Chapter 1
NAKAKUNOT-NOONG tinitigan ni Rinoa ang mga babaeng nagkakagulo sa magazine stand ng grocery store.
“Akin ang dalawang kopya!”
“Tatlo ang sa akin!”
“Hoy! Huwag n’yo akong ubusan!”
“Aray ko, beh! Paa ko `yon!”
Naiiling na ipinagpatuloy ni Rinoa ang pamamakyaw ng whitening products kaysa pag-aksayahan ng panahon ang ka-cheap-an ng mga kapwa niya Eba nang dahil lang sa mga lalaki. Alam na kasi niya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito—ang Philippine Stats magazine kung saan na-feature ang mga billionaire boys, ang anim na pinakamayamang negosyanteng lalaki sa bansa. She had not read the magazine and the article about them. Pero sapat nang maya’t mayang ikinukuwento iyon sa kanya ng kaibigang si Geronimo aka Georgie, ang self-proclaimed pinakamagaling na designer sa buong universe.
And speaking of Georgie, heto na ang mala-kitikiti niyang kaibigan. Nakapilantik ang fake na mga pilikmata gaya ng pagpilantik ng mga daliri at balakang habang naglalakad.
“Hola!” bati nitong rumampa pa sa harap niya. “Are you finished na ba? Let’s go na, sister. Magpapa-facial pa kasiakesh.”
“Wait lang, bakla.” Inginuso ni Rinoa ang nagkakagulong kababaihan. “Gusto mong batiin ang mga ka-federasyon mo?”
“Ha?”
“Mga gaya mo rin silang baliw sa billionaire boys na `yon, eh.”
“Hoy. Huwag ka ngang manghusga. Wala kang karapatan, lalo na at wala kang taste pagdating sa mga boys!” Inilabas pa ni Georgie ang magazine mula sa handbag at iniladlad. “Be amazed.”
“Mas guwapo si Henry ko sa mga `yan.”
Tumirik lang ang mga mata nito. “Puwede ba, sister? Don’t mention that… eeww!”
“Eeww ka diyan. Totoo naman ang sinabi ko, ah.”
“Whatever.” Iniharap ni Georgie sa sarili ang magazine. “Matitigan na nga lang si Papa Denniz.” Binuklat nito ang magazine at lumapad nang husto ang ngiti nang mapagmasdan ang isa sa mga litrato. “Ah, there you are. Yes, I love you, too, Papa Denniz. You and I are— Eeeeee!”
Sa lakas ng tili ng kaibigan, muntik nang mabitiwan ni Rinoa ang whitening lotion. “Geronimo, ano ka ba? Nakakahiya kang bakla ka talaga.”
Pero parang walang narinig ang bruha dahil nakatitig pa rin sa magazine. “Nooo! Hindi ito totoo! Ako! Ako lang ang babaeng nararapat kay Denniz Serrano!”
“Gano’n? Deadmahin daw ba ako?” Inagaw niya ang magazine at tiningnan ang tinitingnan ni Georgie. “Oh, wow. He looks better than my parents’ driver.”
“Akin na nga `yan! Bruha `to.” Muling nagdrama si Georgie nang mapansin ang litrato sa magazine. “Eh, hindi naman ito si Fafa Denniz. Although fafable din naman itong si Lantis Nakago. Ito pala ang mga type mo? You go, girl!”
“May Henry na ako.”
“Palitan mo na siya. Ito na lang si Lantis ang gawin mong fafa. Hinding-hindi ka lugi sa isang `to, kapatid.”
“Hindi ko ipagpapalit si Henry sa kahit na sinong Poncio Pilato.”
“Hindi naman Poncio Pilato si Lantis. He’s just half Japanese.”
“Well, whatever.” Inilipat ni Georgie ang page sa unang picture, saka humikbi kuno. “Denniz, I can’t believe you. Bakit mo ako ipinagpalit sa— Girl, ipagtanggol mo naman ako.”
“Ewan ko sa `yo. Huwag mo akong idamay diyan sa kabaliwan mo.”
“I thought we’re the best of friends.”
“Oo. Kapag matino ka.”
“I’ll treat you sa lunch. Sa kahit na anong restaurant na type mo.”
“Okay. Paano kita kakampihan diyan sa kabaliwan mo?”
Itinaas ni Georgie ang litrato ng isang babae sa magazine na katabi ng tinutukoy nitong Denniz. The caption read, Billionaire boy Denniz Serrano and entrepreneur Sofia Feliciano will exchange vows in an undisclosed place anytime soon.
“Mas pretty ako sa kanya, `di ba, sis?”
“Sorry, friend. Hindi kayang tapatan ng libreng lunch mo ang katotohanan na mas maganda talaga sa `yo ang babaeng `yan. Sumuko ka na lang.”
“Oo nga, sister. Super pretty naman talaga ang Sofia Feliciano na `yan. At bagay talaga sila ni Fafa Denniz.” Inagaw uli ni Georgie ang magazine. “Okay, let’s move on sa next prospective boyfriend ko. How about Zech Marquez?”
“Zech who?”
“Zech Marquez.” Ipinakita nito ang full page-sized picture ng isang mestisuhin. “He’s not as beautiful as Denniz but he’s super-duper mega over gorgeous naman, `di ba?”
Natawa na lang si Rinoa at napalo pa ng whitening lotion si Georgie nang wala sa oras.
“Aray ko, teh. Masakit `yon, masakit `yon.”
Pero panay pa rin ang tawa niya. “Oh, my gosh! I can’t believe my cousin let himself be a part of this crazy— Aray!”
Hinila ni Georgie ang buhok niya at nanlalaki ang mga mata. “Did you just say… cousin mo ang magiging asawa ko?”
“Asa.” Pinalo ni Rinoa ang kamay ng kaibigan na pinanggigigilan pa rin ang buhok niya. “Kung ako sa `yo, maghanap ka na lang ng ibang boylet. Hindi mo kakayanin ang powers ni Zech.”
Impit na tumili ang bruha, kilig na kilig. “Gusto ko ang mga gano’ng powers, girl!”
“Gaga. Literal ang sinasabi ko.”
“Type! Aaaay!” Para nang kitikiti ang baklita sa kilig. “Ipakilala mo ako sa cousin dearest mo!”
“Gusto mong bangungutin sa loob ng tatlong taon?”
Nagdududa na ang tingin ni Georgie sa kanya. “Bakit ayaw mo kaming magkatuluyan ni Zech? May HD ka ba sa kesh?”
“Anong HD? Hard disk?” Rinoa waved her hand and turned back to her shopping. “I’m telling you, as your friend, you don’t want to come across Zech Marquez. For your own good.”
“I don’t care! Intro-seduce me to him! Now na!” Nakidampot ito ng whitening soaps sa estanteng nadadaanan nila at para bang na-high bigla. “I know we’re meant to be together, forever and ever, amen.”
“Akala ko ba si Denniz ang mahal mo?”
“Well, let’s see. Na-in love na siya sa ibang hitad. Magpapakasal na sila within a month. I have to move on. So, I’m moving on. Kailan mo ako ipapakilala kay Papa Zech?”
Sinulyapan ni Rinoa ang mga bibilhin. Nang masigurong walang nakalimutan, dumeretso na siya sa counter. “Huwag mo nang pangarapin si Zech.”
Georgie followed her. “But he’s my soul mate.”
“You haven’t even met him.”
“I love him!”
“You’re crazy.”
Sa kakakulit ng kaibigan, hindi na namalayan ni Rinoa na nakarating na pala siya sa dulo ng pila sa counter, dahilan para mabangga ng basket niya ang likod ng taong nauna sa kanya.
“Ay! Naku, sorry,” sabi niya sa nabangga, saka binalingan si Georgie na para nang tuluyang nilipad ng sininghot nitong sabon ang sariling kaluluwa. Nakatunganga na lang kasi ito. “Hoy, Geronimo. Puwede bang tumino ka naman kahit minsan sa buhay mo?”
Pero nakatunganga pa rin si Georgie. This time, napansin na ni Rinoa na may kung sinong tinitingnan ang kaibigan sa unahan nila kaya sinundan niya ang tinitingnan nito. Pagbaling niya, inakala niyang saglit na nag-brownout dahil dumilim ang kanyang paningin. Iyon pala, natabingan lang siya ng malapad na dibdib ng isang matangkad na lalaking naka-dark blue business suit. When she looked at his face, she saw the cutest face of a guy she had ever seen.
He possessed chinky, smiling eyes, cute pointed nose, sweet-looking lips, and a few strands of hair falling freely over his rosy cheeks, Kahit hindi nakangiti, parang masaya pa rin ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.
Whoa. Bakit ngayon ko lang napansin ang mukha ng nadisgrasya ko kanina—
Parang nakarinig si Rinoa ng nasirang plaka nang maalalang may boyfriend na nga pala siya.
“Ah... sorry nga pala uli… Nasaktan ka ba?”
“Hindi naman. Basta mag-iingat ka na lang sa susunod. Kasi baka hindi sanay masaktan ang susunod mong mabubunggo sa pila.”
“Okay.”
He smiled and his chinky eyes became cute little slits. Rinoa heard Georgie gasp beside her. Ganoon din ang reaksiyon ng iba pang customers. At ngayon lang niya napansing biglang humaba ang pila sa puwesto nila. Every woman there was looking at him with dreamy eyes. Hindi tuloy niya napigilang magtaka nang balingan ang lalaki.
“Artista ka ba?”
Umiling ito, saka itinaas ang isang canned beer, pagkatapos ay inginuso ang grocery basket na dala niya. “Kailangan mo ng tulong?”
“Ah, no—”
“Ah, ako nabibigatan,” singit ni Georgie, sabay lapag ng tatlong whitening soap. “I’m a very weak woman kasi…”
“‘Landi nito.” Dinampot ni Rinoa ang mga hawak ng kaibigan at inilagay sa bitbit niyang grocery basket. “There.”
Pinandilatan siya ni Georgie. Exaggerated naman siyang sumimangot. Napatingin sila sa lalaki nang marinig na impit itong natawa.
“Ako na ang magdadala niyan,” sabi ng lalaki, saka kinuha ang grocery basket ni Rinoa.
Na ewan kung paano siyang napapayag nang walang pagtutol. “S-salamat.”
“Good afternoon, Mr. Nakago,” kiming bati ng cashier. “Ito na ho bang lahat?”
“Yes. Thank you.”
“Nakago?” Tiningnan ni Rinoa ang lalaki. “Parang narinig ko na ang apelyidong `yan… ”
“Bruha!” gigil na bulong ni Georgie. “Siya si Lantis Nakago, ang isa sa billionaire boys!”
“Siya `yon? Bakit mas cute yata siya sa personal kaysa sa picture?”
“Gaga ka! Ang bibig mo!”
“You think I’m cute, huh. That was a nice compliment. Thank you.”
Natameme si Rinoa at napatitig kay Lantis. Ngayon lang siya nakatagpo ng isang lalaking hindi lumobo ang ulo nang mapuri ang hitsura nito. He was nice, too.
And so damn cute!
Sinabi ng cashier ang presyo ng mga pinamili niya. Pagtingin sa wallet, kulang ang cash na dala niya kaya credit card na lang ang ibinigay niya sa cashier.
“Sorry, Ma’am. Cash lang ho sa counter na ito, eh. Kung gusto n’yo ho, pumila na lang uli kayo sa kabilang counter.”
“Huwag na.” Naglabas ng buong isanlibong piso si Lantis. “Ako na ang bahala sa mga pinamili nila.”
“May pera ako,” giit ni Rinoa at binalingan si Georgie. “Dagdagan mo na lang ang pera ko, Geronimo. Babayaran kita mamaya.”
“Ano ka ba? Ililibre ka na nga, tatanggihan mo pa? Pogi kaya `yan.” Kimi pang ngumiti ang hitad kay Lantis. “Hi. She doesn’t mind… even if you’re gonna invite her for lunch.”
Muntik nang murahin ni Rinoa ang kaibigan.
“Maybe next time, when I’m not in a hurry,” nakangiting sabi ni Lantis at bumaling uli kay Rinoa. “Babayaran ko na, ha? Para hindi na tayo makaistorbo sa ibang customers na nakapila.”
Mahaba na nga ang pila sa linya nila, pero parang wala namang pakialam ang mga nakapila kung magtagal man sila sa harap ng cashier dahil nakangiti lang ang mga ito habang nakatitig sa guwapong lalaki.
Binayaran na nga ni Lantis ang mga pinamili at ito na rin ang nagbitbit ng grocery bag palabas ng store.
“Where’s your car?”
“I don’t have any,” sagot ni Rinoa. “Wala kasi akong tiwala sa driving skills ko. Mabuti na ang sigurado at baka makadisgrasya pa ako ng ibang tao.”
“Kung gano’n, ihahatid ko na lang kayo.”
“Huwag na. Nagmamadali ka, `di ba? Salamat na lang.” Naramdaman ni Rinoa ang pinong kurot ni Georgie sa kanyang tagiliran. She knew her friend wanted her to take Lantis’ offer. But she wouldn’t. She couldn’t. Pasimple niyang pinandilatan ang kaibigan nang may maalala. “Oo nga pala, Mr. Nakago. May utang pa pala ako sa `yo.”
“Utang?”
“`Yong pinambili mo ng groceries ko. Dito ka lang. Magwi-withdraw lang ako sa ATM.”
“Don’t worry about it. Treat ko na `yon sa `yo, for telling me I’m cute.”
“Ha?”
“Minsan lang may magsabing cute ako.”
Nagdududang pinagmasdan ni Rinoa ang lalaki. Guwapo talaga. “Wala bang nagsasabi sa `yo kung gaano ka kaguwapo?”
“What’s wrong with this world?” singit na ni Georgie. “By the way, you’re the cutest guy I’ve ever met. As in.”
Bahagyang natawa si Lantis. “Thank you.”
Para namang tanga na napabuntong-hininga si Georgie, na para bang isang aparisyon ang nakikita nito sa katauhan ni Lantis Nakago.
At bago pa sila lalong mapahiya sa harap ni Lantis, kinuha na ni Rinoa ang grocery bag sa lalaki.
“Thank you ulit. Next time na magkita tayo at may pera na ako, babayaran na talaga kita.”
“Ikaw ang bahala.” Itinaas ni Lantis ang kamay at isang taxi agad ang huminto sa harap nila. “Sigurado kang ayaw mong ihatid ko kayo?”
“Hindi na. Masyado ka na naming naabala.”
“Ah, ako, Mr. Nakago,” singit ni Georgie. “Sigurado akong gusto kong magpahatid sa `yo.”
Hinila na ni Rinoa ang kaibigan at ipinasok sa backseat ng taxi. Sumunod na rin siya kay Georgie. Pero binuksan muna niya ang bintana ng taxi para muling magpaalam kay Lantis.
“Salamat uli, Mr. Nakago. Ingat ka rin sa biyahe.”
“You can call me ‘Lantis.’ At bago tayo magkalimutan… may I know your name?”
She didn’t know asking her name would give her such unusual feelings. Unusual… but felt really nice.
“Rinoa,” sagot niya at iniabot ang kamay. “Rinoa Evaristo.”
“Beautiful name. It suits you.” Tinanggap nito ang kamay niya at masuyong pinisil bago pinakawalan, saka itinuro ang mga pinamili. “And I think you’ll still be beautiful with your tanned complexion. You don’t need those whitening products.”
Pagkatapos, lumayo na si Lantis at umandar na ang taxi. Mula sa rearview mirror, nakikita pa ni Rinoa ang lalaki habang papunta ito sa parking lot ng grocery store.
Did he just… say she was pretty?
Ang layo naman ng pretty sa “beautiful name.” Huwag kang assuming.
Then she noticed he got into the most extravagant car she had ever seen in her life.
“Oh, my God. Is that a Porsche?”
“Oh, my God! That’s a Porsche!” bulalas din ni Georgie.
“And I refused to accept his invitation to bring us home. Parang gusto kong umiyak, bes.”
“Ay naku, teh. Kung hindi lang kita kaibigan, inihulog na kita sa labas ng taxi na `to.” Gigil na tumili si Georgie, out of frustration. “Porsche na `yon! Porsche!”
“Eh, malay ko bang `yon pala ang kotse niya?”
“He’s a billionaire. Of course may gano’n siyang kotse!”
Naaasar na si Rinoa sa ingay ng kaibigan. “Eh, di sana sinabi mo sa `kin na ‘posibleng’ Porsche ang kotse niya at nang hindi na ako nag-inarte pa, `di ba?”
“I wanna cry.” Sinulyapan uli ni Georgie sa rearview mirror si Lantis na hindi na nila makita dahil nakalayo na ang taxi nila. “And he’s so duper cute.”
“Oo nga, eh. Lalo na ang mga mata niya,” walang kiyemeng sang-ayon niya. Totoo naman kasi talaga. “Ang bango-bango pa niya.”
“Napansin mo rin pala `yon.”
“Of course. Napansin ko rin kung gaano siya kabait. Sa totoo lang, hindi ganoon ang inaasahan kong magiging attitude ng isang gaya niyang mayaman.” Tiningnan pa ni Rinoa ang kamay niyang kinamayan kanina ni Lantis. At napangiti siya. “He’s really nice.”
“Pa-experience, teh!” Hinablot ni Georgie ang kamay niya, saka pinisil-pisil at idinikit-dikit sa pisngi nito. “Papa Lantis! I love you!”
Binatukan ni Rinoa ang kaibigan para tigilan na ang kamay niya. “Akala ko ba, si Zech ang mahal mo?”
“Akala ko rin ba si Henry lang ang nakikita mo?” Napasinghap nang malakas si Georgie. “Oh, my God! You like him! You like Lantis Nakago!”
“May boyfriend na ako.”
“You like him!”
“Ikakasal na kami ni Henry.”
“Yuck!”
“Geronimo!”
“Sige, ipapaubaya ko na sa `yo si Lantis. Huwag ka lang magpakasal sa doble-karang Henry na `yon.”
“Come on, Geronimo. I love Henry.”
“How can you say that when you’re attracted to someone else?”
“I am not attracted to Lantis Nakago.”
“You said he’s cute! You like his eyes, too!”
“Ewan ko sa `yo.”
“You really like him!”
Umirap si Rinoa at hindi na nagsalita pa. Sa isip-isip kasi, inaamin niyang medyo… na-cute-an nga siya kay Lantis Nakago. Nagustuhan din niya ang kabaitan nito at pagiging gentleman. And yes, she liked his masculine scent as well…
“Ay, bongga! Sa wakas, nagising ka na rin sa kahibangan mo sa walang kuwenta mong dyowa. Si Lantis lang pala ang hinihintay mong cure. Ang landi ng lola ko!” Tumawa pa nang malakas si Georgie.
“Ang sarap mo pong kurutin sa singit.”
“Bagay kayo ni Papa Lantis.”
“Mas bagay kayo.”
“I agree. But for the good of mankind, ipapaubaya ko na siya sa `yo. Ipagpalit mo na ang dyowa mong mukhang hippopotamus kay Lantis Nakago. And I promise, with all my heart, a-attend ako sa kasal n’yo. Kung gusto mo, pati sa honeymoon n’yo, a-attend din ako, eh.”
“Gaga `to.”
Tinawanan na lang nilang pareho ang mga kagagahan nila.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock