Ex with Benefits 1 - Chapter #4 - Free To Read

Chapter 3

select arrow

Chapter 3

"No, Adam! You cannot do this to me!"

"I'm sorry Maileen, but I'm inlove with someone else," papasok pa lang ako sa party at yan na ang naririnig ko.

"You're lying! Sinasabi mo lang yan para pagselosin ako. You don't need to do that. You know I'm all yours," sabi nung babae.

"No. Really. I'm inlove with someone else. I'm sorry,” at lumingon sa akin si Adam. "There you are! Babe," lumapit ako kay Adam. Hinalikan niya ako at humawak siya sa bewang ko.

Kitang kita sa mukha ng babaeng kausap niya ang galit. Eh kahit naman ako, kahit sa akin gawin yon, masarap talagang pumatay.

"Pagsisisihan mo ‘to Adam!" sabi nung babae at umalis na siya.

"Thanks, Arkisha. Finally! Mawawala na siya sa buhay ko. Napakapossesive kasi ng babaeng yun," sabi sa akin ni Adam at hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa bewang ko.

Teka? Yun na ba yun? As simple as that? Ang bilis naman pala.

"Did you see her face? Hahaha! Halos patayin niya tayong dalawa," tatawa-tawang sabi ni Adam.

"Oo, halos sakalin na niya ako at kung ginawa niya yun, lagot ka sa akin," naiinis kong sabi.

Buti na lang talaga, hindi ako sinaktan ng babaeng yun.

"I wont let her do that," sabi ni Adam at nginitian ako.

P*cha! Ang gwapo niya talaga!

"Okay, since it’s over now, pwede mo ng tanggalin ang kamay mo sa bewang ko tapos uuwi na ako at yung usapan natin, huwag mong kakalimutan," sabi ko sa kanya at unti-unti kong inalis ang kamay niya sa bewang ko pero mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin at hinila niya ako papalapit sa kanya.

"No way baby, the party is just getting started,” bulong niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

Teka, kanina pa ‘to nanananching saken akin, ah!

Inilayo ko ang katawan ko sa kanya.

"Adam, I have ‘to go, maaga pa ang klase ko bukas," sabi ko.

"Iiwan mo ba talaga ako dito nang mag-isa?" tanong niya gamit ang nagpapaawang boses.

"Mag-isa? Eh ang dami-dami namang tao dito, o!"

Birthday party kasi ngayon ng kaibigan niya.

"Tsaka madami namang babae dito, I'm sure mage-enjoy ka kapag umalis na ako," sabi ko. Hinawakan niya ako sa kamay.

"No. You're not going anywhere. Ikaw ang gusto kong makasama tonight."

Tiningnan niya ako sa mata. Tonight lang? Ako nga gusto ko forever eh.

Sh*t! Adam, wag kang ganyan. You know I can’t resist you.

"Adam, alam mo naman na ayoko ng mga party na ganito diba, makipagsayaw ka na lang sa iba."

Hinawakan niya ulit ang bewang ko. This time, with his two hands. Naamoy ko ang pabango niya. Pwede bang amuyin ko na lang siya magdamag? Inilapit niya ang katawan ko sa kanya.

"Adam..."

Napapalunok ako. Eh paano naman kasi, kung saan-saan nakatingin ang mata niya. My dress is a little bit revealing kasi. Inilagay ko ang kamay ko sa mata niya.

"Alisin mo yan," sabi niya.

Alin?

Siya na ang nagtanggal ng kamay ko na nasa mata niya. Nakatingin pa rin siya on my chest.

"Bakit ka namboboso ha?!" singhal ko na sa kanya.

"Hindi ako namboboso. Sino ba ang may sabi sayo na magsuot ka niyan? Let's go!" at hinila niya ang kamay ko palabas.

Saan naman kaya kami pupunta?

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings