Tyron Zapanta (Possessive Series 1) - Chapter #1 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

ABALA si Tyron sa pagbabasa ng expansion report ng Zapanta Hotel sa New Zealand nang pumasok ang kanyang sekretarya sa opisina. Hindi siya nag-angat ng tingin kahit alam niyang nasa harap na ito ng mesa.

“Yes?” aniya na hindi tinitingnan ang sekretarya.

“Sir, Mrs. Zapanta is on line four. She’s persistent to talk to you.”

Huminga nang malalim si Tyron, saka inabot ang telepono. “Thanks, Lara,” aniya sa sekretarya bago inilagay ang telepono sa kanyang tainga.

Hinintay muna niyang makaaalis ang sekretarya bago sinagot ang tawag.

“Good morning, Mom,” masiglang bati niya rito.

“Good morning din sa `yo, anak.” Mahihimigan ng tuwa ang boses ng ina. “Anyway, napatawag ako kasi gusto kong itanong sa `yo kung anong petsa ka uuwi ng Pangasinan para sa Christmas at New Year?”

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “Mommy, I’m busy. Hindi ako makakauwi, marami akong ginagawa dito sa office, eh.”

Mula nang magretiro ang kanyang ama, si Tyron na ang namahala sa lahat ng negosyo nila. Sa edad na twenty-three, nakaatang na sa kanyang mga balikat ang responsibilidad na i-manage ang kompanya nila. Ayaw naman siyang tulungan ng kapatid niyang babae na si Kreiya. Nasa honeymoon ito at ang asawang si Sky sa Europe.

“Anak, ano ka ba naman? It’s a holiday. Can’t you take a day off?” May pagtatampo sa boses ng ina. “Please naman, anak, darating ang relatives natin from abroad at magre-reunion dahil after ten years makokompleto na ang buong pamilya. Kahit ang Ninang Grace mo uuwi para makasama tayo sa Pasko at Bagong Taon.”

Napatingin siya sa kisame. “Mom, uuwi si Ninang Grace kasi kamamatay lang ng asawa niya at kailangan niyang malibang. It has nothing to do with me.”

“Anak, don’t say that. Hindi ganoon ang ninang mo. Nagkausap na kami sa telepono at sa December twenty-three sila uuwi. Sa bahay natin sila titira.”

Nalukot ang mukha ni Tyron. “Sila?”

“Yes. Her daughter is coming with her.”

“Oh. Okay,” maikli niyang sagot.

“So, kailan ka uuwi?”

Hinilot ni Tyron ang sentido. He had reasons why he didn’t want to go home for Christmas. May usapan kasi sila ng kasintahang si Careen na pupunta ng Boracay sa Pasko at sa El Nido naman sa New Year. Nangako siya at kapag nangangako, tinutupad niya, pero pamilya niya ang kapalit niyon.

“Anak, may pupuntahan ka ba sa Pasko?” tanong ng ina mula sa kabilang linya nang hindi siya nagsalita.

Bumuntong-hininga si Tyron. “Mom, I have plans with Careen.” Ayaw niyang magsinungaling sa ina. “I promised her we’re going to Boracay this Christmas and to El Nido for New Year.”

Nawalan ng imik ang ina sa kabilang linya. Mayamaya ay nagsalita ito, walang emosyon sa boses. “Okay. Have a happy holiday.” Pagkasabi niyon ay pinatay na nito ang tawag.

Sumakit ang sentido ni Tyron. Mukhang nagtampo ang mommy niya dahil hindi siya pupunta sa reunion. Gusto naman niya, pero nakapangako na siya kay Careen.

“Hay, naku.” Isinandal ng binata ang likod sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. “Sana naman mawala kaagad ang tampo ni Mommy.”

Hindi siya mapakali kaya tinawagan niya ang ina gamit ang kanyang cell phone.

“Mom?” aniya nang sagutin nito ang tawag.

“May kailangan ka?” Walang emosyon ang boses nito.

“Gusto ko lang naman magpaliwanag kung bakit hindi ako makakauwi—”

“Hindi na kailangan.” Wala pa ring emosyon ang boses ng ina, halatang galit sa kanya. “At kung tumawag ka para alamin kung nagtatampo ako, oo, nagtatampo ako kasi mas pinipili mo ang babaeng `yon kaysa sa pamilya mo—”

“Mom, ang babaeng `yon ay may pangalan and her name is Careen.”

“Pakialam ko naman,” mataray nitong sabi. “Hindi ko pa rin siya gusto para sa `yo. Hindi ko nga alam kung bakit mo nagustuhan ang babaeng `yon. She looks like a tramp! Kung ayaw mo akong magtampo, umuwi ka, dahil kapag hindi, hindi kita kikibuin hanggang mamatay ako!”

Napatingin si Tyron sa screen ng cell phone nang mawala ang ina sa kabilang linya. Hindi siya mapakali na nagtatampo ito sa kanya kaya tinawagan niya si Careen.

“Hey, babe. Miss me?” malambing na wika ng dalaga nang sagutin ang kanyang tawag.

“Hey, babe.” Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. “Babe, Mom called.”

“And?” There was haughtiness in her voice. Kagaya ng kanyang ina, hindi rin ito gusto ni Careen sa hindi niya malamang kadahilanan. “Kung anuman ang sinabi niya, please lang, siguruhin mo na maganda sa pandinig `yon.”

“She wants me to be with them this Christmas and New Year.”

Naghari ang katahimikan sa kabilang linya, lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Careen.

“Paano ang plano natin para sa holiday?” mataray nitong tanong. “Don’t tell me na ipagpapalit mo ako sa reunion na `yan? Iyang mommy mo talaga, palaging kontrabida!”

Nakaramdam ng inis si Tyron sa sinabi ng nobya. “Babe, they are my family. And she is my mom. Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Please understand. Ngayon lang makokompleto ang pamilya namin after ten years—”

“Eh, di umuwi ka! Buwisit! Bahala ka sa buhay mo!” sigaw nito at pinutol ang tawag, pero bago iyon ay may pahabol pa itong sinabi na hindi na bago sa kanyang pandinig. “Oh, siya nga pala, break na tayo! Buwisit ka! Magsama kayo ng ina mong kontrabida!”

Naiiling na inilapag ni Tyron ang cell phone sa mesa at bumuntong-hininga. Minsan talaga ay hindi maganda ang ugali ni Careen, lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto. Palaging “break na tayo” ang bukambibig kapag hindi nasusunod ang gusto. Nasanay na siya sa ugali ng nobya. Hindi na bago sa kanya ang pagsigaw at pakikipaghiwalay nito sa kanya.

Careen had been his girlfriend for a year now. She was a psychologist, but sometimes, she didn’t act like one. She acted like an unprofessional who didn’t understand people.

Pero hindi mababago ng nobya ang desisyon ni Tyron. Kailangan niyang umuwi, kung hindi magtatampo talaga ang mommy niya. Saka na niya aayusin ang kung anumang problema nila ng kasintahan.

TUMAAS ang isang kilay ni Raine nang ianunsiyo ng piloto na lalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Honestly speaking, gusto niyang magpaiwan sa Canada pero pinilit siya ng mommy niya na sumamang magbakasyon sa Pilipinas.

Alam niyang pinasama siya ng ina dahil ayaw nitong mag-isa siya. Mula nang mamatay ang kanyang ama dahil sa atake sa puso, pakiramdam niya ay palagi siyang mag-isa. She was a daddy’s girl.

“Try to smile, Raine,” anang mommy niya nang makalapag ang eroplano at isa-isa nang naglalabasan ang mga pasahero.

Pinilit ni Raine ngumiti. “Like this?” She will bet her life that it looked so fake.

Her mother grimaced. “How about a genuine smile?”

Itinirik niya ang mga mata. “Mom, you can’t force me to smile when there is no reason for me to smile.”

“Anak, ngumiti ka naman. Baka pagkamalan kang snob,” wika ng ina habang nananalamin at inaayos ang makeup.

Napangiti si Raine. Talo pa siya ng ina pagdating sa pagme-make up. Bukod sa powder, lipstick at blusher, wala na siyang inilalagay sa mukha. Nasanay lang siguro siya na hindi gumagamit ng makeup, lalo na kapag kasama niya ang ama noon.

Boyish si Raine noong nasa grade school at middle school. Minsan na siyang pinagkamalang tomboy ng sariling ina. Tumigil lang ito sa paghihinala na tomboy siya nang sumapit ang high school at nagkaroon siya ng boyfriend.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Raine. “Mom, kailan tayo uuwi?”

“Kararating lang natin, Raine.” Nagpakawala ng buntong-hininga ang kanyang ina, mukhang suko na, saka tumayo. Binalingan siya nito bago naglakad. “I will take care of the boxes and you’ll take care of our luggage.”

She nodded grimly.

Luggage. Argh!

“And speak Tagalog,” her mom added then she walked out of the plane.

Tumango si Raine kahit hindi na iyon nakita ng mommy niya. Hindi naman mahirap mag-Tagalog. Nabuhay siyang iyon ang lengguwahe na gamit sa loob ng bahay. Nag-i-English lang naman siya kapag nasa labas.

Sumunod siyang lumabas sa ina, saka nagtungo sa luggage scanner para doon abangan ang mga bagahe nila.

Ilang minuto rin ang binilang niya bago lumabas ang kanilang mga bagahe sa scanner. Binilang niya kaagad ang mga iyon. Memoryado niya ang dalang bagahe dahil apat lang naman iyon.

Napakunot-noo si Raine nang mapansing nawawala ang itim niyang maleta na Racini na naglalaman ng lahat ng gadget niya at napalitan iyon ng itim din na Racini na maleta pero may-kaliitan. Her heart thumped in a panic. No! My laptop!

Naroon din ang ibang mahahalagang gamit niya tulad ng policy para sa life insurance ng kanyang ama na ire-review niya sana habang nagbabakasyon.

Shit!

Importante iyon sa kanya!

Mabilis niyang inilibot ang paningin sa paligid. Nang makita ang isang babaeng patungo sa exit at may dalang itim na maleta ay binalingan ni Raine ang guard na nagbabantay sa scanner.

“Pakibantayan muna, Sir,” nagmamadali niyang sabi. “`Yong bag ko kasi iba ang nakakuha.”

Nagpa-panic niyang iginala ang paningin, hinahanap ang babaeng nakita na may dala ng kanyang maleta. Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Raine nang makita ang babae at mabilis na tinakbo ang pagitan nila. Wala siyang pakialam kung may masasagasaan siya o kung ano pa man. Naroon sa bag na iyon ang mga importanteng gamit niya. She will have it back by hook or by crook.

“Ma’am!” sigaw niya nang ilang metro na lang ang layo ng babae sa kanya, pero hindi ito lumingon. “Ma’am!”

Mas binilisan pa ni Raine ang pagtakbo at nang sobrang malapit na siya, tumama ang kanyang katawan sa isang matigas na bulto. Sa isang iglap ay nawalan siya ng balanse. Namalayan na lang niyang natumba siya, pero sa halip na bumagsak sa semento, napakubabaw siya sa taong nakabungguan.

In a disoriented state, walang pakialam na umupo si Raine at tumingin sa paligid. Napasinghap siya nang makitang malayo na ang babaeng may dala ng kanyang maleta. Malapit na itong makalabas. Mabilis siyang tumayo at hinabol uli ang babae.

My laptop!

NAKAAWANG ang bibig ni Tyron habang nakahiga pa rin sa sahig ng airport. Ang babaeng iyon! Binunggo siya at hindi man lang humingi ng tawad sa kanya! Ang nakakainis pa, naupuan nito ang kanyang pagkalalaki!

Dahil sa babaeng iyon, nabuhay ang pagkalalaki niyang matagal nang hindi nagagamit. Damn it! Kasalanan iyon ng babae. Her body felt so soft against his. And the way she smelled! Damn! She smelled so good, he couldn’t control his manhood from getting erect!

Dahil sa nararamdaman, pakiramdam ni Tyron ay nagtataksil siya kay Careen.

Well, nakipag-break siya sa `yo, `di ba? anang munting tinig sa isip niya.

Yes, she did. Pero nasisiguro niyang makikipagbalikan uli ito sa kanya. Napailing-iling siya at tumayo, saka inayos ang medyo nadumihang damit.

Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng airport. Tumigil iyon sa babaeng bumangga sa kanya. May kausap na itong babae at itinuturo ang direksiyon ng bag scanner.

Kaya ba nagmamadali ang babae ay dahil may ibang nakakuha sa bag nito?

Hindi alam ni Tyron kung ilang minuto siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa babae. Napailing-iling siya, saka bumuntong-hininga. Kailangan na niyang bumalik sa waiting area.

Bago bumalik, tumingin muna si Tyron sa direksiyon ng babaeng nakabangga sa kanya. Hindi niya masyadong nakita ang mukha nito, tanging ang suot lang na damit ang kanyang natatandaan. She was wearing a cardigan and she had a black and pink scarf around her neck. May parte sa kanya na gustong makita ang mukha nito, pero sa kasamaang-palad, hindi ito humarap sa kanyang direksiyon.

You shouldn’t be thinking that! You still have Careen! kastigo ni Tyron sa sarili at bumalik na sa waiting area kung nasaan ang mommy at daddy niya na naghihintay kay Ninang Grace at sa anak nito.

“Tyron! Saan ka ba nanggaling?” pagalit na tanong ng ina pagkakita sa kanya.

He glanced back at the direction where he came from. “You told me to look for Ninang Grace, remember?” napapantastikuhang sagot niya.

“Oo nga pala,” anang ina. “C’mon, ipapakilala kita sa Ninang mo.”

Oh, so nandito na pala ang hinihintay namin.

And this was what would happen when you meet your own godmother on Skype and years later, she forgot what you look like.

Napabuntong-hininga na lang si Tyron. Early in the morning, tumawag ang mommy niya na nasa ibaba ito ng kanyang condo at nagpapasama sa airport dahil susunduin daw nila ang kanyang Ninang Grace at ang anak nito. At siyempre, bilang isang mabuting anak, sumama siya.

Hinawakan siya ng ina sa braso at hinila patungo sa isang babae na medyo may-edad na pero halata pa rin ang kagandahang taglay.

“This is your Ninang Grace,” pagpapakilala ng kanyang ina. “Grace, this is my son and your inaanak, Tyron.”

Ngumiti ang ginang at niyakap siya. “Nice to meet you, Tyron. Ang laki mo na. I want you to meet my daughter, Raine—” Her words hung in the air like a floating balloon. “Teka, nasaan na ang batang `yon?” puno ng pagtataka ang boses nito.

Inilibot ni Ninang Grace ang paningin para hanapin ang anak. Tumigil ang mga mata nito sa babaeng naglalakad palapit sa kanila. Hindi makita ni Tyron ang mukha ng babae dahil nakatabing sa mukha ang nakalugay na kulot na buhok. Lihim siyang nabigla nang mapagsino ang babae. The woman was wearing the black and pink scarf. That was the woman who crashed into him earlier!

She’s Raine?

What a coincidence.

“Raine, ano’ng nangyari sa `yo?” puno ng pag-aalala ang boses ni Ninang Grace nang makalapit ang babae.

Tulad kanina, hindi makita ni Tyron nang mabuti ang mukha nito. Her curly hair was covering half of her face. Damn!

“Okay lang ako, Mom.” Her voice sounded soft yet callous. “May nangyari lang do’n sa bag scanner pero okay na, naayos ko na.”

“Aww, sorry, sweetheart. I thought you have it under control.”

“Yeah, like I can control one backpack, one sling bag and two very big pieces of luggage. It’s all under control,” puno ng sarkasmo na sabi ng babae na ikinangiti ni Tyron. Kahit ang kanyang ina ay napangiti rin.

“Sorry, sweetie.” Niyakap ito ni Ninang Grace. “Next time, tutulungan kita.”

“No.” Kumawala ang babae sa pagkakayakap ng ina. “Next time, I’ll take care of the boxes and you’ll take care of the luggage.”

“Fine.” Bumuntong-hininga si Ninang Grace. “Anyway, meet your Tita Marian, your Tito Tim, and their son, Tyron.”

She greeted his parents and when she looked up at him, his butterscotch eyes met her argentine ones.

Parang may sumipa sa dibdib ni Tyron nang makita ang kabuuan ng mukha ng babae. He couldn’t look away, he didn’t even blink! Tinitigan niya lang ito habang nakaawang ang kanyang bibig. The woman had a heart-shaped face. She had a straight cute nose. Her lips were ruddy and kissable. Kulot ang buhok na naka-dye ng asul. Pero iba ang pagkakakulay sa buhok nito dahil tanging sa dulo lang ang may kulay. And of course, her magnetizing argentine eyes. They looked so surreal and unearthly yet so pretty… so beguiling.

Sa lahat ng bagay na tumatakbo sa isip ni Tyron nang mga sandaling iyon, isa lang ang nangibabaw. Damn, I am in so much danger.

NANG magtama ang mga mata nila ng lalaki, tanging ang nasa isip lang ni Raine ay kung gaano ito kaguwapo. His messy tousled hair, his butterscotch eyes, his proud pointed nose, his sinfully thin and soft-looking lips, his stubborn jawline, his well-toned body—everything about this man screamed gorgeousness.

His handsomeness could be compared to that of a model who can make a woman drool with just a simple smile.

“Hi,” he croaked then he cleared his throat. “Tyron Zapanta.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “You’re, ahm, Raine?”

Nag-aalangan siyang tanggapin ang kamay ng lalaki pero sa huli ay nakipagkamay rin. Tumikhim siya. “Raine… Raine Lynn Dizon,” aniya at mabilis na inagaw ang kamay mula rito nang makaramdam ng kakaibang init, saka bumalik sa tabi ng kanyang ina.

Napakabilis ng tibok ng puso ni Raine nang mga sandaling iyon, parang galing sa isang five hundred-kilometer marathon.

“Breakfast, anyone? Maaga pa naman,” tanong ni Tito Tim habang nakatingin kay Tita Marian na nakikipag-usap sa kanyang ina.

“Sure. I’m hungry,” anang mommy niya.

“Yeah, me, too,” segunda ni Tita Marian. “Ang aga kong nagising kasi excited ako masyado na sunduin kayo.”

Tyron groaned. “Tell me about it.”

Dahil nakatingin siya kay Tita Marian, nakita ni Raine na pinandilatan nito ang lalaki at pinukol ng masamang tingin. Nagkibit-balikat lang si Tyron at tumingin sa ibang direksiyon.

“C’mon, let’s go,” wika ni Tito Tim at iginiya sila patungo sa parking lot.

Habang hinihila ni Raine ang malaking luggage patungong parking lot, umagapay sa kanya si Tyron at kinuha ang luggage.

“Ako na,” anito.

So gentleman pala ito, komento niya sa isip. Hindi na nag-inarte pa si Raine. Mabilis niyang ibinigay sa binata ang luggage na ikinatawa nito nang mahina.

“So excited to get rid of the luggage, huh?”

“Ang bigat, eh.”

“Yeah. Mabigat nga,” anito at inilipat ang paghawak ng luggage sa kanang kamay nito.

Sinulyapan ni Raine ang lalaki. “Salamat,” aniya, saka mabilis na naglakad at inunahan itong makarating sa parking lot. Ayaw niyang lumapit kay Tyron dahil parang nagpa-parkour sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. At hindi lang iyon, para siyang nahihipnotismo sa amoy ng binata. He smelled so good, she wanted to lean closer and sniff him. How weird was that?

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Hindi naman siya ganoon sa mga lalaking kakilala niya, ah? Her boss could be compared to Adonis. If he was not Adonis himself. Pero hindi naman nagka-cartwheel ang puso niya kapag malapit ito. Ano ba ang pinagkaiba ni Tyron? At kakakilala pa lang niya sa lalaki!

Maybe because he smells great, sagot ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig ni Raine ang ulo.

Whatever.

“Raine, kay Tyron ka na lang sumabay,” sabi ni Tito Tim na ikinatigil niya sa paglalakad.

What the hell?

“C’mon,” narinig niyang sabi ni Tyron at lumapit ito sa sasakyang nakaparada sa tabi ng sasakyan ni Tito Tim. Pagkatapos ay binuksan nito ang passenger seat at tumingin sa kanya. “Sumakay ka na.”

Ayaw niya. Gustong sabihin ni Raine na magta-taxi na lang siya. Pero ano naman ang idadahilan niya? Dahil sa mabangong amoy ni Tyron na parang inaakit siya?

Shit!

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings