Chapter 2
M ALAYO pa si James ay natatanaw na niya ang dalawang palapag na bahay na itinuro ng pinagtanungan niya. Nasa dulo iyon ng isang palayan. Sa likod ng bahay na yari sa kahoy ay gubat. At may layong tatlumpong metro iyon mula sa main road.
Iniliko niya ang four-wheel drive sa makitid na daan patungo sa bahay, at iniisip niyang anumang sandali ay bibitak ang lupang dinadaanan niya at mababalaho siya sa palayan. At may palagay siyang hindi naman talaga iyon dinadaanan ng sasakyan.
Hindi siya makapaniwalang dito naglalagi si Quinn. Iniisip niyang sawang-sawa na ito sa buhay-probinsiya na siya nitong kinalakihan kaya umalis ng rancho. Bagaman higit na maganda ang AltaTierra, hindi pa rin nalalayo ang lugar na iyon sa bayan ng Sto. Cristo.
And all the while he thought Quinn went back to the States.
He was still a few meters away from the house nang matanawan niyang may dumungaw sa bintana sa itaas.
Babae. At kung gaano kabilis itong sumungaw doon ay siya ring bilis nitong paglaho sa paningin niya bago pa man siya makapag-isip kung sino ang babaeng iyon.
Ipinaparada niya ang Ford Explorer sa tapat ng bahay nang bumukas ang pinto at sumungaw ang babaeng nakita niya sa bintana. Binuksan niya ang pinto at bumaba ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita nang malapitan ang babae.
She was young. He was mentally computing her age. Twenty-two... twenty-three perhaps. She must be Nayumi’s age.
NAKAKUNOT ang noo ni Chantal habang sinusundan ng tingin ang mataas at malaking lalaking bumaba mula sa mamahaling sasakyan. Ang kulay lumot nitong pintura’y nangingintab sa sinag ng araw sa kabila ng alikabok na kumapit dito.
Ang lalaki bang ito’y ang kapatid ni Quinn? Sabi ng nakausap niya sa telepono, a man with a deep and so male a voice, that he was Quinn’s brother. Na ito ang susundo kay Quinn.
Quinn spoke of his younger brother reverently, subalit wala siya kahit na anong imahinasyon kung ano ang hitsura nito. Hindi niya pinagkaabalahang isipin at ilagay sa isip niya. Pinagbibigyan lamang niyang pakinggan ang mga kuwento nito subalit hindi niya matiyak kung alin sa mga kuwento nito ang paniniwalaan. Quinn was a good storyteller at marahil ay kasama na ang pantasya para makapagsulat.
He said that his brother was a very rich and handsome young man. At na ito’y may matalinong pamamaraan pagdating sa negosyo. Hindi niya iyon pinaniniwalaan dahil paanong sa dalawang magkapatid ay mayaman ang isa at ang isa’y hindi?
Now seeing the man walked towards the house had her doubts.
At kahapong nakausap niya ang kapatid nito at narinig ang tinig. Somehow, may imahinasyong gustong maglaro sa isip niya but she dismissed it immediately.
Lumalakad ito palapit. At gusto niyang kabahan sa titig na ibinibigay nito sa kanya. Tila ba nanunuot iyon sa buong pagkatao niya. On his face was a mixture of curiosity and... and what?
She had no idea. She had no experience in reading people’s faces. But one thing was sure— she didn’t like this man... he invoked fear in her.
At nang mapalapit ito ay napasinghap si Chantal. The man was big and tall! Taller than Quinn who was five-foot-nine. And my god, she thought foolishly, what a handsome man!
“I’m James Navarro,” wika nito nang nasa harap na niya mismo. His face as cold and aggressively masculine as any she’d ever seen.
“N-Navarro?” nalilitong pag-ulit niya. So he wasn’t Quinn’s brother, subalit bago niya nadesisyunan sa isip iyon ay sinusugan nito ang sinabi.
“Quinn’s my half-brother,” paglilinaw nito sa walang-emosyong tinig.
Understanding dawned on her. So Quinn had a rich half-brother. Nagbaba siya ng mga mata nang patuloy ang masusing tingin na ibinibigay nito sa kanya.
“O-of course... I-inaasahan kitang darating p-pero mamayang hapon pa. Napaaga ka...” Lord, why is she stammering like an idiot? She tried to compose herself; gave a fake and nervous smile at inilahad ang kamay. “Ako si Chantal, Quinn’s... w-wife...”
“Wife!”
Had it not been for the dangerous tone and the sudden steely glint on his eyes, gustong matawa ni Chantal sa pagbabago ng reaksiyon ng kaharap. Tila ba iyon ang kahuli-hulihang inaasahan nitong marinig mula sa kanya.
“What do you mean by ‘wife’?” James asked, a malicious tone underneath the smooth voice.
Gusto niyang magalit sa tono nito na tila ba pinagdududahan ang sinasabi niya. Na para bang gawa-gawa lang niya iyon. Ano ang iniisip nito? Na naroon siya bilang ano?
“N-narinig mo ako, Mr. Navarro. Ako ang asawa ni Quinn...” pagdiriin niya. “Nagpakasal kami may... dalawang linggo na ang nakalipas. Kung gusto mong makita ang katunayan ay nasa itaas...” Gusto niyang isumpa ang sarili sa pagkakautal sa harap ng lalaking ito. It wasn’t like her to stammer.
“Pero natitiyak kong mas gusto mong makita muna ang kapatid mo,” agad niyang idinagdag at nilagyan ng puwersa ang tinig. “Forgive my manners...” Umatras siya upang papasukin ito.
Nang humakbang ito papasok ay nalanghap niya ang cologne nito. Male and woodsy. So unlike Quinn, na kahit minsan ay hindi man lang niya nakitang naglagay kahit na anong cologne. Kahit aftershave ay hindi ito gumagamit.
“Yes, of course,” wika nito. “Gusto kong makita ang kapatid ko. Where’s Quinn?”
Sukat doo’y gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya at tumingala sa itaas. “Nasa itaas si Quinn, Mr. Navarro. Sa... sa silid n-namin...” At gusto niyang pamulahan sa huling sinabi dahil malisya ang nakaguhit sa mukha nito nang tingnan siya.
She groaned inwardly at humakbang patiuna sa makitid na hagdanang kahoy. Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya? Pati titig ng isang tao na baka naman walang ibig sabihin ay binibigyan niya ng kahulugan. At bakit sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nara-rattle siya?
“Lead the way,” he commanded.
Walang-kibong nagpatiuna siyang lumakad patungo sa makitid na hagdanang kahoy. Nararamdaman niya ang mga titig nito sa kanyang likod at kulang na lang ay dala-dalawahing hakbang niya ang hagdanan upang bigyan ng malayong distansiya ang pagitan nilang dalawa.
Pagdating sa landing ay huminto siya, sandaling nilingon si James at saka marahang nagsalita.
“M-may sakit si Quinn, Mr. Navarro at—”
“May sakit!” bulalas nito, kumunot ang noo. “Hindi mo sinabi sa akin kahapon iyan...”
“I-isang linggo na at hindi niya gustong sabihin ko sa iyo sa telepono. H-he didn’t want you to worry...” she said defensively.
“Worry?” sarkastikong ulit nito. “My father’s been worrying himself to death since he left!”
“Ilang beses kong sinabi sa kanyang magpa- confine siya sa ospital... na dadalhin ko siya sa bayan o di kaya’y lumuwas kami sa Maynila. Subalit nagpakatanggi-tanggi si Quinn. Nito lang nakaraang araw nagmungkahi siyang t-tumawag ako sa... sa iyo.”
Lalong tumiim ang mukha nito sa sinabi niya. Napaatras siya sa dingding nang lumapit ang lalaki at ito mismo ang nagbukas ng pinto sa silid na kinaroroonan ni Quinn.
SA GITNA ng maliit na silid ay ang papag na kawayan at naroon si Quinn, nakahiga. Sa malalaking hakbang ay mabilis na nilapitan ni James ang kapatid. And he sucked his breath when he saw him. Gusto nitong isiping hindi si Quinn ang nakahiga roon at ibang tao. He had been sick and hospitalized many times in the past subalit gusto niyang kabahan sa nakikita niyang anyo ng kapatid.
“Quinn...” he said gently.
Nagmulat ng mga mata ang tinawag. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nang mamulatan siya. “I knew you’d come but not this soon. Pinalipad mo ba sa ibabaw ng Sierra Madre ang sasakyan mo, James?”
“What’s going on?” halos pabulong na wika ni James. Naupo sa gilid ng papag. “Dammit, Quinn! Bakit kahapon ka lang nagpasabi? Bakit hindi ka man lang pumasok sa ospital?”
“Have you met my wife, Chantal?” ang sa halip ay sagot nito at lumipat ang mga mata kay Chantal na nakatayo sa may di-kalayuan at masuyong nginitian.
Lumingon si James dito at nakita niyang sa kabila ng pag-aalalang nasa mukha nito’y nakuha nitong ngitian din si Quinn. Pero agad niyang ibinalik ang mga mata sa kapatid. Nakatiim ang mga bagang at muli niya itong niyuko.
“You’ve gone too far this time, Quinn. Pati sarili mo’y pinabayaan mo. I’m taking you home,” wika niya sa galit at hindi-mababaling tinig.
“Nakalimutan mo bang mas di-hamak na matanda ako sa iyo, James?” wika nito, trying to sound like an older brother reprimanding his younger sibling. But Quinn failed miserably.
“Yes, but you’ve never been one, Quinn,” wika niya and grimaced nang makita ang pait na gumuhit s a mga mata ni Quinn. He sighed. “Dadalhin kita sa ospital ngayon din...” Tumayo siya at hinugot ang CP mula sa bulsa at lumakad patungo sa may bintana.
He took a deep breath habang idinadayal ang pribadong telepono ng tiyuhing si Lance. His worried eyes went back to his brother’s pale face and cursed Quinn silently dahil sa hindi nito pag-contact agad sa kanya at sa tingin niya’y pagpapabaya nito sa sariling katawan.
“Uncle Lance... yes... I’m here now... Dammit, yes! In Quirino... a little town in Aurora. Perhaps an hour from Alta Tierra by sea!” he said, anger in his voice. Hindi malaman kung kanino itutuon ang galit, kung kay Quinn dahil sa hindi nito agad pag-contact sa kanila o sa sarili dahil hinayaan niyang hindi ito makipag-communicate man lang sa nakalipas na mga buwan. “Maaari ko bang hiramin ang isa sa mga chopper ng FNC...?”
“Anong klaseng tanong iyan, James?” s i Lance sa kabilang linya. “Of course you could borrow the chopper, kahit ang Cessna. Ipadadala ko ngayon din. Give me the exact location...”
Tumanaw siya sa bintana, tinitiyak na may bababaan ang chopper o Cessna na ipadadala ng tiyuhin. Pagkatapos sabihin ang lugar at tamang lokasyon ay ini-off ang telepono.
“In less than an hour, darating ang FNC chopper, Quinn,” wika niya sa kapatid.
“Hindi ako sasama sa iyo kung hindi kasama si Chantal, James...” Bagaman mahina’y nakuhang sabihin nito iyon sa tinig na puno ng determinasyon.
Napalingon siya kay Chantal na tila ba noon lang niya napunang naroroon ito. Mula sa kinatatayuan ay agad itong lumapit sa papag at naupo sa gilid niyon. Ginagap ang mga palad ni Quinn.
“It’s okay, Quinn,” she said softly. “Kailangan mong madala kaagad sa ospital... Nag-aalala ako sa iyo. Kung bakit kasi hindi mo—”
“I won’t leave you behind, Chantal...”
“Huwag mo akong alalaha—”
“Kung sinabi ni Quinn na kasama ka’y kasama ka!” putol niya sa sinasabi nito. Kahit pa marahil ipa-haul ng kapatid ang lumang bahay na iyon ay gagawin niya madala lamang kaagad ito sa ospital. “You can start packing your things...” utos niya and for a moment he thought he saw defiance in those slanting eyes.
But he probably just imagined it. Meekly, tumayo ito at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin.
Si James ay nilinga ang kabuuan ng silid na di-hamak na mas malaki at maganda ang isa sa mga servants quarters nila.
Hindi siya makapaniwalang namuhay nang ganito ang kapatid. Maliban sa papag na kawayan na may banig, isang silya at mesang kahoy na maliit at isang portable plastic wardrobe, ay walang ibang laman ang silid. Nadaanan ng tingin niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Mga gamit para sa pagsusulat at pagguguhit.
Humakbang siya patungo sa mesa sa may sulok at sinipat ang mga nakapatong doon. Kumunot ang noo niya nang makita ang ilang pirasong children’s book.
“Quinn’s work, Mr. Navarro,” Chantal said proudly.
Nilingon ito ni James, nakita niya ang pagmamalaki sa magandang mukha nito. Ang mahabang buhok ay inililipad ng hangin na pumapasok sa maluwang na bintana.
He said nothing at muling ibinalik ang tingin sa mga children’s book na nasa ibabaw ng mesa. Dinampot niya ang isa sa mga iyon. Nabasa niya ang pangalan ng kapatid sa pabalat bilang may gawa niyon, ganoon din ang iba pang children’s book na nasa mesa.
Napahugot siya ng paghinga. Quinn loved to draw and create stories for children. Naalala niyang malimit itong nakikipag-usap sa mga anak ng mga trabahador sa rancho. Nagkukuwento at nagtuturo. Tinutulungan ang mga batang gumawa ng assignment. Uncaring kung nakapagtatak na ng mga baka o kung tama ang deliveries sa ganoon at ganitong supplier.
Subalit hindi niya inaasahang ganito kalawak ang hilig ng kapatid—ang mangyaring makagawa ng librong pambata at mailathala iyon. At ni wala man lang silang nabalitaan tungkol doon.
But then who would notice? Kahit pa marahil may makakita sa pangalan ni Quinn sa pabalat ng aklat. Marahil ay may mga taong malalapit sa pamilya Navarro ang nakakaalam sa totoong pangalan ni Quinn subalit hindi maghihinala ang mga itong ang isang apo ni Franco Navarro ay nagsusulat ng kuwentong pambata.
Quinn studied f ine a rts abroad subalit huminto rin sa ikalawang semestre nito dahil hindi iyon ang gustong kurso ni Alvaro para sa anak. Bukod pa sa hindi naman deretsong natatapos ni Quinn ang semester dahil malimit itong maospital sanhi ng asthma at kung ano-anong sakit kaugnay niyon.
Alvaro wanted his eldest son to take up Agriculture or Engineering. Pinagbigyan ni Quinn ang ama subalit hindi rin naman nakatapos. Quinn decided to stop schooling, bumalik sa Pilipinas at nanatili sa rancho. Pinagbigyan ang gusto ni Alvaro na pamahalaan nito ang papaluging rancho.
Looking at the children’s books now, James sighed with regret and sadness. Ito ba ang dahilan kung bakit umalis ang kapatid at hindi man lang nakipagtawagan sa kanila sa nakalipas na mga buwan?
Nabaling ang atensiyon niya sa tinig ni Quinn na tinatawag ang babae. Lumingon siya. Mula sa ginagawa nitong paglalagay ng gamit sa isang maliit at lumang maleta’y lumakad ito patungo sa papag at naupo ito sa gilid niyon at masuyong ginagap ang kamay ni Quinn. She wasn’t the stunning beauty James usually preferred in women. But a beauty nonetheless. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi nakikipag-communicate si Quinn sa kanila?
“Sa bahay ka titira, Chantal.” He heard his brother’s weak voice. “Hindi ka na babalik sa tiyahin mo. I promised, you will be taken care of...”
“Sshh…” sagot nito. “Huwag mo akong intindihin... magpagaling ka, Quinn...”
She spoke almost in a whisper, tulad sa isang mabining hanging-amihan na humahaplos sa pandinig ni James. Her hair fell down her face like dark curtain and encircled her neck. His imaginations ran wild... of bed of roses... and his brother’s wife’s beautiful hair spread out on a pillow...
At bago luminaw ang iba pang imahinasyon sa isip niya’y humakbang siya patungo sa pinto. “Hihintayin ko sa ibaba ang chopper!” pabagsak niyang sabi as he strode out of the room, disgusted with himself.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock