her first year of high school while still grieving the loss of her parents. With her brother Jacob and best friends Emily and Elordi by her side, she's determined to survive the pressures of fitting in and finding her place. But things get complicated when Ciara, the queen bee of the school, targets Hanna out of jealousy-especially over Finn, Jacob's best friend, who's caught Hanna's eye. As high school drama unfolds, Hanna must learn to stand up for herself while holding onto the people who matter most.

Read

New Adult

Never Just Friends

I Wanna Ruin Our Friendship

I've always been "the quiet, nerdy girl." The girl with her nose buried in a book, the girl people barely notice. But my world is a lot more complicated than it seems. You see, I'm absolutely, hopelessly in love with my best friend, Logan Reyes-the bad boy everyone wants but nobody can quite hold onto. And he has no idea. Logan and I have been friends forever. We banter, we laugh, and we're close. But to him, I'm just Emma, the girl he'll confide in about everything-except his new flings, like Vanessa, the school's reigning queen bee. She's got her sights on Logan and everyone knows it. Meanwhile, Logan and I share this strange, unspoken chemistry that I can't ignore, even if we act like it's no big deal. But everything changes the night I get roped into a game of spin the bottle at Vanessa's party. When the bottle lands on Logan, he kisses me in front of everyone-and suddenly, it's like I'm seeing Logan in a whole new light, and he's seeing me differently, too. Now he's paying me attention in a way that's unsettling, thrilling, and absolutely forbidden. And just when I think I can ignore it, Logan begins pursuing me-unabashedly, against all the rules he's lived by and despite his so-called girlfriend's wishes. Now, I'm caught in a whirlwind of gossip, jealousy, and emotions I can barely handle. Logan's breaking his own rules for me, and the harder I try to resist him, the more I find myself pulled back. But when we're toeing the line between friendship and something much more dangerous, my heart-and his-are on the line.

Read

New Adult

I Wanna Ruin Our Friendship

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne has always been the outcast of her pack, a disappointment to her Alpha parents and a mystery to everyone else. As the daughter of powerful leaders in the Midnight Crest pack, she should have had a promising life-but her twin sister, Seraphine, made sure that never happened. By spreading rumors that Isla lacks a wolf, Seraphine has kept her confined to the shadows, practically a prisoner in her own home. Despite her family's scorn and her sister's cruelty, Isla hides one precious secret: a fierce wolf named Lira, who came to her in a moment of desperation on her eighteenth birthday. Every day, Isla waits for her mate-the one person she believes could love her unconditionally and maybe even break her free from this life of shame. But as the months pass, hope fades, and Seraphine's torment escalates. When a dangerous betrayal by her sister forces Isla into exile, she discovers just how far her family is willing to go to keep her hidden, a truth that shakes her to her core. Driven to survive, Isla escapes, finding herself alone and uncertain in the rogue lands beyond her pack's territory. But as her bond with Lira strengthens, she realizes that survival may be her only choice. Facing dangers from both rogues and hunters, Isla sets out on a journey that will test her in ways she never expected. With every step, she uncovers secrets about her family, her powers, and her destiny. But will she find the life she always dreamed of, or will her past catch up with her in the harshest of ways? As Isla ventures into the unknown, fate will reveal that perhaps she was meant for more than even she ever imagined.

Read

Paranormal urban

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti thought she had everything: a powerful husband, a thriving empire, and the strength to hold it all together. But when Arianna De Luca, Marco's cunning and beautiful ex-lover, reappears, their once-unshakable marriage begins to fracture. Arianna claims she's here to help the Venetti family crush their enemies, but her true motives are as dangerous as they are secretive.As Marco grows increasingly entangled in Arianna's web of manipulations, Carmen is forced to make an impossible choice. Pregnant and heartbroken, she leaves the life she's fought so hard to protect, vowing to shield her unborn child from the venomous chaos threatening to consume them.But Carmen's absence only deepens Marco's descent into Arianna's trap. Blinded by ambition and haunted by whispers of betrayal, Marco dismisses the warning signs and lets Arianna tighten her grip on his empire. All the while, Arianna plays a dangerous double game, secretly aligning herself with the De Luca family and plotting to take the Venetti throne for herself. As trust crumbles and alliances shift, Carmen and Marco are thrust into a high-stakes battle of loyalty, love, and survival. Will Marco uncover Arianna's true intentions before it's too late, or will her schemes destroy everything the Venettis have built-including their chance at a family? In a world where power is deadly and betrayal is the ultimate weapon, the question isn't just who will survive-but who will come out on top.

Read

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Genres

About Us

Contact Us

Subscription Terms

Money Back Policy

Privacy Policy

Terms of Use

Cookies Policy

Install App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101