Shun Kim (Possessive Series 8) - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

IT WAS a chilly night outside Club Red. Nanginginig ang katawan ni Themarie habang nag-aabang ng taxi na masasakyan pauwi sa inuupahang maliit na apartment. Hindi siya mapakali habang nakatayo sa labas ng club dahil sa mga lalaking dumaraan at hinahagod siya ng tingin na puno ng pagnanasa.

Ilang linggo na siyang nagtatrabaho sa club kaya dapat masanay na siya. Pero hindi siya masanay-sanay sa titig na ibinibigay ng mga lalaking nakakakita sa kanya. Sa trabaho na mayroon siya, dapat malakas ang sikmura niya sa ganoong klaseng tingin.

“Hey, beautiful.” A guy purred over her ear. “How much for the night?”

Hindi natinag si Themarie sa tanong ng lalaki. Lagi na niya iyong naririnig.

Kalmado siyang humarap sa lalaki. “Magkano ako?” ulit niya sa tanong nito saka ngumiti. “Huwag mo nang itanong. Nasisiguro kong hindi mo kaya ang halaga ko.” Malakas niyang tinuhod ang pagkalalaki nito sabay sakay sa taxi na kapaparada lang sa harap niya.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Themarie habang nakatingin sa lalaking namimilipit sa sakit sa labas ng Club Red. Akala siguro nito, isa siyang bayarang babae. Puwes, nagkakamali ito. Kung nasa loob siya ng club, sasakyan niya ang kababuyan ng lalaki, pero nasa labas na siya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga nang makarating ang taxi na sinasakyan sa labas ng maliit niyang apartment. Pagkatapos magbayad, agad siyang pumasok para makapagpahinga. Bukas, trabaho ulit.

Pero kahit nakahiga na si Themarie sa kama, hindi naman siya makatulog. Nakatitig lang siya sa kisame habang tumatakbo ang isip sa nangyari ngayong araw sa club. Nakakapagod ang trabaho, pero kailangan niya iyong gawin.

Kaya naman pilit niyang ipinikit ang mga mata para mayroon siyang lakas para bukas. At salamat sa Diyos, pagkalipas ng ilang minuto, nakatulog na rin siya.

Nang magising kinabukasan, wala nang araw tulad ng nakasanayan ni Themarie simula nang magtrabaho siya sa Club Red. Magmamadaling-araw na kasi kung umuwi siya kaya hapon na rin o kaya pagabi na siya nagigising.

Bumangon siya at mabilis na nagbihis saka nagpunta sa Club Red. Iyon ang routine niya araw-araw. Trabaho at apartment. Wala siyang mga kaibigan na makakausap. Alam niyang abala rin ang mga ito sa kanya-kanyang misyon.

Pagkapasok ni Themarie sa Club Red, buhay na buhay na ang buong lugar. Ang daming matatandang lalaki na nandoon at naghahanap ng batang babaeng maite-table. Marami ding mga bayarang babae ang nandoon at naghahanap ng masisilong 4M—Matandang Mayamang Madaling Mamatay.

Inilagay niya ang bag sa locker room. Doon na rin siya nagbihis. Tinamad na siyang pumasok sa banyo. Wala namang tao sa loob.

Hinubad ni Themarie ang puting blouse na suot saka pinalitan ng halter top na uniform ng club. Ibababa na sana niya ang denim jeans nang may nagsalitang baritonong boses mula sa kanan niya.

“I wouldn’t do that if I were you.”

Mabilis niyang tiningnan ang nagsalita at binigyan ito ng nakamamatay na tingin nang makitang nakatingin ito sa dibdib niya. Parang tuwang-tuwa ito sa nakikita. Mabuti na lang at hindi niya hinubad ang bra niya kanina.

Nilabanan ni Themarie ang kagustuhang takpan ang pang-itaas niya sa harap ng lalaki na hindi niya napigilang pagmasdan nang mabuti.

Matangkad ito at matipuno ang pangangatawan. Parang gusto niyang itaas ang suot nitong itim na shirt para siguruhing may abs nga ito sa loob niyon. He was certainly handsome. Square jaw, pointed nose, slightly-tanned skin, chinky eyes behind those nerd glasses he was wearing that held amusement as he looked at her. And, oh, those natural sexy red lips that was now stimulating and arousing her desires for this stranger.

Halos lahat ng lalaki sa club, handa siyang bayaran para lang sa halik niya, pero ang lalaking ito kahit libre, ayos lang sa kanya. Though the baseball cap he was wearing had to go, it made him look like a nerdy college student. Maybe he was? Though he looked a little old to be one.

“Sino ka?” tanong niya nang makabawi sa pagkakatitig sa guwapo nitong mukha. “Nasa girls locker room ka, baka hindi mo alam.”

“I’m the new bartender.” Tumaas ang kilay niya nang mag-English ito. “Nakigamit ako ng banyo. Sira sa panlalaki, eh.”

“Ah, okay. Umalis ka na,” sabi niya sa walang emosyong boses. “Magpapalit ako ng damit.”

Naglakad palapit kay Themarie ang singkit na lalaki. Sa hindi malamang dahilan, napaatras siya lalo na nang maamoy ang mabango nitong panlalaking pabago na nanuot sa ilong niya nang makalapit sa kanya. Parang may kung anong naging reaksiyon ang puso niya nang ngumiti ito habang nakatayo sa harap niya.

“Umalis ka na,” sabi niya sa matigas na boses para itago ang kabang nararamdaman nang mga sandaling iyon. “Magbibihis pa ako.”

Pero hindi ito nakinig sa kanya, sa halip, inilahad nito ang kamay at nagpakilala. “I’m Hellion.”

Tumaas ang kilay niya. “Hellion?” ulit niya sa pangalan nito saka napangiti. “Para kang isang demonyitong bata para pangalanan ng ganoon ng mga magulang mo.”

Natigilan ito at sabay na tumaas ang dalawang kilay. “What?”

“Hellion means a person or a child who behaves badly. Hindi mo ba alam `yon?”

A half-smile and half-smirk appeared on his sexy lips. “I see. Paano mo nalaman `yon?”

“Kasi marunong akong magbasa,” sarkastiko niyang sagot.

“What’s your name?” he asked.

Bumuntong-hininga si Themarie. “Ang pangalan ko ay para sa mga may pera at gusto ko.”

Rule 101 in the club, always play hard to get.

Nilampasan niya ang lalaki saka naglakad papunta sa banyo. Doon na lang siya magbibihis. Parang walang balak lumabas si Singkit.

NAPAILING-ILING si Shun sa isinagot ng babaeng waitress. Alam niyang lahat ng waitress sa club ni X, may mga sideline. Mga extra income. Ayos lang iyon kay X. Hindi naman daw nito ibinebenta ang mga babae. Gusto rin ng mga ito ang ginagawa.

Napailing siya saka napatingin sa nakasarang pinto ng banyo na pinasukan ng babae.

Shun was sure that stunning gorgeous woman was not an exemption to that. Everybody needed money. It was vital for everyone.

He tsked. “May pera naman ako,” bulong niya saka natigilan.

He needed the all the money he could get. Kaya hindi niya alam kung bakit naisip niyang maglabas ng pera para lang magpakilala sa kanya ang babaeng iyon.

Napailing na umalis siya sa locker room ng mga babae at nagpunta sa likod ng bar saka inihanda ang sarili na maging isang bartender ngayong gabi.

Lumipas ang ilang sandali, abala na siya sa pagmi-mix ng mga inumin na order sa kanya. Good thing, Shun studied bartending for six months. He needed to be inconspicuous so he could do his job properly and quietly. The reason why he was here in the first place.

Kinailangan niyang magsuot ng wig na iba ang kulay sa buhok niya. Nagsuot siya ng nerdy glasses at baseball cap para kahit paano, maitago ang tunay niyang katauhan habang nagtatrabaho roon.

Shun was making a Bloody Mary when someone caught his attention. It was the beautiful woman earlier in the girls’ locker room. Nagse-serve ito ng mga alak sa customer. Kahit may ngiti sa mga labi, nakikita niyang asiwang-asiwa ang babae sa malalagkit na tingin ng mga lalaki sa paligid nito.

The woman really was a beauty. Iyong gandang masarap pagmasdan. Habang tumatagal, paganda ito nang paganda.

Bumaba ang mga mata niya sa mayayaman nitong dibdib.

Hmm… They look real to me.

Lalo naman ang umbok na pang-upo nito na nakakaakit pagmasdan. Umuuga iyon kapag naglalakad ito. What an asset! She looked delicious from head to toe.

Itinukod ni Shun ang siko sa bar at pinakatitigang mabuti ang babae. Pilit niyang iniisip kung bakit ito ganoon umakto. Kung ayaw ng babae sa trabahong waitress, eh, di maghanap ng iba. Mahirap ba iyon dito?

“Bartender, nasaan na ang Bloody Mary na order ko?”

Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan dahil sa tanong na iyon.

“Fuck!” Shun hissed and then quickly returned to making bloody mary. “Sorry, Madam. Na-busy lang.”

“Na-busy sa katitingin sa waitress na `yon,” sabi ng babae na nag-order ng Bloody Mary.

Nagtagis ang bagang niya, pero nagawa pa ring ngumiti. Pera din iyon, sayang naman. Tatanggalin siya ni X kapag ginawa niya iyon, sigurado siya.

Kailangan niyang magtiis. Nandito siya para sa trabaho at para na rin sa tips. Yes, the tips. Iyon na lang ang iisipin niya para pakalmahin ang sarili.

Umaayos ang pakiramdam ni Shun tuwing may tip na natatanggap. Kahit isandaan lang iyon, ayos na. Naniniwala siyang hindi mabubuo ang isanlibo kung walang isandaan.

Keep coming, tips. Papa Shun needs you.

Halos ilang oras din ang lumipas. Dumalang din sa wakas ang nag-o-order ng alak sa bar. Maybe because they were now all drunk and vomiting in the restroom or maybe because they were all dancing wildly on the dance floor.

Malakas na paglapag ng tray sa bar ang gumising sa nagliliwaliw niyang diwa.

“Nakakapagod naman `to,” sabi ng babaeng boses.

Shun looked up and saw the stunning waitress from earlier.

“Here.” Awtomatikong inilapag niya ang isang shot ng Tequila sa harap nito. “Inumin mo.”

Inirapan siya nito. “Cash ang kailangan ko, hindi alak.”

Napakadali sa kanya na kunin ang pitaka sa bulsa ng pantalon at kumuha ng limang libo. “Here. Cash. Okay ka na ba? Nah, you still look stressed.”

Saka lang niya na-realize ang ginawa nang makitang hawak na ng magandang waitress ang pera niya.

Fuck! My money! Para `yon sa charity! Hell! Shit! Son of a fucking bi—

“Ano naman ang kabayaran nito?” tanong ng babae habang nakatingin sa mga mata niya. Nakataas ang isang kilay nito. “Kiss? Hug? Blowjob? Sex?”

His mind went blank. Napakurap-kurap si Shun at may sariling isip ang bibig na sumagot. “Kiss?”

“Kiss?” Mahinang natawa ang babae. “Five thousand para sa isang halik? You sure?”

Parang may sariling isip ulit ang ulo niya na tumango habang nakatitig sa mga labi ng waitress. “Sure.”

She smiled. “Cool.”

Pumasok ang babae sa loob ng bar at walang sabi-sabing binigyan siya ng mainit na halik sa mga labi. At dahil nakaawang ang mga labi niya, ipinasok ng babae ang dila nito sa loob dahilan para may kumawalang kaunting daing sa mga labi niya. And when she started sucking his tongue and licking his lips, Shun knew he groaned with pleasure.

That was the first time that a woman caught him off guard. That was the first time that a woman kissed him and he just stood there—didn’t even respond— like a lunatic that he was.

NAGBIBIRO lang si Themarie nang sabihin niyang cash ang kailangan niya. Naiinis lang siya sa customer na panay ang tanong kung magkano ang gabi niya. Kung hindi lang niya kailangang magtrabaho, hinding-hindi na siya babalik sa club na iyon.

Themarie didn’t mean to kiss Mr. Downright Hot and Gorgeous Chinito, it just happened. Parang wala siyang control sa sariling katawan. Basta na lang siya sumugod nang sabihin nitong halik ang gusto nitong kapalit sa limang libo.

Mainit pa sa kamay niya ang limang libo ni Hellion at mainit din ang mga labi niya na umangkin sa mga labi nito. She was right, his lips really were delicious.

Themarie withdrew from the kiss and chuckled. Natawa siya sa reaksiyon ni Hellion. Namimilog din pala sa gulat ang mga singkit?

“Sapat na ba `yon sa five thousand mo?” tanong niya habang nakangiti.

Napakurap-kurap ito at parang nakabawi na sa pagkabigla dahil may kislap na ng pagnanasa ang mga mata nito habang nakatitig sa mga labi niya.

“Was that enough?” ulit nito sa tanong niya saka umiling. “Hell no.”

“Kung ganoon…” Ibinalik niya ang three thousand dito. “Hayan, two thousand na lang ang sa akin. Para hindi ka naman dehado sa pera mo.”

Napatitig si Hellion sa tatlong libong ibinalik niya saka nagtatanong na tumingin sa kanya. “Should I say thank you for giving back my money?”

She tsked. “Here.” Ibinalik niya pati dalawang libong natira sa kanya. “Libre na lang ang halik ko. On second thought…”

Kinuha niya ang isanlibo. “Pang-agahan ko pala bukas at pamasahe. Salamat, hell boy.”

Nagsalubong ang mga kilay nito, hindi maipinta ang mukha. “H-hell boy?”

“Yes.” Themarie grinned slyly. “Hell short for Hellion. At boy dahil nasisiguro kong demonyitong bata ka noong maliit ka pa ayon na rin sa pangalan mo.” Kinindatan niya ito saka bumalik sa pagdadala ng mga inumin sa mga customer nila na ngayon ay may mga tama na ng alak. Mas nakakatakot ang mga customer nila kapag ganito na. Kaya naman ingat na ingat siyang hindi mahipuan dahil baka may mapatay siya kung sakali.

SHUN just stood there, unmoving, as the woman’s words sank into his brain. Hell boy? Like the movie Hell Boy with red skin and big ass horns?

The fuck!

He glared at the woman’s retreating back. “I don’t have a red skin and horns!” pahabol niyang sigaw sa waitress na may masarap na mga labi.

Napabuntong-hininga na lang si Shun nang hindi na siya nito nilingon, kaya naman bumalik na siya sa paghahalo ng inumin. Paminsan-minsan, hinahanap ng mga mata niya ang magandang waitress na ayaw maalis sa isip niya, lalo na ang paghalik nito sa kanya. Paulit-ulit iyong nagre-replay sa isip niya dahilan para sumikip ang unahan ng kanyang pantalon. He was getting hard every time he replayed her kiss on his mind.

Fuck!

Ano ba ang nangyayari sa akin? She’s just a woman and I just let her! I have to focus on my job… The reason why I’m in this club!

Humugot siya ng malalim na hininga saka pinakalma ang sarili.

“One scotch on the rocks, hell boy.”

Napaigtad si Shun at nabitawan ang hawak na Tequila bottle sa gulat. Napakunot ang noo niya saka tumingin sa nabasag na bote.

Son of a fucking bitch!

What the fuck is happening to me?

He looked at the woman and snapped. “What?” iritado niyang tanong.

Kinunutan siya nito ng noo bago napailing-iling. “Doon na nga lang ako sa bar ni Giana. Parang bad mood ka.” Tinalikuran siya nito at nakakadalawang hakbang pa lang nang humarap uli sa kanya. “Siya nga pala, hell boy, my name is Them.” Kinindatan siya nito. “Nice to meet you.”

In that moment, his irritation disappeared. Nagsalubong ang mga kilay niya. Nakaramdam ng takot sa sarili.

Ano’ng nangyayari sa akin? This is not me!

Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa at tinawagan si Ymar.

“Siguruhin mo lang na importante `to, Shun, kung hindi itatapon ko ulit ang cell phone mo kapag nagkita tayo,” iritadong sagot ni Ymar sa tawag niya.

Kinalimutan niya ang inis dito dahil sa pagtapon sa cell phone niya noong nakaraang araw.

“Ymar, magpapa-checkup ako. Parang may virus na nakapasok sa katawan ko. I’m doing something and feeling something I don’t usually do or have. It’s like I’m an alien in my own body. Fuck this! I need an appointment. Pronto.”

Ymar grunted. “Oo na. Bukas kita ipapa-checkup kay Czarina. Magiging doktor naman siya ng mga baliw na katulad mo. She’ll do.”

“Thanks— wait, what? Hindi ako baliw!”

“Says who?”

Iritadong pinatay niya ang tawag. Fuck! Walang kuwentang kaibigan.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings