Recursion - Free To Read

passion

My Passion

Library
search
en

EN

user
Recursion - Free To Read

Suspense thriller

Recursion - Free To Read

Cruzate Maria Ana

book icon
Reads

17K

view iconLikes

9K

Description

Junica is a famous horror writer. But since an accident happened she has struggled to return to writing. She can’t think of new plots or ideas for her new novel. Almost every day she receives messages and requests from her readers, her editor is also trying to convince her to submit a new manuscript. But every time she opens the laptop her imagination no longer works as well as her fingers. She feels she has completely lost the only thing she could do to live happily. To write and intimidate. Until she decides to take a vacation somewhere away from her family. New place. New people. New story. But will she be able to write a horror novel? Or will she be able to bring to real life the horrors she used to write about? Especially when she finds out that the place she has chosen is a stronghold of the insane.

51 Chapters

1

Prologue

Feb 9, 2022

Iminulat ko ang mga mata ko pero puro kadiliman lang din ang sumalubong sa paningin ko. Nakapiring pala ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kirot sa may ulo ko nang simulan kong alalahanin ang nangyari.

Siguro ay nasa San Pedrino pa rin ako. Pero kung saang parte, ‘yon ang hindi ako sigurado. Ang natatandaan ko lang, naglalakad na ako pauwi ng apartment na inupahan ko para sa maikli kong bakasyon, at naramdaman ko na may mga yabag na sumusunod sa akin. Nang subukan kong lingunin kung sino ‘yon, bigla nang nagdilim ang lahat.

Nasaan ako?!’ Gusto ko sanang isigaw pero hindi ko nagawa. Do’n ko lang napagtantong may malaki palang busal ang bibig ko na naglalaway na. Tuluyan na akong nilamon ng takot nang maramdaman kong mahigpit na nakatali ang katawan at mga binti ko sa kinauupuan ko. Ang mga kamay ko ay nasa harapan ko at naigagalaw pero hindi ang mga braso ko na may mahigpit ring mga tali.

Pilit akong kumilos at nagbabakasakali na makalas ang mga lubid sa katawan ko. Hanggang sa tuluyan na ngang matumba ang kinatatalian kong upuan. Medyo lumuwag ang piring sa mga mata ko pero hindi ang mga lubid sa katawan ko.

Muli akong kumilos at pilit na kumakawala.

Napalunok ako ng laway at huminto sa ginagawa ko nang makarinig ng mga yabag na papalapit kung saan ako naroroon.

‘Tulong!!! Tulungan ninyo ako!!!’ Mga salitang pilit isinisigaw ng nakabusal kong bibig.

Papalapit nang papalapit ang mga yabag kasunod ng mga halakhakan ng mga nagmamay-ari nito. Laumangitngit ang pinto na tila ba kaytagal nang hindi nabubuksan.

“Oh?! Bakit buhay pa ‘yan?” boses ng isang lalaki.

“Gusto ko kasi ‘yung mainit-init pa ang dugo,” boses ng isang babae.

“Basta po, sa akin ‘yung nunal na malapit sa labi niya ah. Buhay na buhay eh,” boses ng isang mas batang babae na sinundan ng paghagikhik.

Binalot ng mas matinding takot ang buong katawan ko dahil sa pag-uusap nilang iyon.

Sila… Sila ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito ngayon, nakabusal ang bibig at nakatali ng mahigpit!

Lumapit ang mga yabag sa akin at iniayos ng tayo ang kinatatalian kong upuan. Dahil sa pagluwag ng piring ko ay bahagya kong nakita sa ilalim ng mukha ko ang mga nakasapataos ng taong bumihag sa akin.

‘Pakawalan ninyo ako dito! Pakawalan ninyo ako!’ pilit kong sinisigaw habang muling nagpupumiglas.

“Mukhang mahina ang pagkakahataw mo sa ulo nito,” natatawang sabi ng lalaki.

“Sinadya ko nga kasi ‘yun para makita natin kung paano siya mangisay mamaya,” natatawang sagot ng babae.

Nangatal ang mga labi ko pati na ang buong katawan ko. ‘Mamatay na ba ako?’

“Simulan na natin ‘to bago pa mag-umaga,” anang lalaki.

“Sandali lang, may hinihintay pa tayo,” pigil ng babae.

“And’yan na po pala siya…” natutuwang sabi ng mas batang babae kasunod ang mga yabag na narinig ko papalapit sa akin.

Itiningala ko ang ulo ko at tumingin pailalim ng maluwag kong piring upang masilip kung sino o ano ang tinutukoy nila na dumating. Isang pares ng kulubot na mga paa ang naglakad palapit sa akin.

Kasunod kong naramdaman ang paghaplos ng magaspang na mga palad sa braso ko patungo sa kamay ko.

“Simulan na po natin. Gusto ko na pong kunin ang buhay na nunal niya!” Naiinip na sabi ng mas batang babae.

Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ng kung sino man ang nagmamay-ari ng kulubot na mga paa at magaspang na mga palad na nasa harapan ko.

“Napakagandang mga kamay….” Halos pabulong na saad ng isang boses ng matandang babae kasunod ang malakas pagtaga sa dalawang kamay ko na nasa harapan ko.

“Ahhhh!!!” Hindi ko man nakikita ay ramdam kong sumirit ang malapot na dugo mula sa naputol kong mga kamay. Malalim ang paghinga ko. Mabilis na mabilis! Lalo na nang palibutan na nila akong lahat.

May humawak sa braso ko, may malakas na tumaga sa binti ko at sa marahas na pagsabunot sa buhok ko ay tuluyan nang natanggal ang piring ko.

Nanlalaki ang mga mata ko nang itinaas ko ang duguan kong mga braso na wala ng mga tali ngunit wala na ring mga kamay!

Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong nakapalibot sa akin.

Yakap-yakap ng isang matandang babae ang duguan at putol kong mga kamay na para bang kinakantahan pa, ang isang babae ay may hawak na malaking kaserolang tila handang sumalok sa dugo ko, ang lalaki ay may malaki at matalim na butcher knife sa kamay habang mas lalo namang humigpit ang pagkakasabunot ng isang babae sa buhok. Lalo akong nahindik nang salubungin ko ang mga tingin niya. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata at naglalaway ang bibig. Gutom na gutom at sabik na sabik.

Nagsimula akong pilit na kumawala. Umiyak. Sumigaw. Habang lahat sila ay malakas na nagtatawanan. Nanlalaki ang mga mata at sabik na sabik na nakatingin sa akin.

Baliw.

Baliw ang mga itong ito na anumang oras ay handa na akong patayin.

Tama ako…

MAMAMATAY NA NGA AKO.

2

Chapter 1

Feb 9, 2022

3

Chapter 2

Feb 9, 2022

4

Chapter 3

Apr 9, 2022

5

Chapter 4

Apr 9, 2022

6

Chapter 5

Apr 8, 2022

7

Chapter 6

Feb 4, 2022

locked

8

Chapter 7

Feb 4, 2022

locked

9

Chapter 8

Feb 4, 2022

locked

10

Chapter 9

Feb 4, 2022

locked

11

Chapter 10

Feb 4, 2022

locked

12

Chapter 11

Feb 4, 2022

locked

13

Chapter 12

Feb 4, 2022

locked

14

Chapter 13

Feb 4, 2022

locked

15

Chapter 14

Feb 4, 2022

locked

16

Chapter 15

Apr 8, 2022

locked

17

Chapter 16

Feb 4, 2022

locked

18

Chapter 17

Feb 9, 2022

locked

19

Chapter 18

Feb 9, 2022

locked

20

Chapter 19

Apr 9, 2022

locked

21

Chapter 20

Apr 9, 2022

locked

22

Chapter 21

Feb 4, 2022

locked

23

Chapter 22

Apr 9, 2022

locked

24

Chapter 23

Apr 9, 2022

locked

25

Chapter 24

Feb 4, 2022

locked

26

Chapter 25

Feb 4, 2022

locked

27

Chapter 26

Apr 9, 2022

locked

28

Chapter 27

Feb 4, 2022

locked

29

Chapter 28

Feb 4, 2022

locked

30

Chapter 29

Feb 4, 2022

locked

31

Chapter 30

Feb 4, 2022

locked

32

Chapter 31

Feb 4, 2022

locked

33

Chapter 32

Apr 9, 2022

locked

34

Chapter 33

Feb 4, 2022

locked

35

Chapter 34

Feb 4, 2022

locked

36

Chapter 35

Apr 9, 2022

locked

37

Chapter 36

Feb 4, 2022

locked

38

Chapter 37

Feb 4, 2022

locked

39

Chapter 38

Feb 4, 2022

locked

40

Chapter 39

Feb 4, 2022

locked

41

Chapter 40

Feb 4, 2022

locked

42

Chapter 41

Feb 4, 2022

locked

43

Chapter 42

Feb 4, 2022

locked

44

Chapter 43

Feb 4, 2022

locked

45

Chapter 44

Apr 9, 2022

locked

46

Chapter 45

Feb 4, 2022

locked

47

Chapter 46

Feb 4, 2022

locked

48

Chapter 47

Apr 9, 2022

locked

49

Chapter 48

Apr 8, 2022

locked

50

Chapter 49

Apr 8, 2022

locked

51

Chapter 50

Feb 9, 2022

locked