Nakikisabay nalang ako sa bawat araw na nagdadaan sa buhay ko.
Alam kong mali. Pero tayong tao ay mas mahilig pa sa mali. Kung saan pa ang mali ay doon tayo. Kung sino ang mali ay iyon pa ang pipiliin.
Kumbaga, nasa hirap ang sarap.
"Alam mo Zand, ako yung nag aalala sayo. Paano kung malaman ni Natalia? At suguran ka? Anong gagawin mo? Anong sasabihin mo? Na gusto mo ’rin?" Sunod sunod na tanong ni Ruru.
I bit my lip at kinuha mula sa mata ko ang reading eyeglass ko. Nandito kami ngayon sa library.







