Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

HABANG nasa loob sila ng sasakyan ni Marcus, wala siyang imik. Pham felt suffocated inside his car and she didn’t like it at all. She needed to get away from this man. He’s too much for her peace of mind.

Nang itigil ni Marcus ang kotse sa harap ng flower shop, mabilis niyang binuksan ang pinto, pero naka-lock iyon.

“Buksan mo ang pinto, Kuya,” nakatiim-bagang na sabi niya habang pilit na binubuksan iyon. “Kailangan na ako sa shop.”

“Have lunch with me later.”

Nakaawang ang mga labi na napatingin siya kay Marcus. “A-anong sabi mo?” Maybe Pham misheard him.

“Have lunch with me later,” ulit nito habang matiim na nakatingin sa kanya.

Natatawa siyang umiling. “Kulang ka nga sa tulog.” She rolled her eyes. “My answer is no.”

“I don’t take no for an answer, Fatima. Alam mo `yon.” Inalis ni Marcus ang pagkaka-lock ng pinto. “Susunduin kita mamaya. And call me Marcus.”

Inirapan niya ito saka nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Papasok na sana si Pham sa flower shop nang marinig niya ang kanyang pangalan.

“Fatima…”

Napatigil si Pham sa paglalakad at nilingon si Marcus na nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan.

“I’ll be staying in the house for two weeks,” imporma nito. “Masanay ka nang kasama ako lagi.”

Napaawang ang mga labi niya. “N-no...” Bago pa siya makipag-argumento rito, nakaalis na ang lalaki at naiwan siyang nakatingin sa kalsada.

No way! No way! That man was not staying in the house!

Mapipigilan mo ba siya? tanong ng kanyang isip. Eh, sampid ka lang sa bahay na `yon.

Gustong sabunutan ni Pham ang sarili sa sobrang frustration na nararamdaman. That man would ruin her not-so-peaceful life. Nararamdaman na niya iyon at alam niyang hindi siya nagkakamali. Siguradong pagtutulungan siya ni Marcus at ng ina nito.

Wala sa sariling napahawak si Pham sa kanyang wedding ring.

Martin… I miss you.

Her heart clenched in sadness. Kung nandito lang sana si Martin, eh, di sana mapayapa ang buhay niya. Eh, di sana hindi siya ginugulo ng pamilya nito. Martin always backed her up against his family. Bakit naman kasi ang aga siya nitong iniwang mag-isa?

“Akala ko ba walang iwanan?” bulong niya sa hangin. “Bakit mo ako iniwan?”

Nanubig ang mga mata ni Pham. Nagbabadyang tumulo ang mga luha niya kaya naman tumingala siya at ikinurap-kurap ang mga mata. Walang magbabago kahit umiyak pa siya. Nasira na ang buhay niya.

LUNCH came and Pham found herself sitting across Marcus on the table for two in Yanzee’s Restaurant. He would really take no for an answer. And she’s really pissed.

“Bakit ka mag-i-stay sa bahay?” Hindi niya napigilang magtanong nang mai-serve na ang pagkain nila.

Marcus sipped his champagne then stared at her. “Bakit? Does my presence in the house bother you?”

Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. “Oo. Hindi ba sinabi ko na sa `yo noon na ayokong nasa bahay ka? And you agreed and promised that you won’t stay in the house for more than an hour.” Ayaw na ni Pham ng isa pang mananakit sa kanya emotionally. Sobra-sobra na ang sakit na pinaparamdam sa kanya ng mga magulang nito.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Marcus. “Then I’m breaking my promise for two weeks.”

Pham gritted her teeth. “Bakit hindi ka na lang mag-hotel? I’m sure you can afford even the most expensive ones.”

“I don’t want to.”

“At bakit?”

“Magtataka si Mama.”

“Hindi naman siya nagtataka noon. Saka sanay na `yon na lagi kang nagho-hotel.”

“None of your business.”

“It. Is. My. Business.”

Marcus smirked. “How so?”

“You’re staying in the house, damn it!” inis niyang sabi.

Tumaas ang kilay nito. “It’s also my house, remember? Ancestral home `yon ng mga magulang namin ni Martin, nakikitira ka lang. Kaya wala kang karapatan na paalisin ako sa bahay na `yon.”

That cut deep.

