Prologue
Prologue
“D ON’T get too far, Father... Panther Walks!” pahabol na sigaw ni Catherine sa ama at sa onse anyos na panganay na lalaki na magkahawak-kamay na namamaybay sa tabing-ilog. “We’ll have lunch any minute now.”
“Don’t worry about us, Catherine. We won’t be long,” wika ng matandang Shawnee.
Kinawayan ni Panther Walks ang ina at nagpatuloy sa pamamaybay sa tabi ng mabatong ilog hawak ang kamay ng abuelo.
Si Catherine ay isang half-breed. Ang ama nito’y purong Shawnee at ang ina ay isang American at may isang taon nang namayapa. She was in her early thirties when she married Jericho Worth, isang American at isang mahusay na chemist and whose grandmother was a Filipina.
Bagaman isang edukadang half-Shawnee Indian at guro sa paaralang nasa isang Indian Reservation, binigyan ni Catherine ng Shawnee identity ang dalawang anak sa kagustuhan na rin ng ama nito. Gayunman, her two children were baptized with Christian names. Aidan was nearly twelve at si Caroline, na ipinanganak sa panahong hindi na iniisip ng mag-asawa na masusundan pa si Aidan dahil tumuntong na ng treinta y nueve si Catherine nang maglihi, ay anim na taong gulang.
Ang asawa nitong si Jericho Worth at ang kapatid nitong lalaki, si David Worth, ay sa Kentucky na ipinanganak, lumaki at nag-aral. Nakarating sa Pilipinas ang magkapatid na Worth noong kabataan ng mga ito. Subalit nang mamatay ang kaisa-isang kamag-anak ng kanilang lola sa Pilipinas ay hindi na rin dumalaw pang muli sa Pilipinas ang matandang babae hanggang sa ito ay mamatay. Nang hapong iyon, ang buong pamilya ng magkapatid na Jericho at David Worth, kasama ang mga magulang, ay nasa isang bahagi ng gubat kung saan pana-panahon ay siyang camping and picnic place ng pamilya.
It was an ideal picnic place. Mataas ang mga punong-kahoy na lumililim sa lugar at ang mga damo’y hindi gaanong matataas. Ang ilog ay malinaw at hindi malalim. Sa patag na bahagi ng lugar ay ang camping van ng dalawang pamilya na nasa ilalim ng malalaking oak trees.
“Lunch time, honey!” sigaw ni Jericho sa asawang si Catherine. “Aidan, Father, come back!”
“We won’t be long, Dad!” sigaw ng batang lalaki at nagpatuloy sa pamamaybay sa tabi ng mabatong ilog kasama ng lolo. Tossing stones to the water every now and then.
“Where exactly are we going, Grandpa?” tanong ng batang Aidan sa nuno. Ang matandang lalaki, sa kabila ng nagkaasawa ng puti at nakaranas ng makabagong pamumuhay ay nanatiling mahaba ang buhok na nakatirintas.
“Wala lang, Panther Walks,” sagot nito na sinabayan ng kibit ng mga balikat. Nasa mid-seventies ang matanda subalit matipuno ang pangangatawan, kumikintab ang mapulang balat sa sinag ng araw.
Mula sa paglalakad sa batuhan ay gumawi ang matandang lalaki sa may damuhan patungo sa may bahaging mataas ang lupa.
“Isa pa’y gusto kong maglakad-lakad,” wika nito sa salitang English. Niyuko ang apo. “Gusto ko ring ipakita sa iyo ang bahaging ito ng gubat. Hindi ka pa nakarating sa lugar na ito, hindi ba?”
“Yes, Grandpa,” sagot ni Panther Walks, kumapit sa braso ng matandang lalaki at nagpahatak paitaas hanggang sa makarating ang maglolo sa itaas ng burol.
Mula roon ay natanaw ni Panther Walks ang malawak na kagubatan at ang palikong ilog. Napakatahimik ng buong kapaligiran. The only sound to disturb the silence was of wind rustling through the leaves of the great oak trees. Ganoon din ang gumigiik na ingay ng mga sanga ng kahoy. Ang lagaslas ng tubig sa ilog ay napakabanayad na kung pakikinggan ay tila musika.
Tanaw mula sa bahaging iyon ang rough road kung saan sila nagdaan kaninang patungo sila sa camping site.
“Do you know why your mother loves this place, Panther Walks?” tanong ng matandang lalaki na naupo sa damuhan, kung paanong nauupo ang isang Indian.
Sumunod ang bata sa pag-upo sa damo sa katulad na paraan at kasabay ng pag-iling. “We all love this place, Gramps.”
Tulad sa isang cobweb ang pagkulubot ng balat sa sulok ng mga mata ng matandang lalaki nang ngumiti.
“She hasn’t told you, has she? Why, your mother was born in this place, Panther Walks...”
“Here?” Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ng batang lalaki. “You mean here as in here?”
Lumapad ang ngiti ng matandang Indian. “Yap. But not in this site exactly. Doon sa mismong ilalim ng malaking puno ng oak na malapit sa pinagparadahan ng daddy mo ng camping van.”
Lalong namilog at kumislap ang mga mata ng batang lalaki sa excitement at curiosity. “That’s neat, Gramps! How?”
“Your grandmother and I first met in this place. She was seventeen.” Kumislap ang mga mata ng matandang lalaki sa alaalang iyon. “Miles from here, sa pinagmulan ng ilog na iyan...” Inginuso nito ang ilog sa ibaba at patungo sa dakong pinagmulan nila. “Upriver, nagka-camping ang pamilya niya. Binaybay niya ang ilog at bago pa niya mamalayan napalayo na siya. Two young men from my camp found her. Isinakay siya sa kabayo upang dalhin sa kampo. Noon, kung sino ang unang nakakita sa kanya’y siya niyang magiging asawa sa ayaw niya at sa gusto.”
“Gee, like in the movies!” Napukaw nang husto ang interes ng bata.
Nakangiting niyuko ng matanda ang apo. “Really.” Pagkuwa’y itinuro ng matandang lalaki ang walang hanggang berdeng kagubatan. “I wish I could one day take you there, Panther Walks. Remnants of what had been our camp still stands though no one was there now. Sa ibayo ng makapal na gubat na iyan ay ang aming kampo, where I was born and lived half of my life.”
Nagpakawala ng malalim na paghinga ang matandang lalaki. Matagal nang panahong wala iyon. Pagkatapos ng maraming dugong dumanak sa pagitan ng digmaan ng mga puti at pula ay halos lahat ng mga katribu nito ay nasa reservation site na.
May bahagi nito ang nagpapasalamat dahil nagkaroon ng edukasyon ang mga katribu nito na minana ng henerasyon na kinabibilangan ng anak. Gayunma’y may malaking bahagi rin nito ang nalulungkot.
He loved this land... the forests... the rivers and the rocky mountains.
Subalit may mga bagay na hindi nito kayang pigilan, tulad ng pagkawala ng kanilang kampo upang manirahan sa reservation site. Tulad ng tuluyang pagkawala ng mga bagay-bagay na nakaugalian na nilang gawin mula nang walang pasimula. Unti-unting nahalinhan iyon ng mga kaugalian ng mga puti.
“What happened, Grandpa?” the boy asked impatiently.
Itinuro nito ang ilog sa ibaba. “Tatawid sila ng ilog patungo sa kampo. Kasalukuyan kong itinatali ang aking kabayo sa puno upang mamingwit nang makita ko ang mga kasamahan ko at ang lola mo na sumisigaw at nagpupumiglas. They stopped on their tracks when they saw me. Anak ako ng pinuno ng tribo at iginagalang.
“Pinakiusapan ko ang mga kasamahan kong pakawalan siya. Your grandmother was shrieking in fear and anger... yet she was so lovely...” Napangiti ang matanda sa alaalang iyon. “Sinabi niya kung kanino siyang anak at na parurusahan kami ng ama niya. Nakatulong iyon upang huwag mag-atubili ang mga katribo kong pakawalan siya. Her father was a retired general at kaibigan ng aking ama at malaki ang naitutulong sa tribu.
“One meeting lead to another,” patuloy ng matandang lalaki. Still smiling at the memories. “After we were married we kept on coming to this place, kahit na nang malaki na ang tiyan ng lola mo. At ang huli nga’y hindi namin parehong inakalang sa camping site siya aabutan ng panganganak. Why, I myself delivered your mother!”
“Did you, Gramps? Oh, wow!” Panther Walks said in excitement. “Tell me more, Gramps. What happened? Paanong ikaw ang nagpaanak kay Mommy?”
“There was no time really. Your grandmother was shrieking in pain and—” Nahinto ito sa pagsasalita nang sa ibabang-daan ay may matanawang isang parating na itim na sasakyan. Kumunot ang noo nito at agad na tumayo.
“Why, g randpa?”
“Sino kaya ang sakay ng van na iyon?” wala sa loob nitong tanong. “May inaasahan bang bisita ang mga magulang at tiyuhin mo, Panther Walks?”
Sinundan ng bata ang hinahayon ng mga mata ng matandang Indian. Nagkibit siya ng mga balikat. “Wala akong alam, Grandpa. Could be some campers, too.”
Umiling ang matandang lalaki. Hindi iyon ang nararamdaman nito. At walang ibang patutunguhan ang daang tinatahak ng van kundi ang camping site. Maybe her daughter’s family invited some friends to join them.
Subalit tumatanggi ang isip ng matandang Indian. Ang lugar na iyon ay pribado lamang sa pamilya. At hindi kailanman dinadala ng manugang niya at ng kapatid nitong si David Worth at ng pamilya nito ang ibang tao roon. Kahit ang mga balae nito ay sumasang-ayon na para lamang sa pamilya ang lugar na iyon.
Tumingala sa langit ang matandang lalaki. Nangingitim ang mga ulap. Kay ganda ng panahon kani-kanina lang subalit nakapagtatakang tila anumang sandali’y babagsak ang ulan. Isang agila ang natanaw nitong lumipad sa itaas, paikot-ikot sa papawirin. At kung saan galing ang kaba na umahon sa dibdib ng matandang lalaki ay hindi nito alam.
Biglang pumasok sa isip ang hindi sinasadyang narinig niyang pag-uusap ng anak at ng manugang.
I don’t trust this man, Catherine. Kinakabahan akong may gagawin siyang masama matapos kong matuklasan ang ginawa niya...
Have you reported the theft to the police, Jeric?
Binigyan ko siya ng pagkakataong ibalik ang ninakaw niya hanggang sa Lunes...
“L-let’s go back, Panther Walks,” kara-karakang anyaya nito sa apo at hinawakan sa braso ang bata at hinila patayo.
Nagtataka man ay hindi nagsalita ang bata at sumunod sa halos lakad-takbong ginawa ng matandang lalaki pababa sa burol. Naroon iyong nagmumuntik-muntikanan siyang matalisod sa mga bato. Hindi niya maunawaan ang kakaibang takot sa mukha ng matandang lalaki nang tingalain niya ito. At nakita niyang humihingal nang husto ang matanda, kinakapos ng hangin sa paghinga, ganoon man ay tuloy ito sa pagtakbo. Halos kaladkarin siya.
Mga puno at damo na lamang ang pagitan nila sa camping area nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng armalite.
“No!” sigaw ng matandang lalaki na nilunod ng tunog ng mga armas. At si Panther Walks na kung hindi nito biglang nahila pakubli sa malaking puno ay malamang na tuloy-tuloy sa pagtakbo.
“Grand—” Hindi nito naituloy ang pagsigaw nang takpan ng matanda ang bibig niya at hilahin siyang pakubling lalo.
Nagpumiglas ang bata. Gusto niyang takbuhin ang pinanggalingan ng mga putok... ang mga magulang niya... ang kapatid... ang lolo at lola... ang mga tiyo at tiya at mga pinsan.
“Don’t, Panther Walks,” humihingal na pigil ng matandang lalaki. Naghahabol ito ng paghinga. “T-they... will... kill you, too.”
“No... No!” Halos walang lakas na napalugmok sa likod ng malaking puno ang batang lalaki habang ang Shawnee ay nakahawak nang mahigpit sa braso nito.
Then the shooting stopped. Humalili ang nakabibinging katahimikan. May pakiramdam ang batang kahit ang mga dahon ay ayaw gumalaw mula sa mga puno. Kahit ang mga insekto ay huminto rin sa pag-iingay.
Slowly, carefully, he inched upward. Gusto niyang sumilip. Inaasahan niyang pipigilan siya ng matandang lalaki subalit lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. Sumilip siya mula sa mga puno at damo.
Tatlong lalaki ang nakita niyang may hawak na mga armas. They were blacks. Nakalingon ang mga ito sa van na nakikinig sa sinasabi ng pinakapinuno.
At natuon ang tingin niya sa loob ng van. May isang lalaking panatag na nakaupo roon. The man was a foreigner, but he wasn’t black. He wasn’t white either. Kakulay ng balat ng lolo niya but he wasn’t Indian. Malalaman niya kung kalahi ng lolo niya ang lalaki.
At mananatili na sa isip niya ang mukhang iyon sa buong buhay niya. Tinatawag nito ang tatlong lalaking sumakay na. Agad namang tumalima ang mga iyon, nakatawa pa.
Bumaba ang paningin niya sa damuhan. Ang naroroon ay mga nakahandusay na duguang katawan ng kanyang buong pamilya.
Ang nakababatang kapatid na si Caroline ay hawak pa ang teddy bear nito at nakahandusay kasama ng mga pinsan. Ang lolo at lola sa bahagi ng ama ay mga nakayupyop sa mesa at pawang duguan.
“N-nooo...!” Alam niyang sumigaw siya. Subalit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.
Tatakbo na lang pasugod ang bata nang sa pagyuko ay makita ang lolo na tutop ang dibdib.
“Grandpa!”
Sa katahimikan ay maririnig sana ang sigaw ng bata kung hindi sumabay iyon sa pag-andar ng makina ng van.
“Grandpa!” Hindi malaman ng bata ang gagawin.
“L-leave, Panther Walks... Don’t let them see you. They will kill you, too...” hirap nitong sabi. Ang kamay ay nakadaklot sa sariling dibdib. His eyes wide, his nose flared. Sa nanlalabong isip ay wala itong alam kung sino ang mga taong iyon subalit may bahagi ng pagkatao nito ang nagsasabing hindi nanaisin ng mga taong iyon na may matirang buhay sa mga Worth.
And his instinct were never wrong.
Humagulhol ng iyak ang bata. Nilingon ang campsite. Hindi niya gustong itanim sa isip ang nakikitang mga nakabulagtang katawan ng pamilya. He wanted to erase it from his young mind. The blood, his families’ dead bodies.
“Why, Grandpa? Who are those people?” umiiyak nitong binalingan ang matandang lalaki.
“Jericho and David’s enemy... Run and hide, Panther Walks. Don’t go back home... don’t trust anyone...” Nagawa pa nitong sabihin bago lumuwag ang pagkakadaklot sa sariling dibdib.
Iyak at iling ang ginagawa ng bata. Hindi malaman kung paano pupukpukin ang dibdib ng matandang lalaki tulad ng napapanood niya sa television. Alam niyang inatake sa puso ang matanda. And he was trying to give him first aid.
“Grandpa, please... don’t die!” pahisteryang wika nito.
Ang matandang lalaki’y hindi na kumikilos. Nakatitig sa kalangitan ang walang-buhay na mga mata.
Hindi na humihinga ang Shawnee Indian ay patuloy pa rin sa pahisteryang pag-pump ang bata sa dibdib ng abuelo.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock