Stupidly In Love Again - Chapter #1 - Free To Read

Prologue

select arrow

Prologue

Prologue

 

Prologue

 

 

MY COLLEGE life is like some sort of TV dramas. Hindi dahil sa anak ako sa labas, o may galit ako sa mga magulang ko, o dahil may taong gusto kong paghigantihan nang dahil sa mga pananakit niya sa akin.

My college life is like a TV drama because everyone hates me in our school. Not because I am a bitch or one of the mean girls. Not because I am beautiful and they envy me. In fact, I’m not even beautiful. I’m just your typical nerdy, shy girl who’s always looking down when walking. The girl you’d never give a second glance. The girl you’d never bother yourself to take a second look.

May malaki akong suot na salamin dahil malabo ang mga mata ko at outdated ang pananamit ko. I’m not rich to follow the latest trends. And following the latest fashion is not my thing either. Hindi ako palaporma. Hindi rin ako iyong tipo ng babae na nasa mall para mag-shopping kapag may free time. I’m not a dream girl. I am easily forgettable.

Wala naman kasi akong pera dahil kasya lang ang pinapadala sa akin ng mga magulang ko na OFW sa Canada. Ako iyong tipo ng babae na palaging nasa library para mag-aral o nasa bookstore para mag free-read kapag may free time. I am a bookworm and not a fashion icon. Manang nga ako tulad ng sabi ng iba.

So, why do they even bother to hate me, right?

Well, maybe, because I am currently in a relationship with Brixx Harris—our school’s heartthrob.

Some of you would be shocked for sure. O, baka isipin ninyong ilusyonada ako dahil sa sinabi ko. Nakakagulat din, `di ba? Sino nga ba naman ang mag-aakalang magiging boyfriend ng isang tulad ko si Brixx? Kahit dalawang buwan na kaming dalawa, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. It feels so surreal.

Who would have thought na iyong lalaking pinapangarap ko for almost two years, naging akin? Kaya nga kung panaginip man ito, sana huwag na akong magising. Gusto kong manatili sa panaginip na ito kung saan pag-aari ko ang lalaking pinapantasya ng maraming babae.

Si Brixx iyong tipo ng lalaki na parang bida sa mga romance novel. Guwapo, mayaman, habulin ng kababaihan. Pero iyon nga lang dahil mahina ang ulo niya sa klase. Nakilala lang niya ako nang minsang magkasabay kami sa library. May sino-solve siyang Math problem na hindi niya matapos-tapos at halatang frustrated na.

He approached me for the first time to ask for help. Siyempre dahil crush ko si Brtixx, nagpakitang gilas ako. After that, naging daily routine na namin ang pagkikita sa library para turuan siya sa mga assignments niya. He was an Engineering student while I was an Architecture student. Match ang courses namin kaya pakiramdam ko match made in heaven din kaming dalawa. Ang landi ko sa part na ito, `di ba?

One thing led to another hanggang sa niligawan ako ni Brixx at sinagot ko siya. Maraming against sa relationship namin. Mga babaeng nagkakandarapa sa kanya at mga mangilan-ngilan kong friends na naging friendship over na rin. Nainis kasi ako sa kanila dahil kung ano-ano ang sinasabi nila kay Brixx.

Sinasabi nila na ginagamit lang daw ako ni Brixx para gumawa ng plate and papers niya. Na hindi raw ako totoong mahal ni Brixx. Na utak ko lang daw ang mahal sa akin ni Brixx. I was hurt, of course. Alam ko naman iyon pero ano ang magagawa ko? I chose to be stupid because I was in love with him.

And when you are in love, you tend to do a lot of stupid things.

Kaya ngayon, wala na akong friends at galit na galit pa sa akin ang halos kalahati ng girls’ population sa school. I really don’t care, though. As long as akin si Brixx at alam kong mahal niya ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Brixx. Kadarating ko lang ng school. Dapat nga mamaya pa ako dahil may dalawang oras pa ako bago magsimula ang klase ko. Pero dahil tinawagan ako kanina ni Brixx na kailangan na raw niya iyong paper na pinagawa niya sa akin, no choice ako kundi pumasok na.

Saka excited din ako para sa napaka-special na araw na ito.

Napalinga-linga uli ako sa paligid. Pilit hinahanap si Brixx. Ang sabi niya, dito ko raw siya hintayin sa parking lot ng school. Pero bakit wala pa rin naman siya ngayon?

Ah! Ayon na siya. Ngumiti ako nang malapad sa kanya nang matanaw ko na siya. Pero bigla rin naglaho ang ngiti ko nang makita kong hindi siya nag-iisa. Kasama na naman niya iyong babaeng palagi niyang kasama lately. Iyong babaeng classmate niya na akala mo, pinagkaitan ng tela sa sobrang ikli ng suot.

Gosh. Bakit ba kasi walang dress-code rito sa school? Kaunti na lang makikita na ang kuyukot ng babaeng ito, eh.

“Good mo—”

Naputol ang pagbati ko kay Brixx nang magsalita siya. “Nasaan na?” tanong niya na parang umagang-umaga, eh, badtrip na. “Akin na. Nagmamadali ako.”

“Ay oo, dala ko. Sandali lang.” Kinuha ko sa backpack ko ang mga papers ni Brixx. Pero dahil sa pagmamadali ko na makuha, nahulog ang mga iyon sa lupa. Kumalat ang mga papel na naglalaman ng report niya.

“Ano ba `yan. Tsk!” ismid ni Brixx. Halatang nainis sa pagiging lampa ko.

“Sorry,” sagot ko at mabilis na pinulot ang mga papel.

“So stupid.” Napatingin ako sa kasamang babae ni Brixx nang magsalita ito. Ngumisi pa siya sa akin at umirap.

“Ano ba, Cha? Bilisan mo naman at nagmamadali ako!” napasigaw na naman si Brixx kaya nataranta na ako.

Mas binilisan ko na ang pagdampot sa mga papel. Muntikan pa ngang mahulog ang eyeglasses ko sa pagmamadali. Nang maiabot ko ang mga papel kay Brixx, agad-agad siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin habang nakasunod ang babaeng nagsabi na ang stupid ko. Hindi na ako nilingon ni Brixx hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Para akong tanga na naiwang nakatulala sa parking lot at nag-iisa. Hindi agad pumasok sa isip ko ang nangyari. Wala man lang akong ‘thank you’ na narinig mula kay Brixx.

Wala man lang Happy 2 nd monthsary dahil ang araw na ito, pangawalang buwan na ng relasyon namin. Instead, bad trip na Brixx pa ang nakita ko at sumalubong sa akin.

Huminga ako nang malalim at hinayaan si Brixx. Siguro bad trip lang talaga siya ngayong araw kaya ganoon ang attitude niya. Siguro mamaya hindi na. Siguro rin hihintayin niya ako sa labas ng classroom ko at aayain para mag-date para i-celebrate ang monthsary namin like last month.

Oo, tama baka ganoon nga. Hindi ko dapat pangunahan si Brixx. Ngumiti ako at hinayaan na lang ang nangyari.

Pero natapos ang klase ko buong maghapon na walang Brixx na naghintay sa akin sa labas ng classroom. Wala rin siyang text o tawag man lang asking kung nasaan ako. Natapos din ang library duties ko na hindi siya nagpaparamdam. I tried calling him up through his cell phone pero nakapatay iyon. Nagsisimula na tuloy akong mag-alala.

Pakiramdam ko may problema na pinagdadaanan si Brixx. Actually, last week pa siya ganito. Bihira mag-text o tumawag sa akin. Hindi na rin kami nagkakasabay mag-lunch. Bihira magkita rito sa school. Kaya nga kanina sobrang saya ko nang tinawagan niya ako. Akala ko na-miss niya ako pero tinanong lang pala niya ang mga papers niya na pinapagawa sa akin. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.

Napagdesisyunan ko tuloy na pumunta sa condo ni Brixx para alamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Pero bago ako pumunta, dumaan muna ako sa isang cake shop para bumili ng cake. Iyong chocolate flavor gaya ng favorite ni Brixx. Pinalagyan ko pa iyon ng Happy 2 nd Monthsary.

Sobrang dilim ng kalangitan habang bumibiyahe ako papunta sa condo ni Brixx. Mukhang uulan pa yata. Hindi bale, sigurado naman akong ihahatid ako ni Brixx mamaya. Yakap-yakap ko ang cake na parang sobrang mahalaga ito kaysa sa buhay ko. Naglakad na ako papasok sa building at nagpunta sa unit ni Brixx.

Humugot uli ako ng malalim na buntong-hininga bago kumatok. Mayamaya pa, may nagbukas na ng pinto. Nagulat ako dahil hindi si Brixx ang nagbukas ng pinto kundi iyong babaeng kasama ni Brixx nang nakipagkita siya sa akin sa parking lot kanina. Suot-suot niya ang T-shirt ni Brixx.

“Ano’ng kailangan mo?” nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

“S-si Brixx? Nandiyan ba siya?” halos pabulong kong sagot habang todo hawak sa cake.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago siya sumagot. Napangisi pa siya sa akin.

“`Andito. Naliligo siya. Tuloy ka,” hindi bukal sa loob niyang sagot.

Ayoko sanang tumuloy. Ayokong pumasok sa loob. Gusto ko na lang umuwi sa dorm at magkulong sa kuwarto ko. Pero sadyang traydor ang sarili ko dahil namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa kusina ng condo ni Brixx. Rinig na rinig ko ang pagbagsak ng tubig mula sa banyo na nasa gilid.

“Brixx!” sigaw ng babae. Akala ko sasabihin niya kay Brixx na nandito ako.

Pero iba ang lumabas sa bibig niya, na hindi ko inaasahan.

“What? Malapit na akong matapos!” sagot ni Brixx mula sa loob ng banyo. “Hintayin mo na lang ako sa kuwarto.”

“I’m just curious!” sabi ng babae “Seryoso ka ba talaga doon sa girlfriend mo? She’s not your type, right? Manang `yon, eh. Nakakahiya pa kasama in public dahil para kang may kasamang katulong. So, why the hell did you make her your girlfriend? Pustahan ba `to with your friends?”

Ngumisi ang babae sa akin habang nakasandal siya sa fridge. Gusto ko na sanang magsalita pero parang umurong ang dila ko. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Kabado ako sa maaaring maging sagot ni Brixx.

“It isn’t not like that!” tugon ni Brixx. Huminto ang pagbasak ng tubig mula sa banyo. “Wala rin kaming pustahan ng friends ko. Wala silang kinalaman dito!”

Ngingiti na sana ako sa naging sagot ni Brixx nang bigla siyang nagsalita uli ng…

“But I’m not that serious about her either!” dugtong ni Brixx. “Charry’s smart. She’s good with school works. So, I need her for me to pass. Siya ang gumagawa ng mga papers ko,” he said then laughed. “Ang tanga lang niya dahil naniwala siya sa mga sinasabi ko.” Bahagyang natahimik si Brixx “Yeah. She’s so stupid for believing an asshole like me.”

Parang nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Brixx. Nagmistulang mga karayom iyon na tumusok sa puso ko isa-isa.

Ang tanga lang niya dahil naniwala siya sa mga sinasabi ko.

Lalong lumaki ang ngisi ng babae habang nakatingin sa akin. Napailing-iling pa siya na parang ang ibig niyang sabihin masyado akong kawawa. Todo pigil ako sa sarili ko na lumuha, kahit na gustong-gusto ko nang humagulhol. Ayokong umiyak dito sa condo ni Brixx. Gusto ko munang makaalis.

Tumayo na ako at aalis na sana nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Brixx. Halatang gulat na gulat siya nang makita ako. Puting tuwalya lang ang nakatapis sa balakang niya.

“C-Charry?” bakas sa boses ni Brixx ang pagkagulat. Para siyang nakakita ng multo.

Lalapit sana siya sa akin pero napahinto siya nang magsalita ako. “T-totoo ba ang lahat ng sinabi mo, Brixx?” Nanginginig ang boses ko dahil gustong-gusto ko na talagang umiyak sa harap ni Brixx. “Totoo bang hindi ka seryoso sa akin?”

Napatitig sa akin si Brixx. Saka siya dahan-dahan napatango at nag-iwas ng tingin. “Yes,” he said. His answer brought pain in my heart. “That’s true. I’m… I’m so sorry.”

He admitted it and he was saying sorry. I was too pathetic. I was too stupid.

Tumingin ako sa mga mata ni Brixx. Mukhang naaawa siya sa akin. Lalo tuloy akong nasaktan dahil doon. Dahan-dahan akong napailing. Kinakalma ko muna ang sarili ko bago sumagot.

“Don’t be sorry, Brixx,” mahina kong sabi sa kanya. Dahan-dahan nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan na lumabas. “Actually, tama ka nga, eh. Tama ka na ang tanga-tanga ko. Ang tanga ko kasi naniwala ako sa `yo. Ang tanga ko para isipin na totoo ang nararamdaman mo sa akin. Ang tanga-tanga ko para maniwala na magkakagusto ka rin sa tulad ko. Ang tanga-tanga ko para isipin na puwede ko rin palang maranasan ang mga nasa libro. Iyong pumapatol ang kagaya mo sa mga kagaya ko.”

Nanginginig ang boses ko nang mapatawa ako. Lalo lang kumirot ang puso ko nang pinilit ko ang sarili ko na tumawa. Patuloy lang dumadaloy ang mga luha ko. Mga luhang nang dahil kay Brixx.

Nakatingin lang si Brixx sa akin. Pinapakinggan ang bawat sinasabi ko.

“Ang tanga-tanga ko para isipin na seryoso ka sa akin. Na totoo ang bawat masasaya nating pinagsamahan sa loob ng dalawang buwan. Ang tanga-tanga ko para ipaglaban ka sa mga kaibigan ko. Ang tanga-tanga ko na ipagtulakan sila palayo dahil sa mga sinasabi nila against sa `yo. Ang tanga-tanga ko, `no? Alam mo? Alam ko namang ginagamit mo lang ako, eh. Mas pinili ko lang magpakatanga. Mas pinili ko lang maniwala sa ilusyon ko. Masakit... masakit pa rin pala kapag narinig ko mula sa `yo `yon. Masakit, Brixx.”

Lumapit ako sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang ipinakita ko sa kanya ang box ng cake na dala ko. Napatingin si Brixx sa box at nag-angat uli ng tingin sa akin.

“Wala pa lang kuwenta `tong cake na dala ko.” Ngumiti ako habang umiiyak. “Pero okay lang talaga, Brixx. Okay lang. Masakit pero okay lang. Kasalanan ko naman `to, eh. Kasalanan ko na naniwala ako sa `yo.”

Inilapag ko muna ang cake sa mesa bago pinunasan ang mga luha kong walang tigil lumabas.

“Happy 2 nd monthsary… sana, Brixx,” sabi ko at saka ngumiti. “Good-bye.”

Tumalikod ako at naglakad na palabas ng condo ni Brixx. Hindi niya ako pinigilan o ano man. Mas pinili niyang umalis ako. Ibig sabihin, para sa kanya, wala lang ang two months na relasyon namin. Ibig sabihin, wala lang talaga ako para sa kanya. Na totoo talaga lahat ng sinabi niya.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng bus, biglang umulan nang malakas. Habang nagtatakbuhan ang mga taong nakakasalubong ko para makahanap ng masisilungan, heto ako, naglalakad at hindi iniinda ang malakas na ulan. Para akong tanga na umiiyak. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao.

Ang sakit-sakit lang talaga ng pakiramdam ko ngayon. Ito na siguro ang sinasabi nilang heartbreak. Sobrang sakit pala. Iyong tipong sa bawat hakbang mo parang nababasag ang puso mo.

Ang tanga lang niya dahil naniwala siya sa mga sinasabi ko.

Ang tanga-tanga ko lang talaga.

Kasi kahit ganoon ang nangyari at sinabi ni Brixx na hindi siya seryoso sa akin at ginagamit lang niya ako, umaasa pa rin ako na hahabulin niya ako ngayon na may dala-dalang payong at magso-sorry.

Ang tanga-tanga ko talaga.

Ang tanga-tanga ko dahil sobra ko siyang minahal sa dalawang buwan naming magkarelasyon kaya sobra akong nasasaktan ngayon. Ang tanga-tanga mo talaga, Charry. Ang tanga mo!

Why the hell did you end up stupidly in love with the likes of him?

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings