Wild Heart (Kristine Series 10) - Chapter #1 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

“O H, THEY’RE lovely, Ralph!” bulalas ni Jenny sa mga rose na iniabot ng boyfriend sa kanya. Isinenyas na muling maupo ang binata. Inilagay sa center table ang mga bulaklak.

Sinuyod ng tingin ni Ralph ang suot ng dalaga. A very tight jeans in velvet black. A tank top blouse na ganoon ding kulay at may pino lamang na dekorasyon sa collar na silver.

“Bakit ganyan ang suot mo?” may pagkadisgustong wika nito.

“Hindi ba bagay sa akin?” Umikot ang dalaga na tila modelo sa harap ng binata.

“Masyadong vulgar ang suot mo,” deretsong wika nito.

Umikot ang mga mata ng dalaga at ibinagsak ang sarili sa malaking sofa. Magsasalita sana nang mula sa hagdan ay magsalita si Beatriz Navarro.

“Hello, Ralph,” nakangiting bati ni Beatriz na nasa dulo na ng hagdan. “How’s your mom?”

Tumayo ang binata. “Good evening, Mrs. Navarro,” magalang nitong bati. “Mom’s okay. Magkasama sila ng Daddy ngayon sa PICC.” Ngumiti si Beatriz na halatang boto sa boyfriend ng anak.

“Jenny, sinabi mo na ba kay Ralph na aalis kayo ni Nick?” wika nito na sinulyapan si Ralph.

“Maaga pa naman, `Ma.”

“Oh, well, it’s almost seven, darling.” n agkibit ng mga balikat si Bea at lumakad patungo sa dining room.

Tumikhim si Ralph at muling hinagod ng tingin ang dalaga. “Have I arrived at a wrong time? Aalis ba kayo? At sa suot mong iyan?”

“Oh, it’s my bro... it’s Nick. Kilala mo siya, `di ba? Naipakilala ko na siyang minsan sa iyo sa Manila Polo...”

“And you’re going out with him?” putol ni Ralph sa sasabihin ng dalaga sa bahagyang panlalaki ng mga mata.

“Actually, si Nick ang gustong isama ako sa party na pupuntahan niya ngayong gabi. Wala siyang partner at ako ang available, so...” n agkibit ng mga balikat ang dalaga.

“At bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” may akusasyong wika nito.

Ikiniling ni Jenny ang ulo at matamis na ngumiti. “Mag-boyfriend pa lang tayo, Ralph. Hindi kailangang sabihin ko sa iyo ang lahat ng lakad ko.”

“Precisely. Jen. You’re my girl at natural lamang na alam ko kung saan ka pupunta. Tulad din ng kung paano ko sinasabi sa iyo ang mga lakad ko. And to think that you’re going out with another man tonight without even telling me is beyond my understanding.” b ahagyang napataas ang tinig ng binata.

Dumikit ang dalaga sa kasintahan. Ipinatong niya ang kamay sa balikat nito. “Ralph, hindi ibang tao si Nick. He’s family. Kaya huwag kang mag-alala,” aniya sa malambing na tinig at nilaro ang manggas ng polo ng kasintahan. “Isa pa, ginagawa ko lang ang social obligation ko sa business associate ng Papa.”

Medyo lumambot ang mukha ni Ralph. Ginagap ang mga kamay ng dalaga sa balikat nito at dinala sa kandungan. “Hindi mo maiaalis sa akin ang magselos sa ibang lalaki, darling,” wika nito na inalis ang salamin sa mukha at tinitigan ang dalaga. “At sa pagkakatanda ko ay magandang lalaki ang Nick na ito at...”

“Hindi siya interesado sa akin,” agap ng dalaga na ngumiti. Iniisip kung paano sasabihin sa lalaki na kapatid niya si Nick sa ama. Si Ralph ay anak ng isang kilala at dalubhasang doktor at nabibilang din sa alta-sosyedad. At natitiyak niyang maghihisterya ang mga konserbatibong mga magulang nito kapag nalamang may anak sa ibang babae si Franco Navarro.

Si Monica, ang mama ni Nick, at si Beatriz ay magkababata at magkaibigang matalik. Nang mapangasawa ni Bea si Franco Navarro ay lihim na nagkaroon ng pag-ibig si Monica sa lalaki. Nang araw na ipinanganak ang panganay nina Franco at Bea ay sadyang nilasing ni Monica ang lalaki at nagpaangkin dito. Dalawang buwan pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagpakasal ang dalaga sa kasosyo ng FNC, si Jerome Gascon, na noo’y nag-alay ng pag-ibig kay Monica.

Hindi akalain ni Monica na ang lihim na pinakaiingatan nito sa loob ng dalawampu at limang taon ay hindi pala lihim kay Jerome. At sa buong nagdaang mga taon ay alam ni Jerome na si Nick ay hindi nito anak. Subalit ang hindi napaghandaan ng lalaki ay ang katotohanang si Nick ay anak ni Franco Navarro. Si Franco Navarro na sa simula pa lamang ay gusto na nitong sirain at durugin ang pagkatao.

Sa isang hindi sinasadyang komprontasyon ay lumitaw ang pinakaiingatang lihim ni Monica. Sa matinding galit at pagdidilim ng isip ay sinugod ni Jerome si Franco Navarro sa opisina nito, ang FNC International, upang patayin. Si Monica ay iniharang ang sarili sa balang dapat ay kay Franco tumama. Si Franco ay naguluhan sa biglaang pangyayari dahil hindi naman nito alam na nagkaanak kay Monica sa minsanan at hindi sinadyang pagtatalik.

Ang security guard na tinawag ni Nick upang sumaklolo ay napilitang barilin si Jerome dahil muli nitong iniumang ang baril kay Franco.

Hindi makapaniwala si Nick sa nangyayari at sa pagkaalam sa katotohanan ng pagkatao nito. Totoong ito at ang magkakapatid na Navarro, si Alvaro, si Lance at si Jennifer ay totoong parang mga kapatid na ang turingan sa isa’t isa. Magkababata at pare-parehong magkakasama sa lahat ng mga bagay ang apat at pare-parehong nagsipag-aral sa ibang bansa. Subalit ang malamang si Franco ang tunay na ama ay hindi agad natanggap ni Nick. Pagkatapos ng libing ni Jerome at ni Monica ay tumakas patungong Sto. Cristo ang binata.

Si Franco Navarro ay sinikap na itago ang iskandalo ng pamilya. Ginamit ang pera upang mapatahimik ang press na bagaman wala naman talagang alam ay maaaring mahukay ang katotohanan. At sa kabila ng lahat ay may mangilan-ngilan pa ring lumabas sa society page na hinala sa naging dahilan ng maa gang pagkamatay ng mag-asawang Jerome at Monica.

At nitong nakalipas na mga buwan ay natutuhang patawarin ni Nick si Franco Navarro at tanggapin bilang ama. He resigned being the executive vice president ng Gascon Industries na ang controlling shares ay nabili ni Bernard Fortalejo kay Jerome noong buhay pa ito.

At ngayon nga ay inimbitahan si Jenny ni Nick na siyang partner nito sa wedding anniversary party ni Marco at Emerald de Silva. She hated parties and social functions. Kung hindi rin lang kailangan ay iniiwasan niyang magpupunta sa mga party. Pero hindi niya matanggihan ang kapatid.

Banayad na kinagat ng dalaga ang dulo ng tenga ng kasintahan. Napasinghap ang binata. How easily Jenny could turn him on. Lalo na kapag alam nitong medyo nagagalit na ito.

“Don’t fuss, Ralph. I’m a one man woman. And of course, we love each other. Boto ang Mama sa iyo,” bulong ng dalaga sa binata at banayad na hinipan ang tenga nito.

“Stop it, Jennifer,” gumagaralgal ang tinig nitong saway at umilap ang mga matang iginala sa buong kabahayan. “Nakakahiya sa mga katulong.”

Umikot ang mga mata ng dalaga at bumitaw. “Why, Ralph, you’re a prude man!”

“Ang isa bang lalaking may sense of propriety ay prude ang tawag mo?” nagsasalubong ang mga kilay na baling ng binata sa kasintahan. “And I don’t really understand you, Jennifer. I hated this kind of displays at ilang beses na kitang niyaya sa pad ko pero tumatanggi ka and then you teased me in public.”

Bago pa makasagot si Jenny at tumikhim mula sa pinto si Nick.

“Ready, brat?”

“Oh, here you are,” aniya sa kapatid at mabilis na tumayo. “Nick, kilala mo na si Ralph, `di ba?”

“Yeah,” sagot ng binata na bahagya lang tinanguan si Ralph.

“I’d better be going, Jennifer,” wika ni Ralph sa kasintahan at tumayo na rin. “Sige, pare,” wika nito kay Nick na muling tumango pero hindi tumingin.

“Hindi ako makapaniwalang kapareho ka rin ng Papa, Nick,” nakasimangot niyang sinabi nang mawala sa paningin nila si Ralph.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ito ang ikalawang pagkakataong ipinakilala ko sa iyo si Ralph pero parehong malamig at pormal ang pagtanggap mo sa boyfriend ko.”

Nagtagpo ang mga kilay ng binata. “Ano ang gusto mong gawin ko, yakapin ang boyfriend mo? To tell you frankly, brat, I don’t like him.”

“Bakit? May ipinakita bang kagaspangan si Ralph sa iyo? Sa pagkakatanda ko’y mas impolite ka sa pakikiharap sa kanya?” nakasimangot niyang sinabi.

“I just don’t like him as a person,” kaswal nitong sagot. “At lalong hindi ko siya gusto para sa nag-iisa kong kapatid na babae. As simple as that.”

“Dominic!” Tumaas ang tinig niya sa kapatid. “Si Ralph ay galing sa isang kilalang pamilya, maginoo, mayaman, and a practicing pediatrician.”

“A weakling like that?” ganti ng binata. “At tingnan mo kung paano magsuot ng damit, tila galing sa seminaryo, ah,” amuse nitong sinabi na nilingon pa ang pinagdaanan ni Ralph.

Naningkit ang mga mata ng dalaga. “Wala kang karapatang pintasan ang kasintahan ko, Nick. Hindi ko alam kung saan ako lalagay sa inyong tatlo nina Alvaro at Lance. Nagka-boyfriend ako ng rock star sa Houston, `tapos inayawan ninyong pare-pareho. Kulang na lang ay ibalot ako ni Alvaro sa kahon at ipa-package pauwi para lang matiyak na sasama ako dito. Tapos, heto at may boyfriend akong kagalang-galang ay pinipintasan mo. I couldn’t wait what Alvaro and Lance would say about him,” padabog niyang sinabi. Pagkatapos ay nagmamadaling idinagdag. “And to think I really love this guy.”

“Love him? My ass.” u mikot ang mga mata ng binata. Hindi ito nag-aalangang gumamit ng mga ganoong salita sa kapatid na dalaga. Sanay na si Jennifer sa mga ganoong uri ng salita. She grow up in a ranch full of swearing ranchers. Huwag nang idagdag pa silang tatlong mga lalaki. And her sister would swear to her heart’s content kapag ginusto nito. “You only like him, brat, because you can easily lead him around by the nose.”

“Oh, I can’t believe you’re saying that!” naiiritang wika ng dalaga. “And here you are asking me a favor na samahan ka sa party.”

“Aminin mo man o hindi, iyon ang totoo. Kayang-kaya mong paikutin si Ralph sa mga kalokohan mo.”

“Well, you’re bloody wrong! I love him.”

“You wouldn’t like it kung paniniwalaan ko iyang sinasabi mo,” nakangising sagot ni Nick na banayad na tinapik sa mukha ang kapatid. “Dahil titiyakin kong hindi ka na pupuntahan pa uli dito ng lalaking iyon.” t umalikod ang binata upang magpaalam kay Beatriz.

Naiwang nagngingitngit si Jenny. Oh, how she hated her brothers sa mga ganoong pagkakataon. All three of them are overbearing. Para siyang walang sariling isip.

HINDI nagtagal ay dumating ang magkapatid sa mansiyon ng mga de Silva. Ipinakilala ni Nick ang kapatid kay Bernard at ganoon din kina Marco at Nathaniel na parehong mga importanteng business associate ni Franco Navarro.

Nagsasayaw ang dalawa nang pumasok si Zandro kasama ang isang magandang dalaga, si Alaina. Kinausap ni Nick si Jenny na gawan ng paraan upang hindi na muling isayaw ni Zandro si Alaina, ang babaeng pumukaw ng interest ng binata.

Ilang sandali pa’y niyaya nang magsayaw ni Jenny si Zandro.

“You’re not really that old for dancing, `di ba?” kantiyaw ng dalaga sa binata na bahagyang gumalaw ang muscle sa mukha sa sinabi niya.

Tumayo si Zandro at nagpaalam kay Alaina. Ilang sandali pa’y nasa gitna na ng bulwagan ang dalawa.

“Gosh, talaga bang ganyang sayaw ang alam mo?” wika niya sa namumungay na mga mata. “Puwedeng magdaan ang isang tao sa gitna natin, ah?” amused niyang kantiyaw.

“At paano ba dapat ang pagsasayaw, Miss Navarro?” walang emosyong tanong ni Zandro.

“You can call me, Jenny, Zandro,” nakangiting sagot ng dalaga na idinikit ang katawan sa katawan ng binata sa nanunuksong paraan. Ewan niya kung guniguni lang niya ang nararamdamang pagsinghap nito o baka naman galing sa musikang pumapailanlang.

Zandro is taller than Nick by two inches perhaps. At sinadya niyang tumingala at magsalita sa paraang ang mga labi niya’y halos dumikit na sa mga labi ng binata.

“I’m amazed na tinatanong mo sa akin kung paano ang paraan ng pagsasayaw,” she asked huskily. Her warm and sweet breath fanning his mouth. “Where have you been hiding?”

“And where have you learned being so vulgar and permissive, young lady?” pormal pa ring sagot ni Zandro though anger flickered in his eyes.

Napasinghap si Jenny roon at bago pa siya makaisip ng matalinong sagot ay nasa tabi na nila si Alaina.

“Excuse me but I’m claiming my partner back.”

Si Zandro ay amused na ngumiti at binitiwan si Jenny sa malaking pagkabigla ng dalaga at isinayaw si Alaina at inikot sa gitna ng dance floor.

Nagpupuyos ang loob na bumalik si Jenny sa kapatid na tulad niya’y nagpupuyos din sa galit.

“I can’t believe it, Nick!” angil niya sa kapatid sa kontroladong tinig. “I have never been humiliated in my entire life! He literally left me in the middle of the dance floor!”

“You forfeit Arab,” galit ding sagot ni Nick. Ang stallion nitong si Arab ang hiningi ni Jenny upang huwag nang isayaw pa ni Zandro si Alaina.

“To hell with Arab!” She gritted her teeth in anger. Hindi siya makapagtaas ng tinig dahil may mga tao sa paligid. “Damn that macho illiterate!”

Pagalit na naupo ang dalaga. Nagulat pa siya nang biglang may tumikhim sa tabi niya.

“May I dance with you?”

Nang tingalain ng dalaga kung sino ay isang guwapong mestizo ang nakangiti sa kanya. Nagagalit siya pero lalong hindi niya aaksayahin ang oras sa pagmumukmok. Sa pilit na ngiti ay tumayo siya.

“Sure.”

Habang nagsasayaw ay na kay Zandro ang mga mata niya. At kung nakamamatay ang tingin ay natumba na ang binata. Subalit hindi naman tinapos ni Zandro at Alaina ang tugtog at umalis ang mga ito ng dance floor.

“I’m Kane Lopez, what’s yours?” Ang guwapong mestizo.

“Jenny.”

“Tama ba akong hulaang ikaw ang bunsong anak ni Franco Navarro?” nakangiting patuloy ng lalaki. “Ang tinaguriang Navarro Princess?”

Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. Napakadalang niyang magpunta sa mga party sa nakalipas na mahigit isang taon mula nang dumating siya sa Pilipinas. Subalit walang nakikita ang mga taga-press kundi siya. And to think na wala siyang pakialam kung ano man ang anyo niyang datnan ng mga ito. At wala rin siyang pakialam minsang madiyaryo siya na binuhusan niya ng alak ang isang kilalang socialite na nagpagalit sa kanya.

Ang boyfriend ng nasabing socialite ay nakatagpo niya sa isang party at hindi na siya hiniwalayan. Nagalit ang socialite at ininsulto siya sa harap ng ilang taong nakapaligid. And being as short-tempered as the Navarro men, dinampot niya ang kopita ng alak at inihagis sa mukha ng modelong nagtitili. She left the party without a word at sa pagkamangha ng mga naroong mga kilala sa lipunan.

Hinangad niyang hindi sana mabasa ni Franco sa peryodiko ang pangyayari subalit hindi pa man siya nagigising ay nasa silid na niya ang ama kasunod ang nag-aalalang si Beatriz.

“Ano na naman ito, Jennifer!” Inihagis ni Franco ang peryodiko sa kama. She moaned at ibinaon ang mukha sa unan.

“`Pa, inaantok pa ako, please...”

“Alam mo ba kung sino ang babaeng binuhusan mo ng alak sa mukha, ha?”

“Who cares if she was the Queen of Sheba. She insulted me.” u mungol siya at ibinaon pa ang mukha sa unan, hoping her father would leave.

“Anak siya ng isa sa mga importanteng customer natin, Jennifer!”

“Consider that client lost, `Pa.” a t nang sa tantiya niya’y hindi na siya makakatulog pang muli at hindi lalabas ang ama ay bumangon at naupo sa kama at naghikab. “She was just being vengeful dahil hindi siya pinatulan ni Alvaro noon.”

Si Franco ay tumingala at hinagod ang batok. Abot-abot ang pagpipigil sa sarili. Si Bea ay naupo sa gilid ng kama ng anak.

“Jenny, darling, bakit kailangang patulan mo? Sana’y umiwas ka na lang, hija.”

Muling naghikab ang dalaga at sa bored na tono ay, “`Ma, I haven’t committed murder, have I?” Hindi nakuhang sumagot ni Beatriz dahil muling nagsalita si Franco.

“You’re my only girl pero tinalo mo pa ang mga kapatid mong lalaki sa—sa—pagdadala ng mga bagay na ikagagalit ko, sa mga iskandalo!”

“`Pa, hindi mo gugustuhing nakatayo lang ako roon at makinig sa insulto ng babaeng iyon,” pangangatwiran niya.

“Ayon diyan sa peryodiko ay sinikap lang ni Colleen na makuha ang atensiyon ng boyfriend niyang hindi mo na hiniwalayan,” patuloy ni Franco sa mataas na tinig.

“She called me a bitch at siyempre dahil siya ang naiwan doon, nakuha niya ang simpatya ng mga reporter,” bagot niyang sagot na sinabayan ng bangon. “And correction please, hindi ako ang hindi humihiwalay. Ang mukhang matsing niyang boyfriend ang ayaw akong tigilan.” u mikot ang mga mata ng dalaga. “Na para bang papatulan ko ang mukhang iyon.”

“Jennifer, hindi ito ang unang iskandalong ginawa mo mula nang dumating ka galing ng Texas!” hiyaw ni Franco na itinaas ang dalawang kamay at palakad-lakad sa loob ng silid. “Two weeks ago ay sinampal mo ang escort mo sa lobby ng hotel.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. “`Pa, ano ba ang magagawa ko kung ang mga society reporter na iyon ay wala nang nakikita kundi ako? And I cannot keep on defending myself dahil lang nakasunod silang lagi dahil anak ninyo ako ng Mama,” she said wearily.

“Why can’t you act like a lady, Jennifer? Tatlo na ang anak kong lalaki at hindi ko kailangan ng isa pa sa katauhan mo. Control your temper...”

“I wonder where I got it,” painosenteng wika ng dalaga sa marahang tinig. Pagkatapos ay lumakad patungo sa banyo.

Tumaas-baba ang dibdib ni Franco na binalingan ang asawa. “Pangaralan mo ang anak mo, Beatriz. You spoiled her kaya ganyan iyan.”

Tumaas ang mga kilay ni Beatriz. “Look who’s talking.”

Ibinuka ni Franco ang bibig at akmang magsasalita pero itinikom na muli. Minabuting lumabas upang huwag sa asawa mauwi ang galit.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings