Prologue
HINDI makapaniwala si Kenneth habang nakatingin sa tabi ng batis na nasa maliit na parang sa gitna ng kakahuyan. May isang babae, nakasuot ng sunglasses, at nakahiga sa tuwalya.
Sunglasses—iyon lang ang suot nito.
Napalunok si Kenneth at muling napatingin-tingin sa paligid. Walang tao maliban sa kanilang dalawa. Hindi nakapagtataka dahil malayo sa kabahayan ang parteng iyon ng barangay. Kakahuyan iyon at nasa paanan ng burol.
Naramdaman ni Kenneth ang pagsikip ng kanyang suot na underwear nang muling mapatingin sa babae. Kahit natatakpan ng sunglasses ang mga mata ay masasabing maganda ito. Mataas ang cheekbones at matangos ang ilong, mamula-mula rin ang mga labi. At ang katawan… maraming tataluning sexy models ang babae. O, porn stars.
Shit. Napunta na sa porn ang isip ni Kenneth. Pero masisisi ba niya ang sarili? Bato lang ang hindi tatablan sa alindog ng babaeng ito. At hindi siya bato. Pero kasintigas na ng bato ang alaga niya. Naloko na.
Hindi tama ito, naisip ni Kenneth. Pinigil niya ang sariling mag-isip pa ng madumi dahil pakiramdam niya’y pinapangahasan niya ang nananahimik na babae kahit hindi niya naman ito nahahawakan at may walong metro ang layo niya rito mula sa matataas na damong pinagtataguan.
Pero gusto niyang hawakan ang babae, hindi ba? Gusto niyang malaman kung ano ang pakiramdam sa kanyang mga kamay ng makinis nitong balat—lalo na ang mahahabang binti’t hita nito, ang impis na tiyan… at ang malulusog na dibdib.
Ah, hindi lang ito gustong hawakan ni Kenneth. Gustong-gusto niya rin itong halikan, hindi lang sa mga labi kundi sa lahat ng parte ng katawan. Gustong i-explore ng kanyang bibig ang tamis at init ng alindog ng babae. The woman looked extremely fuckable. Those breasts looked so scrumptious he wanted to suck the nipples and—
Gago ka, Kenneth! mura niya sa isip nang lalo pang magwala ang nasa ibaba ng kanyang puson. Kailangan ko nang umalis dito.
Nakalimutan niyang mag-ingat sa gagawing paghakbang paglayo mula sa magandang tanawin. Ang resulta’y nakaapak siya ng maliliit na tuyong sanga sa lupa at lumikha ang mga iyon ng ingay.
“Stop right there!”
Natigilan si Kenneth. Galing sa babae ang boses. “Shit,” mariing mura niya. Hindi siya makapagdesisyon agad kung tatakbo ba o hindi.
“Itaas mo ang mga kamay mo!” Narinig pa niyang sabi nito, papalapit ang boses.
“H-hindi ako masamang tao, Miss,” nakuha niyang sabihin matapos magtaas ng dalawang kamay. Nalintikan na. Baka ipabarangay siya nang wala sa oras!
“Humarap ka sa akin nang dahan-dahan,” utos ng babae, nasa likuran na niya ito.
Tumingin muna si Kenneth sa ibaba ng puson at nang masigurong natakot na si Junior ay tumalima siya. Agad siyang napanganga nang malayang mapagmasdan ang babae. Tama, hindi lang katawan nito ang maganda kundi pati na rin ang mukha. Napakaganda, pambihirang ganda…
“Hep, hep!” pigil ng babae nang hindi sinasadyang maibaba ni Kenneth ang mga kamay. Lumapit pa ito habang nakatapat sa kanya ang dulo ng baril nito.
Muling itinaas ni Kenneth ang mga kamay. Putang-ina. May baril nga pala. Ni hindi na niya nakuhang matakot doon dahil sa pagkataranta at pagkabighani sa mukha ng babae.
“What are you doing— Ano’ng ginagawa mo dito?” pangangastigo ng babae, nakatutok sa kanyang mukha ang baril na hawak sa kanang kamay nito, ang kaliwa naman ay nakahawak sa tuwalyang itinapal sa harapan ng katawan nito.
“Nangangahoy, Miss.”
“Nangangahoy?”
Tama siya ng hinala, dayo sa Sta. Barbara ang babaeng ito.
“Mangunguha ng mga kahoy na panggatong.”
Parang hindi naman ito naniniwala. “Is that so?”
Nagpasya si Kenneth na sumagot sa English. “Yes.”
“Hindi mo ako binobosohan?”
Napalunok siya.
Tumaas ang boses ng babae. “Nakita mo akong hubad at may binabalak kang masama sa akin, ano?”
Hindi dahil sa baril kaya lalong nataranta si Kenneth. Lumuwa kasi ang isang dibdib ng babae mula sa tuwalyang hawak. Shit. Huwag sanang lumaki uli si Junior, baka mahalata ang bukol sa cargo shorts niya’t barilin siya roon ng babae!
“W-wala akong balak na masama sa iyo. Paalis na ako nang mahuli mo,” pagtatapat niya.
“Oh, really?”
“Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin, Miss. Aksidente ang pagkakakita ko sa iyo dito.”
Ilang saglit din siyang tinitigan ng babae bago nagsalita. “Okay. Makakaalis ka na. At kapag inistorbo mo pa ako uli dito, hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang ulo mo.”
Aling ulo kaya? nakuha pang isipin ni Kenneth bago tumalikod.
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock