Prologue
Prologue
B AGAMAN walang ulan ay malakas ang hangin at lumaki ang mga alon at tila pinaglalaruan ang ferry boat na gumiwang-giwang. Bored and irritated, lumabas si Benedict mula sa air-conditioned area ng ferry.
In more or less thirty minutes, dadaong na sila sa Calapan p ier at pumasok sa isip niyang sa jeep na niya na nasa ibabang deck hintayin ang pagdaong. But he changed his mind. Bukod sa mainit at maingay roon, hindi rin naman siya makalalabas kaagad sa sandaling dumaong na. Maaga siyang dumating sa Batangas kanina at naipasok niya kaagad ang four-wheel drive niya sa loob ng ferry boat. Naharangan na iyon ng iba pang mga sasakyan.
Ipinasya niyang sa top deck magtungo nang muling gumiwang ang ferry at mula sa kung saang bahagi ng deck ay isang babae ang napasubsob sa kanya.
“Easy...” aniya at inalalayan ito.
“Oh, thank you!” malambing na wika ng babae at tumingala at matamis siyang nginitian. Ang mga kamay nito’y nanatili sa pagkakakapit sa lapel ng sport shirt niya. At ang dibdib nito ay ipinagdidiinan sa dibdib niya.
“Mabuti na lang at nandiyan ka, Mister...?”
Benedict almost rolled his eyes. Nadagdagang higit ang iritasyon. Inalis niya ang mga kamay sa pagkakahawak ng babae. “Excuse me,” aniya at akmang tatalikod subalit hinawakan siya nito sa braso.
“May ibang paraan ako ng pasasalamat,” wika nito, mapanuksong ngumiti.
“Sa iba mo na ialok iyan. Hindi ako interesado.” Pagkasabi niyon ay muli niya itong tinalikuran.
NAPAKAPIT nang mahigpit sa barandilya ng ferry boat si Julianne nang sa pakiramdam niya ay tataob ang ferry sa hampas ng malalaking alon. The weather was unpredictable. Kanina sa Batangas p ier ay kay ganda ng panahon. Makalipas lamang ang halos isang oras na pagbibiyahe ay nagsimulang humangin nang malakas at lumaki ang mga alon. Pakiramdam niya ay tila papel na pinaglalaruan ng alon ang ferry boat.
Sanay siyang bumibiyahe sa dagat. Kung hindi sakay ng pribadong chopper ay sa yate ng ama siya sumasakay patungong Paso de Blas. At nakadarama siya ng kapanatagan sakay ng Jewel abutin man sila ng sama ng panahon sa dagat. Mahusay at bihasa ang kapitan ng yate at ang mga crew nito. Bukod pa sa mga lifesaving device na nakapaligid sa yate.
Pero iyon ang unang pagkakataong sumakay siya ng pampublikong sasakyang pandagat bilang pangkaraniwang tao. At kahit papaano ay nakadarama siya ng kaba nang magsimulang laruin ng malalaking alon ang ferry.
Ang nakikita niyang mga lifeboat sa gilid ng ferry ay hindi sapat upang mapanatag siya. Worse came to worse, sa dami ng pasaherong sakay ay malamang na mag-agawan ang mga tao sa lifeboats.
Ipinilig ni Julianne ang ulo. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Katunayan ay napuna niyang kalmante ang mangilan-ngilang pasaherong nasa itaas ng deck. Tiyak na sanay na ang mga ito sa ganoong biglang pagsama ng panahon at paglaki ng mga alon.
At malamang na siya lang ang kinakabahan. Hinayon ng mga mata niya ang karagatan. Patuloy sa paglaki ang mga alon at paglakas ng hangin. Ang masasabi niyang konsolasyon ay natatanaw niya nang malinaw ang mga pulo sa paligid. Mahusay siyang lumangoy. Anuman ang mangyari ay posible niyang marating ang alinman sa mga pulong natatanaw.
Tiningnan niya ang relo sa braso. Kung tama ang sinasabi ng mga napagtanungan niya na dalawang oras lang ang biyahe mula Batangas hanggang Calapan, tiyak na kalahating oras na lang ang ipaghihintay niya at dadaong na sila. Muli niyang hinayon ng tingin ang tinutungo ng ferry. Natatanaw na niya ang malabong hugis ng isla ng Mindoro. Nakahinga siya nang maluwag.
Umalis si Julianne sa kinatatayuan upang bumaba sa lower deck kung saan siya nakaupo. Hindi pa siya nakakalayo nang muling gumiwang ang ferry. Malakas siyang napasinghap. Frantically, tumaas ang mga kamay niya upang maghanap ng maaaring kapitan bago pa siya matumba.
Her hands connected with something hard.
“Hey!” came the deep and resonant voice. It was also very irritated. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya. Gustong isipin ni Julianne na mas gusto nitong iwaksi ang mga kamay niya kaysa sa alalayan siya.
Anuman ang dahilan ng mahigpit na pagkakahawak nito ay lihim siyang nagpasalamat dahil nabawi niya ang balanse. Nang mag-angat ng tingin ay naniningkit na mga mata ang sumalubong sa kanya.
“I-I’m s-sorry.” Bihira siyang mautal. But the hostility in the stranger’s eyes made her stammer.
“Kinakalawang na ang style n’yong iyan,” paismid nitong sabi. “Ginamit na iyan ng kasama mo sa ibaba. At hindi ako interesado.” Pagkasabi niyon ay pabagsak nitong binitiwan ang mga kamay niya na kung nagkataong muling gumiwang ang ferry ay malamang na tuluyan siyang nawalan ng balanse at natumba.
Julianne opened her mouth to say something then changed her mind and shut her mouth. Agad na tumalikod ang lalaki.
“Jerk,” she muttered. Hinabol niya ng lingon ang lalaki na lumakad patungo sa isa sa mga upuan sa top deck.
He was big and tall. May malapad na mga balikat. Nakasuot ng puting sport shirt na nakapaloob sa hapit na pantalong maong. He had a nice butt. A hunk. Sa ibang pagkakataon, gusto niyang hangaan ito.
But he was definitely rude.
Bahagya nang rumehistro sa isip niya ang anyo nito. Ni hindi niya madesisyunan kung magandang lalaki o hindi. Maliban sa maiitim na matang galit na nakatunghay sa kanya. Subalit wala siyang balak titigan ito nang maupo ang lalaki sa isa sa mga bench na nasa top deck.
Tinungo niya ang hagdanan pababa. Hindi
maalis sa isip niya ang sinabi nito at kung bakit ito
nagagalit.
“Kinakalawang na ang style n’yong iyan. Ginamit na iyan ng kasama mo sa ibaba. At hindi ako interesado.”
Iniisip ba nitong sinasadya niya ang pagkawala ng balanse upang mabangga ito? Isang paraan upang makilala ito?
She groaned in disbelief.
BENEDICT almost smiled. Narinig niya ang sinabi ng babae nang nakatalikod na siya. He was hostile all right. Pero hindi niya basta maignora ang masarap na kilabot na naramdaman niya kanina nang madikit sa kanya ang katawan nito at malanghap ang pambabaeng amoy nito. She had sweet scent. Tulad sa simoy ng pang-umagang hangin sa gubat matapos ang magdamag na ulan.
And he was surprised at his body’s reaction. Hindi niya iyon naramdaman kanina sa unang babae sa ibaba na kung tutuusin ay nasilip na niya ang dibdib nitong hayagang ipinangangalandakan.
Naglaro sa isip niya ang anyo ng huling nakabunggo. She was young and beautiful. Not the stunning type, but she had a delicate beauty. At hindi tulad ng unang babae, wala itong makeup. Ang mga braso nitong nahawakan niya ay malambot. Hindi matingkad ang pagkakakulay ng mamula-mulang buhok. Totoong mestiza at may porselanang kutis.
May class ang isang iyon. Hindi mumurahin ang pabango. Napapailing si Benedict. Nanghihinayang sa trabahong kinasuungan nito. Pero baka naman nagkakamali siya. Baka naman hindi ito kasamahan ng unang sadya siyang binangga upang makilala siya.
He grudgingly dismissed the woman from his thoughts. Ilang minuto na lang at dadaong na. Isinandig niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Pilit na hinahanapan ng solusyon ang problemang kinakaharap.
If there was even a solution.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock