
Description
Dana Isabella - Diana and Joshua's daughter - was curiously reading her dead grandmother's diary but when she raised her head, her environment was strange. She was in the same house ... the same room and the same bed ... right time, day, and month. But not the right year. She was in her grandmother's house in Binondo in 1928! Back in time, she met the young Leon Fortalejo, as Isabelita. And she fell in love with the handsome Spaniard. Love that did not have fulfillment even during the time of her Grandmother Isabelita. And she was in 1928 to accomplish that. Could she change history?
Chapter 1
Feb 4, 2022
Chapter One
CALIFORNIA
“B ERNARD Fortalejo,” marahang pag-ulit ni Joshua sa binanggit na pangalan ni Rustico Galvez. Pagkuwan ay nilingon si Diana na bale-walang umabot ng napkin at nagpunas ng bibig.
“Hindi ko alam na kakilala mo ang mga Fortalejo, Rustico,” kalmanteng wika ni Diana bago sumubong muli ng pagkain.
Malayong kamag-anak na ni Joshua si Rustico Galvez at hindi naman ganoon kalapit ang dalawa. Subalit sa isang bansang tulad ng Amerika ay hindi maiwasang hindi sila magkalapit. At lalong higit ang mga anak nilang babae—si Dana at si Cielo. Ganoon man ay walang alam ang mag-asawang Galvez sa naging buhay ni Diana bago ito pinakasalan ni Joshua. Na minsan ay napaugnay siya sa buhay ni Bernard Fortalejo.
At naroon silang mag-anak sa tahanan ng mga Galvez dahil sa imbitasyon ni Elvira, ang asawa ni Rustico, para sa isang salusalo. Isang anunsiyo sa nalalapit na pakikipagkasundo ng panganay na anak ng mga itong si Cielo sa anak ni Bernard Fortalejo.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Rustico. Inabot ang tubig at uminom bago nagsalita.
“Magkaklase kami ni Bernard sa UT, Diana,” sagot nito na nilinga ang asawa at matabang na ngumiti. “Dahil parehong Pilipino ay madaling nahulog ang loob namin sa isa’t isa at naging magkaibigan. Pareho pa kaming mga bata noon. Minsan ay nakatuwaan naming pag-usapan na kung magkaasawa kami at magkakaanak ay ipagkakasundo namin sa isa’t isa. Way back then, it was one of those things na sinasabi kapag bata ka pa...”
“If he hadn’t become what he is now, then you could forget all about it, honey,” agap ni Elvira sa sinasabi ng asawa. “Kailangan mong maging praktikal sa buhay. At hindi basta-basta ang mga Fortalejo.”
Napailing si Rustico sa sinabi ng asawa. Muling tiningnan si Diana at nagpatuloy, “Nasa party kami ng boss ko na hindi ko alam ay business associate ni Bernard. Nagkagulatan pa kami. At hindi sinasadyang nabanggit ko nang pabiro ang tungkol sa usapang iyon. But Elvira here made it sure na maipasok sa isip ni Bernard na hindi iyon biro at taglay ko sa isip ko.”
“Natural, Rustico!” mariing sabi ni Elvira. “Kung isang Fortalejo ang mapapangasawa ni Cielo ay mapapanatag ako!”
“Deci-nueve años pa lang ang anak mo, Elvira, at hindi gusto ni Cielo ang ginagawa mo,” kontra ni Rustico sa asawa.
“Sa ngayon lang hindi magugustuhan ni Cielo ang mga plano ko, honey. Kapag natikman ng anak mo ang magbuhay-prinsesa’y pasasalamatan pa ako niyan.”
Nagkatinginan sina Joshua at Diana sa pagtatalo ng mag-asawa sa harap ng mesa. Parehong nakita ng mga ito ang pagnanais ni Elvira na mapabilang ang pamilya sa angkan ng mga tinitingalang Fortalejo. At sa wari ay walang magawa si Rustico sa gustong mangyari ng asawa.
“Honorableng tao si Bernard, Elvira. May isang salita, kaya hindi ka niya napahindian. Pero sa nakikita ko’y hindi niya gugustuhing ipilit sa anak niya ang sinasabi mo.”
“Maganda ang anak mo, Rustico. Matalino. Wala kang dapat ikahiya. Tinanggap nila ang photograph ng ating si Cielo upang ipakita sa kanyang binata. At tapos na ang usapan. Hinihintay na lang natin ang overseas call ni Bernard Fortalejo kung kailan pauuwiin sa Pilipinas si Cielo upang magkakilala ang dalawa.”
Tumikhim si Joshua upang putulin ang pagtatalo ng mag-asawa.
“Gusto ba ni Cielo na mapangasawa ang anak ni Bernard, Elvira?”
Nagkibit ng mga balikat si Elvira at nasisiyahang ngumiti. “Masunuring bata si Cielo, Joshua. Kung ano ang gusto ko’y susundin niya. Hindi tanga ang anak ko upang hindi niya ibigin ang isang tulad ni Leonard Fortalejo na kung ang anyo ng ama ang pagbabasehan ay tiyak na magandang lalaki rin ito. Not to mention that they’re one of the richest in the Philippines!”
Nilinga ni Joshua ang asawa. Nagkibit ng mga balikat si Diana. Hindi miminsang ipinaramdam sa kanya ni Elvira ang pagkainggit sa kanila dahil higit silang nakaaangat sa buhay kompara kay Rustico na hanggang sa mga sandaling iyon ay nananatiling empleyado.
Sinulyapan ni Diana si Rustico. Nasa anyo nito ang kawalang-magawa at nakadama siya ng habag dito. Isa si Elvira sa mga manipulative na asawang nakilala niya. At isa rin si Rustico sa mga asawang lalaking hindi magawang ilagay ang asawang babae sa dapat kalagyan.
Nilingon niya si Joshua and she smiled lovingly. Joshua was a gentleman. But he wasn’t the one to be pushed aside. At alam ni Diana kung kailan hihintuan ang provocation sa asawa.
Pagkuwan ay naalala si Bernard Fortalejo. Sa nakalipas na mga taon ay hindi miminsang nakita niya sa mga social column ang mag-asawang Fortalejo. At hindi rin miminsang kinapa niya ang sarili kung pinagsisihan niyang ipa-annul ang kasal kay Bernard may dalawampu’t dalawang taon na ngayon ang nakararaan.
With Joshua, she had never been happier and contented. She had done the right thing. She had made them all happy. Bernard had gone back to Jewel’s arms at sa pagkakaalam niya ay dalawang babae pa ang naging anak ng mag-asawa bukod sa panganay na lalaki.
Joshua might never be as powerful and rich as Bernard. But he made her feel loved, secure and contented. Hindi niya kailanman naramdamang naging kaagaw niya ang kahit na ano o sino sa buhay nito. Para kay Joshua ay sumisikat at lumulubog ang araw sa kanya. Sa kanila ni Dana.
Hindi katulad noong panahong magkasama sila ni Bernard, na simula pa lang ay naramdaman na niyang may ibang babaeng nasa tagong bahagi ng puso nito. And Bernard had never realized just how sick and scared she was.
Marahil dahil hindi siya ang sentro ng atensiyon ni Bernard... O marahil dahil sa kompanya na noon ay sinisimulang hawakan at palaguin nito... O marahil, dahil naroon ang mga di-malimot na alaala ng una nitong pag-ibig... O dahil sadyang hindi ganoon kalalim ang pag-ibig niya sa lalaki.
In all fairness to Bernard, simula pa lang nang magtagpo sila ay hindi nito ikinaila na gusto nitong makalimot sa piling niya.
“Go to hell!”
“Believe me, my love, I’ve been there. At gusto kong lumabas sandali at ikaw ang pases ko roon. Tonight.”
Diana sighed at the memories. Maraming kahulugan ang sinabing iyon ni Bernard sa rooftop ng Kristine Hotel and Resort. Pumasok na sa isip niya sandali iyon. But like the next woman, she fell for the charming and gorgeous Bernard Fortalejo. Sinong babae ang hindi? But falling and loving were two different things.
She thought she loved him. He was kind, thoughtful, and everything a woman could ask for. But she was wrong. Later, she had realized that Bernard was her possession. Security blanket sa magulo niyang buhay bago siya natagpuan ng lolo niya at nang mamatay ang matanda. But she had been foolish to think that she could possess the mighty Fortalejo.
Huminga nang malalim si Diana at ginagap ang kamay ng asawa. Niyuko siya ni Joshua and smiled down at her lovingly. Tila nababasa ang laman ng isip niya.
At habang patuloy sa marahang pagtatalo si Rustico at Elvira ay bumulong si Joshua sa asawa.
“I love you...”
“And I love you back, darling.”
“TITA Elvie couldn’t be that cruel!” galit na bulalas ni Dana habang nasa balkon sila ni Cielo at ang mga magulang naman ay nasa dining room.
“Any day from now ay uuwi ako sa Pilipinas, Dana. At wala akong magagawa,” pahikbing sagot ni Cielo. “Parang hindi mo kilala si Mama...”
Naniningkit ang mga matang napasulyap sa pinto ng balkonahe si Dana. Ipinagkasundo ng mga magulang si Cielo upang ipakasal sa lalaking hindi pa man lang nito nakikita. Ang ama ng lalaking ipinagkasundo sa pinsan ay nakita na niya sa mga magazine. There were a few of those in her parents’ bedroom.
Hindi ipinagkaila sa kanya ng mga magulang na bago naging asawa ng ama ang ina ay naging asawa ito ng prominenteng si Bernard Fortalejo.
“Siya ba ito, Mommy?” m insan ay itinuro niya ang isang babasahin kung saan naka-feature si Bernard Fortalejo sa isang business column.
“Yes, darling. That’s him.”
“Hmm... h e looks gorgeous,” aniya nang sipatin ang black-and-white photos ni Bernard sa magazine.
“Breathtakingly gorgeous, Dana,” nakangiting dugtong ni Diana sa dalagitang anak.
“Why did you annul your marriage to him, Mom?” she asked curiously.
Huminga nang malalim si Diana at sa simpleng mga salita ay sinabi sa anak ang kuwento nila ni Bernard.
At hindi kayang tanggapin ng kalooban niyang ang isang tulad ng pinsang si Cielo ay sapilitang mapapakasal sa pamilya ng ex-husband ng ina. Ayon sa pagkakaalam niya ay makapangyarihan at masalapi. A family of arrogant and domineering men.
Paano pakikitunguhan ni Cielo ang pamilya Fortalejo? Sinulyapan niya ang pinsan. Pretty and so sweet and gentle. Na kahit sa ina ay hindi magawang tumutol. Paano pa sa isang Leonard Fortalejo?
Gustong maghimagsik ni Dana. Si Cielo ay bata sa kanya nang isang taon at kahit na malayong magpinsan sila ay itinuring na niya itong nakababatang kapatid. Ganoon din naman ang turing ni Cielo sa kanya.
Sa Pilipinas ipinanganak si Dana at nagkaisip. Subalit nag-migrate silang mag-anak sa Amerika anim na buwan matapos mamatay ang Lola Antonia niya, ang ina ng daddy niya. She was fifteen then. Doon sila nagsimulang magkalapit ni Cielo na minsan na niyang nakita nang dumalaw ang mga ito sa Pilipinas.
Dana inherited her mother’s beauty and her father’s diplomatic attitude. She was smart, free- spirited, at may sariling disposisyon. Subalit hindi ganoon si Cielo. Mahiyain ito. Lumaking kontrolado ng ina ang bawat gawin. Masunurin, to a fault.
“At paano na kayo ni Charles?” tanong niya sa pinsang nakayuko at lumong-lumo. “Alam ba niya ang plano ng Tita Elvie?”
“Yes. And he wants me to elope with him. At hindi ko magagawa iyon, Dana.” She raised a helpless face to her. “Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mama. If only Papa would do something to stop her...” Muling napahikbi ang dalaga. At sa gumagaralgal na tinig ay, “I–I love, Charles, Dana. Pero hindi ko magawang sumuway sa m ama.”
“At hindi kita mapapayuhang suwayin ang mama mo dahil hindi mo gagawin,” she said in frustration. At saka mariing idinagdag, “Sukdulang mawala sa iyo ang lalaking mahal mo!”
“Charles will understand...”
Umikot ang mga mata ni Dana. Magkasamang inis at awa ang nararamdaman para sa nakababatang pinsan.
“M-maybe my mother’s right, Dana. B-baka mapapabuti ang buhay ko sa pagpapakasal sa anak ni Bernard Fortalejo...”
“Baka... baka...” i tinaas niya ang mga kamay sa ere. “Paano kung hindi?” Then she sighed at niyuko ang pinsan. “Gusto kitang tulungan, Cielo. But you have to help yourself, too.”
“I—am sorry,” wika nito sa maliit na tinig. “Iniisip ko pa lang na suwayin ang m ama’y kinakabahan na ako.” Ginagap nito ang kamay niya. “Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang mismong pagtanggi ng anak ni Mr. Fortalejo. Hindi ang tulad ng pamilya nila ang papayag sa isang arranged marriage. And... and I’ve heard that this Leonard is a notorious playboy. He may not like me...”
“Saan mo narinig iyan?” She frowned at her cousin. “I mean, this playboy thing?”
“May... nabasa akong isang artikulo sa isang magazine about him a couple of months ago when my parents started talking about this arranged meeting with him. It seems this Leonard Fortalejo doesn’t like publicities dahil nakaharang ang kamay niya nang kuhanan siya ng photographer... His date was Alicia Silverstone...”
Nagkibit ng mga balikat si Dana at bahagyang ngumiti. “Perhaps you are right. Pray that you are not his type. Though you are so pretty, ang mga nasa alta sociedad, karaniwan na’y pumipili ng ka-level nila. And maybe this Leonard Fortalejo would stand up to his father...”

Hasta La Proxima Vez (Kristine Series 16)
31 Chapters
31
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101