Nagtagis ang bagang ni Pham at tumalim ang mga mata niya. “Kung ganoon, ako na lang ang magho-hotel sa dalawang linggong nasa bahay ka.”

Marcus blew a loud breath. “Come on, Fatima, what’s the big deal? That’s a huge house. Hindi mo ako makikita.”

Pham scoffed. “Ako talaga ang pinaglololoko mo, Marcus?” Hindi na niya ito tinawag na kuya kasi nagagalit siya. “Ikaw `yong tipo ng tao na kulang sa pansin. And it is your hobby to pester me, so I’m sure I will always see your shitty face even when I don’t want to.”

Marcus chuckled and playfully tapped his chin. “You become prettier when you’re angry.”

Pham glared at him. “Gago.”

He just grinned and winked at her. “I’m still staying in that house and so are you.”

“Magpapa-book na ako ng hotel—”

“Try me, Fatima.” May babala sa boses ni Marcus. “You don’t want when I’m angry.”

Kung nakakamatay ang tingin niya, bumulagta na ito. “Fuck you.”

“Thank you.” Ngumisi ito. “I’ll take that as a yes.” Iminuwestra ng lalaki ang kamay sa pagkaing lumamig na dahil sa pagtatalo nila. “Eat, Fatima. Alam kong hindi ka nag-agahan.”

Pham didn’t budge. She kept on glaring at him.

Marcus sighed, picked up her spoon and took a spoonful of food in her plate. Pagkatapos ay inuumang nito ang kutsara sa bibig niya.

“Eat up, Fatima. I did promise my brother I’ll take care of you,” sabi nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Tumayo si Pham at iniwan ito sa mesa saka pumasok sa restroom. She needed to calm herself. Baka masakal niya si Marcus nang wala sa oras.

Her hand automatically sought her wedding ring to calm herself. At gumana naman agad iyon. Kapag pumapasok sa isip niya si Martin, kumakalma siya.

Tiningnan ni Pham ang sarili sa salamin. Nakita niya ang isang babaeng pilit na nilalabanan ang pangungulila sa asawa at ang masamang trato sa kanya ng pamilya nito. Three years after Martin’s death, sariwa pa rin sa isip niya ang pinagsamahan nila at ang sakit ng pagkawala nito.

Pinakalma niya ang sarili, saka huminga nang malalim bago lumabas ng restroom. Nang palapit na siya sa mesa nila ni Marcus, napatigil siya sa paglalakad nang makitang may isang magandang babaeng kausap si Marcus. At sobrang magkadikit na magkadikit ang katawan ng dalawa. At dahil malapit siya sa dalawa, hindi maiwasang marinig ni Pham ang pinag-uusapan ng mga ito.

“I miss you, Marcus,” sabi ng babae. “I hope you invite me soon.”

Ngumiti ang lalaki. “I’m sorry, Tina, that’s not my call.”

Sumimangot ang babae. “Gusto ulit kitang makasama. It’s been a long time.”

Napaingos si Pham nang hindi nawala ang pekeng ngiti sa mga labi ni Marcus. Kawawang babae. Pinaglalaruan lang ng hinayupak.

Sa sobrang inis niya, hindi na siya bumalik sa mesa nila. Tuloy-tuloy na siyang umalis ng restaurant. Hindi pa lumilipas ang tatlumpung minuto mula nang makabalik si Pham sa kanyang flower shop ay bumukas ang pinto ng maliit niyang opisina saka pumasok si Marcus. Akala niya ay magagalit ito, pero kabaliktaran ang emosyon sa mukha nito. May inilapag itong paper bag sa ibabaw ng mesa niya.

“Hindi ka pa nag-aagahan at nanananghalian.” Umupo ito sa visitor’s chair. “That was rude of you, by the way.”

Hindi siya umimik at ipinagpatuloy lang ang pamimili ng bulaklak na bibilhin niya sa susunod na delivery.

“Fatima, kinakausap kita.” May diin ang boses ni Marcus.

Gusto niyang irapan ang lalaki, pero pinigilan niya ang sarili.

Tumingin siya kay Marcus. “Ano ba ang kailangan mo sa akin?” malamig ang boses niyang tanong. “I’m pretty sure that you can do whatever business you have to do here without pestering me. Bakit ba nasa harap kita ngayon?”

“Kasi kailangan mong kumain?” patanong nitong sagot.

Tiningnan niya ito nang masama. “Baka may lason `yan, mamatay pa ako. No thanks.”

“Kainin mo `yan.” Tumayo na ang lalaki at naglakad paalis. “I’m leaving.”

Nakahinga siya nang maluwag nang makaalis na si Marcus sa kanyang opisina. And then her eyes fell on the paper bag. Mabilis niyang binuksan iyon at umikot ang kanyang mga mata nang makita ang laman niyon. Ang pagkaing hindi niya kinain sa Yanzee’s Restaurant.

That man was confusing at times.

PAGKASARA ni Pham sa flower shop, dumeretso siya sa Love Cafe kung saan sila magkikita ng matalik niyang kaibigang si Gail. Nandoon na ito at naghihintay sa kanya.

“Sorry, Pham, um-order na ako,” sabi ni Gail nang makaupo siya. “Ang tagal mo kasi.”

“It’s okay.” Umayos siya sa pagkakaupo at tiningnan ang pagkain sa mesa nila.

Nalukot ang mukha ni Pham nang makita ang lalagyan ng carbonara na in-oder nito. Nakalagay iyon sa isang pinggan na hugis-puso.

“Bakit ba gustong-gusto mo ang cafe na `to?” Hindi maipinta ang mukha niya.

Maarteng pumilantik ang kamay ni Gail at hinawi ang buhok na nakatabing sa braso nito. “Nakakatawa kasi sila, eh. Pati lalagyan ng pagkain, hugis-puso, eh, wala namang forever. Kalokohan. Sarap pagbabasagin.”

“Huwag mong idamay ang cafe na `to sa pagiging ampalaya mo,” natatawang sabi niya.

Gail just rolled her eyes. “Dalawang taon na akong loyal customer ng café na `to, pero hugis-puso pa rin ang mga pinggan nila.”

Pham chuckled softly. “Ikaw talaga.”

Gail just shrugged. “Anyway, bakit nakipagkita ka sa akin ngayon? May nangyari ba?” Gail knew her too well.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Marcus is in the city at sa bahay siya mananatili ng dalawang linggo.”

Napapalatak ang kaibigan niya. “Damn! Kumusta ka naman? Ayos lang ba sa `yo? Siguradong pagtutulungan ka ng pamilya na `yon para lang umalis ka sa bahay nila.”

“`Yon nga ang iniisip ko. Maliban sa wala akong bahay na malilipatan agad-agad, ayokong umalis sa bahay na `yon. Martin and I made memories in that house and I’m not yet ready to let go and move on.” Huminga siya nang malalim. “Pero may choice ba ako? Bahay `yon ng mga magulang nila. Mas may karapatan sila kaysa sa akin. Nakikitira lang ako.”

Umirap sa hangin si Gail. “Hindi naman `yon problema. Mag-hotel ka muna habang nasa bahay si Marcus.”

“It’s not that easy.” Bumagsak ang mga balikat ni Pham. “He warned me not to stay in a hotel while he’s staying in the house. Gusto yata akong i-torture ng hinayupak na `yon. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay, pero ayoko ng gulo.”

Umirap na naman ang kaibigan niya. “O, `tapos? Magpapasindak ka sa kanya?” tanong nito. “Kailan ka pa nagpasindak kay Marcus Dela Cruz?”

Nawalan ng imik si Pham. Tama si Gail. Ngayon pa ba siya magpapasindak kay Marcus?

“Hindi ako takot sa kanya,” sabi ni Pham habang pasimpleng kinakapa ang imbitasyong natanggap niya kahapon sa shop. “Hindi niya ako mapipigilang umalis ng bahay.”

“That’s my best friend.” Tumayo ito para yakapin siya. “Huwag kang masyadong magpapaapi sa mga magulang ng asawa mo, masama `yon sa kalusugan. Alam ko naman kung bakit hindi ka makaalis-alis sa bahay na `yon kahit pa nga pinagsasalitaan ka ng hindi maganda. Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, ha?”

“I will.” Nginitian niya ito at hinalikan sa pisngi. “Salamat dahil lagi kang nandiyan para sa akin.”

“Ikaw rin naman.”

Bumalik si Gail sa upuan nito. Inumpisahan na nilang kainin ang in-order nito.

GABI na nang makauwi si Pham sa bahay. Namasyal pa kasi sila ni Gail. At tulad ng hinala niya, nasa sala si Marcus at parang balak nitong sirain ang kanyang gabi. Mabuti na lang at wala ang ina nito para dumagdag sa sisira sa gabi niya.

“It’s late,” agad nitong sabi na kanyang ikinainis.

“Kasama ko ang kaibigan ko.” Pinipigil niyang sigawan ang lalaki.

“Oh, really?” May pagdududa sa boses nito.

Inirapan niya si Marcus. “Akala ko ba hindi ko mararamdaman ang presensiya mo habang nandito ka? Ano `to?”

“Baka naman iba ang kasama mo.” May pagdududa pa rin sa boses ng lalaki.

“Anong ipinapahiwatig mo?” mataray niyang tanong. “Na may ibang lalaki ako?” Nagtatagis ang bagang niya sa sobrang galit.

“Probably.”

Mapaklang natawa si Pham at matalim ang mga matang tiningnan ito nang masama. “I love my husband. And you have no right to question that.” Pagkasabi niyon, umakyat siya ng hagdan at nagpunta sa kuwarto niya.

Pham automatically sought her wedding ring to calm her down. Maingat siyang humugot ng malamin na hininga at maingat ding pinakawalan iyon. Pagkatapos ay umupo siya sa gilid ng kama niya. She opened her bag and took out the invitation.

Temptation Island.

Para makatakas sa presensiya ni Marcus Dela Cruz, pupunta siya sa isla. At least, kahit pansamantala lang, makakapagpahinga siya. Pero babalik din siya… babalikan niya si Martin. Kailangan lang niya ng kaunting pahinga mula sa masasakit na salita na natatanggap araw-araw sa pamilya nito.

MARCUS groaned at the sound of his phone ringing. Kahit inaantok, sinagot niya kung sino ang tumatawag.

“Marcus speaking. Who’s this?” tanong niya sa nasa kabilang linya.

“This is Lucas.”

He groaned and pushed himself to get up from the bed. Lucas Monasterio would never call just to say hi.

“May kailangan ka?” Tiningnan niya ang relo sa nightstand. “It’s just nine in the morning, my friend. You are pestering my sleep.”

Lucas just chuckled at his complaints. “Fatima Dela Cruz. Does that name ring a bell?”

Natigilan si Marcus. Nagsalubong ang mga kilay niya. “Why are you asking?”

“Because...” Lucas drawls. “She just signed an agreement that whatever happens in the island, stays in the island.”

Fuck!

“No, she didn’t...”

“Yeah, she did. Just now actually.”

Kumuyom ang kamao niya. “Ano bang iniisip ng babaeng `yon? She said she’s not interested to come.” Iyon ang naging sagot ni Fatima nang tanungin niya ito tungkol sa Temptation Island.

Lucas clucked his tongue. “Looks like she changed her mind. She’s off to the island as we speak.”

“Fuck!”

“Yeah.”

“I will kill her for lying to me.”

Tumawa ang kausap. “You better get to her first, before the wolves feast on her. No one will force her to do what she doesn’t want to do, pero kilala mo naman ang mga miyembro ng isla. Hindi sila titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto nila.”

His mood darkened. “If they touch any part of Fatima’s body, I will shoot them. Mark my word, Lucas.”

Lucas gave out a rich and thick laugh. “My friend, who put you in charge of her body? Last time I checked, she was your brother’s wife, not yours.”

Marcus grimaced in irritation. “Who sent the invites anyway?”

Lucas was silent for a second. “You.”

“Ako?” Napasigaw siya sa gulat. “Paanong nangyari `yon? I still have my invitation with me and—” Napatigil siya sa pagsasalita at mabilis na binuksan ang attaché case na ipinakuha kay Tariq sa isla dahil nakalimutan niya iyon. Tamang-tama naman na paalis na ito ng isla. “Fuck!” Malakas siyang napamura nang makitang wala sa loob ng attache case ang invitation card.

“What?”

“Tariq sent the invites using my invitation.” His jaw tightened.

Tumawa lang si Lucas. “Well, mabilis talaga ang kamay niyang si Tariq.”

Sunod-sunod siyang napamura. “Send the chopper to my building. I’m coming.”

“Copy that, my friend.”

Nang mawala ang nasa kabilang linya, mabilis na nagbihis at nag-impake si Marcus.

That woman! She would pay for not thinking straight and for setting foot on that island!

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings