Chapter 1
HINDI raw natin maaaring piliin kung kanino tayo mai-in love.
Kung minsan daw kasi, kapag tumibok ang puso ng isang tao, titibok ito para sa taong hindi mo inaasahan. Pwede kang mahulog sa taong ayaw mo naman mahalin. Pwede kang ma-in love sa taong alam mo namang wala kang ni katiting na pag-asa.
Ganoon kakomplikado ang puso ng isang tao.
Pero kapag na-in love ang puso natin, wala na tayong magagawa. Wala na tayong kawala. Magiging alipin na tayo nang nararamdaman natin.
Minsan pa, kailangan nating itago ang nararamdaman para sa isang tao. Lalo na kung na-in love ka sa isang tao na alam mong wala kang pag-asa. Wala rin kasing patutunguhan. Para ka lang nag-ipon ng tubig sa isang balde na may butas naman.
O kaya naman, na-in love ka sa best friend mong alam mo sa sarili mo na never kang makikita kung papaano mo siya nakikita. Hindi mo maaaring sabihin sa kanya dahil nga ayaw mong masira ang pagsasama ninyong dalawa, kaya kailangan mo na lang makuntento sa kung anong mayroon kayo.
Kahit masakit, kailangan mong itago at magpanggap sa araw-araw na wala kang nararamdaman sa kanya. Kahit na ba tuwing nakikita mo siya, gustong-gusto mo nang sabihin sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kung gaano ka nasasaktan tuwing may kasama siyang iba.
Parang pinupunit ang puso mong sa sobrang sakit tuwing nangyayari iyon. Pero kailangan mo ipakita na hindi ka nasasaktan. Na hindi ka naaapektuhan. Kasi nga best friend ka lang at wala kang karapatan magselos. Kailangan mong indahin ang sakit na nasa puso mo kahit na gusto mo nang isigaw sa pagmumukha niya na ang sakit-sakit na.
Sana nga pwede natin pigilan ang nararamdaman natin sa isang tao, `no?
Eh, di sana, hindi ako nahihirapan nang ganito. Eh, di sana, kaya ko siyang tingnan na walang pagmamahal na hihigit pa sa best friend ang makikita sa mga mata ko.
Eh, di sana, kahit naririnig ko si Shaun sa kabilang kuwarto na may kasamang babae, hindi ako nahihirapan… at nandidiri. Eh, di sana, hindi kumikirot ang puso ko.
Pero hindi, eh. Tuwing nag-uuwi siya ng babae rito sa condo na tinitirahan naming dalawa, torture sa akin. Para akong binabalatan ng buhay at binubudburan ng asin sa sobrang sakit.
Muli na naman akong napapikit nang mariin nang marinig ko na naman ang pag-ungol ng babae na kasama ni Shaun sa kabilang kuwarto. Kahit ilang beses na naulit ang eksena na ito, hindi pa rin talaga ako nasasanay. Nahihirapan and at the same time, nandidiri pa rin ako tuwing naririnig ko ang pag-ungol at tunog ng kama na ginagawa nila Shaun. Nai-imagine ko kasi silang dalawa.
Sinalpak ko na lang sa mga tainga ko ang earphones at nilakasan ang kanta para hindi ko na marinig ang mga nakakadiring ingay mula sa kuwarto ni Shaun.
May early exam ako sa first subject ko bukas kaya kailangan kong mag-review. Kahit ang sakit sa tainga dahil sobrang lakas ng kanta, wala na akong pakialam. Mas okay na ito kaysa pag-ungol at tawanan nila Shaun ang marinig ko. Nakakataas ng balahibo.
At nakakasakit ng puso.
Sighed.
Kung kaya ko lang umalis sa condo na `to matagal ko nang ginawa, eh. Pero hindi ko naman kaya. Tuwing nakikita kong malungkot si Shaun, talo na agad ako. Nagiging tanga na naman ako. Mas nangingibabaw na naman ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.
Besides, ibinilin siya sa akin ng mommy niya. Ayokong ma-disappoint sa akin si Tita. Ako lang ang inaasahan niyang titingin kay Shaun dahil wala sila ni Tito sa Pilipinas. Ang daming naitulong ni Tita sa amin ng pamilya ko kaya sa ganitong paraan na lang ako makakabawi.
Pinagpatuloy ko na lang ang pag re-review ko kaya hindi ko na namalayan na ala-una na ng madaling araw. Tinanggal ko ang earphones sa tainga ko, saka pinakiramdaman ang paligid. Tahimik na sa kuwarto ni Shaun. Mukhang nakatulog na silang dalawa dahil sa sobrang pagod.
Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Inilapag ko sa gilid ko ang librong binabasa, saka kinuskos ang mga mata ko dahil bahagya itong sumakit.
Matutulog na sana ako nang bigla ako makaramdam ng uhaw. Tinatamad na akong lumabas pero ayaw ako patahimikin ng lalamunan ko. Lumabas na tuloy ako ng kuwarto.
Madalim na ang buong condo. Agad akong dumeretso sa kusina para kumuha ng tubig. Bahagya pa akong napahinto sa saradong pinto ng kuwarto ni Shaun, saka napailing-iling. Kumirot ang puso ko nang ma-imagine ko si Shaun na natutulog habang kayakap ang babaeng kasama niya.
Hay.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, bumalik na ako sa kuwarto. Napahinto lang ako sa pagpasok nang biglang bumukas ang pinto papuntang balcony at iniluwa nito si Shaun na short lang ang suot at walang pang-itaas na damit. Nakabalandra sa harap ko ang maganda niyang katawan. Ang katawan niyang pinagsawaang hawakan ng babae sa kuwarto niya.
“Ohh.” Nagulat si Shaun. Hindi niya yata inaasahan na gising pa ako. “Gising ka pa pala. I thought you were asleep already.”
“Yeah. Nag-review ako. Sige. Goodnight,” malamig kong sagot. “Matulog ka na rin. Nakainom ka ng alak, `di ba? Saka halatang pagod ka.”
Bahagyang napaawang ang bibig ni Shaun. Napatitig siya nang seryoso sa akin.
“Are—are you mad?” naalarma niyang tanong.
Shaun and I had been best friends since we were kids. We were both seven years old nang ipinakilala kami ng mga magulang namin sa isa’t isa. Naging close agad kami magmula noon.
Kaya alam na namin pareho ang takbo ng utak ng isang tao. Kahit hindi kami magsalita, alam namin kung galit ang isa’t isa. O kung masaya kami. O kung may problema. Kumbaga parang may special bond sa aming dalawa na connected sa utak ng bawat isa.
Ang weird nga lang dahil hindi niya ramdam na mahal ko siya more than being best friends. O baka naman sadyang magaling lang akong magtago? Kaya kahit nasasaktan na ako’t nahihirapan sa mga ginagawa niya, hindi siya humihingi ng sorry. Naitatago ko rin kasi ang sakit na nararamdaman ko.
“I’m not. Bakit naman ako magagalit?” pagkaila ko.
“You can’t lie to me, Chinnie,” sabi niya. “Ramdam kong galit ka. Galit ka ba dahil nag-uwi na naman ako ng babae ngayong gabi. Look, I’m so sorry.” Hinaplos ni Shaun ang sarili niyang buhok. “I’m really really sorry, Chinnie. Masyado lang akong lasing kaya dito ko siya nadala instead sa hotel. Hindi nga ako makatulog dahil naisip kita. Nang mawala ang lasing ko, kinatok kita pero hindi ka sumagot. So, I assumed that you were already asleep. Sorry talaga, Chinnie.”
Ganito si Shaun tuwing alam niyang galit ako. Humahaba ang mga sinasabi niya at todo-paliwanag siya. He looked so frustrated. Parang bata na nakikiusap na huwag iwanan.
Sinubukan niya akong lapitan pero natigilan siya sa sinabi ko.
“Hindi ako galit.” Malamig pa rin ang boses ko. “Shaun, this is your condo. `Andito lang ako dahil nakiusap ang mommy mo na samahan kita. Pero it does not mean na maaari na akong magalit tuwing mag-uuwi ka ng babae. Pwede kang mag-uwi ng babae dito anytime you want. Kahit ilan pa. I’m not mad, Shaun. Wala akong karapatan.”
Tumalim ang titig ni Shaun. Ayaw na ayaw niyang sinasabi ko iyan. Palagi niya kasing sinasabi na sa amin dalawa `tong condo. Na hindi siya bibilhan kung hindi rin dahil sa akin.
“The heck with that. Hindi ko lang condo `to. Binili `to ni Mommy para sa ating dalawa. Hinayaan niya akong tumira rito dahil kasama kita. Huwag mo sasabihing wala kang karapatan dahil for Peter’s sake, Chinnie, you are important to me. You are my best friend.”
Kumirot ang puso ko. Best friends. Oo nga pala. Best friends kaming dalawa.
“Yeah. Best friends tayong dalawa. Pero hanggang doon lang iyon, `di ba? Kaya bilang best friend mo, susuportahan kita sa mga ginagawa mo. Susuportahan ko `yang pagiging playboy mo.”
“Chinnie,” he called my name.
Mahina ako tuwing sa ganoong paraan niya tinatawag ang pangalan ko, pero kailangan ko muna siyang tiisin ngayong gabi dahil minsan, sobra na ang mga ginagawa niya.
Nakakapagod magpanggap na galit ka sa kanya dahil ang totoo, nasasaktan ka lang.
Hindi ko naman siya pwedeng sumbatan dahil nga katulad ng sabi niya, best friends kaming dalawa. Best friend niya ako at hindi girlfriend kaya wala akong karapatan na magalit tuwing nag-uuwi siya ng babae. Hindi dapat ako masaktan at magselos dahil hanggang best friend lang ako.
Iyon lang ang posisyon ko sa buhay niya. Best friend na dapat sinusuportahan siya sa lahat ng bagay. Sa lahat ng ginagawa niya. Kahit na nakakasakit na ito sa parte ko.
“Good night, Shaun,” huli kong sinabi saka dali-daling pumasok sa loob ng kuwarto ko.
Sinubukan pa ni Shaun na katukin ako pero hindi ko siya pinagbuksan.
Humiga agad ako sa kama, saka nagtalukbong ng kumot.
“Chinnie, I’m so sorry. Ayokong matulog ka na magkagalit tayo. I’m so sorry. Open this door. Let’s talk, please!” sabi niya habang patuloy na kumakatok.
Ayaw talaga ni Shaun na nagkakagalit kami. Nahihirapan daw kasi siya dahil nasanay siya na magkasundo kaming dalawa noong mga bata pa lang kami.
“Hindi nga ako galit! Go away, Shaun! I’m tired. Good night!” sigaw ko.
Pinipigilan ko ang panginginig ng boses ko dahil ayokong malaman niya na naiiyak ako.
“We will talk tomorrow, okay? Good night, Chin!” muli niyang sagot. “Good night, best friend!”
Good night, best friend. Umulit sa utak ko ang sinabi ni Shaun.
Habang nakahiga ako sa kama, hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. Hinayaan ko lang ito umagos mula sa pisngi ko papunta sa unan na hinihigaan ko.
Nakakapagod din pala minsan magpanggap na hindi ka nasasaktan lalo na’t paulit-ulit mong nararanasan ang isang bagay. Hindi ako iyakin na tao. Ilang beses na rin ginawa ni Shaun ang mag-uwi ng babae rito. Pero ngayon lang. Ngayon lang talaga ako napaiyak sa sobrang sama ng loob.
Minsan gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero naisip ko na wala ring saysay. Magugulo lang kung ano mang set up namin ngayon. Pinilit ko na lang makuntento sa role bilang best friend niya. Sa best friend niyang walang karapatan na masaktan at magreklamo tuwing iba’t ibang babae ang kasama o inuuwi niya rito.
Sana talaga, may kapangyarihan ang isang tao na pigilan ang nararamdaman niya. Eh, di sana hindi ako umiiyak nang dahil kay Shaun Eliseo Valentin.
Ang best friend kong hindi alam na pasekreto ko na siyang minamahal.
Ang best friend kong hindi aware na nasasaktan na niya ako nang paulit-ulit.
Dahil sa sobrang pagod, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
I fell asleep thinking that being in love with your best friend was one of the hardest things in life.
ALAS-SIYETE na ng umaga nang magising ako dahil sa tawag na nagmumula sa cell phone ko.
Antok na antok kong sinagot `to. Gusto kong magalit sa kung sino mang tumatawag dahil naistorbo ang pagtulog ko pero hindi natuloy ang galit ko nang mabosesan ko kung sino siya.
Si Tita MJ pala. Mommy ni Shaun. Napabalikwas ako sa kama at biglang napaupo.
“Hello, Tita?” magalang kong sagot.
“Hello, Chin. Nagising ba kita? Alas-siyete pa lang ng umaga diyan, `di ba?”
Nasa America si Tita MJ kasama ang asawa niyang si Tito Ross dahil basketball coach si Tito Ross sa isang high school doon. Umuuwi lang sila rito tuwing may okasyon.
“Opo, alas-siyete pa lang po. Pero hindi n’yo po ako nagising. Mabuti nga po tumawag kayo at nagising ako kung hindi, hindi ako makakapasok sa first class ko. May exam pa naman kami.” Tumawa si Tita sa linya. “Bakit po pala kayo napatawag, Tita?”
“Gusto ko lang kayo i-check ni Shaun. Kumusta kayong dalawa diyan? Nagtitino ba si Shaun? Pumapasok ba `yan sa mga klase niya?” sunod-sunod na tanong ni Tita.
Napakagat ako sa sarili kong labi dahil naisip ko na ang aga-aga, eh, magsisinungaling agad ako.
“Matino naman po si Shaun, Tita. Pumapasok po siya sa school,” sagot ko “Pero — ”
“Pero babaero pa rin?”
“Opo, Tita. Hindi pa rin nagbabago.”
“Hay. Ewan ko ba sa batang `yan. Bakit ba naging ganyan, eh, hindi naman babaero si Papa niya noong kabataan naming dalawa. Saan ba nagmana `yan si Shaun? Sumasakit ang ulo ko sa kanya,” sagot niya.
Napangiti ako sa sinabi ni Tita. Alam ko kasi ang kwento ni Tita MJ at Tito Ross dahil kinuwento ito ni Mama sa akin dati. First ni Tita at Tito ang isa’t isa `tapos silang dalawa pa ang nagkatuluyan. Bihira na lang mangyari iyong ganoon sa totoong buhay, `di ba? Mabuti pa si Tita naranasan iyon.
Ako kaya mararanasan ko rin iyon? Mukhang malabo, eh.
“Kung makakahanap lang talaga sana si Shaun ng isang babae na makakapagpatino sa kanya, eh, di masayang-masaya na ako. Hay. Sana ikaw na `yon, Chin. Wala ba talagang pag-asa? Wala ka ba talagang gusto sa anak ko? Kahit naman pasaway `yan, alam natin pareho na mahal na mahal ka niyan, `di ba?”
Mapakla akong napangiti.
“Tita, mahal ako ni Shaun bilang best friend niya. Sa paraang iyon lang niya ako nakikita. Mahal ko rin naman siya, eh. Pero hanggang best friend lang din.”
She sighed. “Hay. Sana kayo na lang ang magkatuluyan.” Napatahimik ako.
Gusto niya kaming dalawa na lang ni Shaun ang magkatuluyan. Eh, si Shaun ba? Ni minsan ba naisip niya na sana kaming dalawa ang magkatuluyan? I bet not. Huwag akong umasa.
“Hello, Chin. `Andiyan ka pa ba?”
“Opo, Tita. `Andito pa ako.”
“Sige na pala, Chin. I-o-off ko na `tong call. Magluluto na ako’t padating na si Tito Ross mo,” paalam niya. “Sabihin mo na lang sa anak kong matino na umayos siya. Tinatawagan ko siya pero hindi sinasagot, eh. Mukhang tulog pa. Gumimik ba iyon kagabi?”
Gusto ko sanang isagot na, “Opo, Tita. Nag-uwi na naman nga ng babae.” Kaso hindi na lang. Hindi ko ugaling magsumbong dahil baka makarating pa kay Tito Ross at mayari lang si Shaun.
Kahit naman naiinis ako sa mga pinaggagawa ni Shaun ayoko pa rin siya mapahamak, `no. Concern pa rin ako sa kanya bilang best friend niya.
“May exam kami, Tita, napuyat si Shaun sa pagre-review,” pagsisinungaling ko. “Sige po, Tita. Sasabihin ko. Ingat po kayo ni Tito Ross diyan.”
“Kayo rin ni Shaun diyan. Mag-i-Skype kami mamaya ni Mama mo. Ikukwento ko ang mga nangyayari diyan,” huling sinabi ni Tita saka in-end na ang call.
Ang aga-aga napahugot ako ng malalim na buntong-hininga.
Nagsuot ako ng slippers, saka lumabas ng kuwarto ko.
Saktong paglabas ko ng kuwarto, kakalabas lang din ni Shaun sa kuwarto niya. Napatingin siya sa akin pero umiwas agad ako ng tingin. Dali-dali akong pumunta sa kusina para magmumog.
“Chinnie,” tawag niya habang nakasunod sa akin. “Let’s talk. Sorry about last night.”
Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagmumumog.
“Alam kong nagalit ka dahil sa pag-uwi ko ng babae rito. `Tapos narinig mo pa `yong mga bagay na hindi mo dapat narinig. Hindi na mauulit. Promise, last na `to.”
Idinura ko sa lababo ang tubig sa bibig ko, saka siya hinarap.
“Iyan din ang sinabi mo no’ng last time, Shaun. Saka no’ng last last time. Pati rin pala no’ng last last last time. Pero ano? Naulit pa rin, `di ba? Pwede ba, huwag kang humingi ng sorry sa bagay na paulit-ulit mo namang ginagawa? Nawawalan kasi ng sense ang salitang sorry, eh. Nagiging ordinaryong salita na lang siya nang dahil sa mga katulad mo.”
Napatitig si Shaun sa akin habang nakakagat sa sarili niyang labi. Para siyang bata na pinapagalitan ng magulang dahil sa kasalanang nagawa niya.
Mahina ako tuwing ganyan ang expression niya. Mabilis natutunaw ang galit ko tuwing nakikita ko ang expression niya na parang inaapi.
I sighed. “Look, hindi ako galit, okay?” I lied again. “I’m just pissed off. Nagre-review kasi ako `tapos maririnig ko `yong ungulan n’yong dalawa ng kung sino mang babae ang kasama mo ngayon. Paano kung bumagsak ako sa exam? Paano kung nawala ang scholarship ko? Hindi kami mayaman, Shaun. Hindi ko afford ang tuition fee sa school natin.”
“Pwede ko naman sabihin kay Mommy na pag-aralin ka na lang niya. For sure, hindi ka niya tatanggihan. `Di ba, nag-offer na siya sa `yo na sasagutin na rin niya ang tuition mo?”
Napa-face palm ako. Minsan talaga hindi ginagamit ni Shaun ang ulo niya. Palagi kasing iyong ulo niya sa loob ng short ang pinapagana niya.
“Hindi `yan ang point, Shaun. Ang point ko rito, sana sa susunod, itaon mo naman na wala ako rito kung mag-uuwi ka ng babae. Ang hirap kasi mag-focus sa pag-aaral, eh,” sagot ko. “Besides, malaki na ang naitulong ni Mommy mo sa akin at sa amin. Binigyan niya na nga ako ng libreng tirahan. Pati ba naman libreng tuition sa kanya ko iaasa? `Kapal naman ng mukha ko.”
“Sorry,” sabi niya. “Hindi na talaga mauulit.” Napakagat na naman si Shaun sa labi niya.
Lumitaw tuloy ang dimples sa magkabila niyang pisngi.
“Promise?”
“Promise.” Nagtaas pa ng kanang kamay si Shaun kaya humulma ang muscle sa braso niya.
Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil masyadong nakaka-distract at nakaka-attract.
“Thank you, Chin.” Lumapit sa akin si Shaun, saka niya ako niyakap nang mahigpit. “Hindi mo talaga matiis `tong sira-ulo at gago mong best friend, `no? Nagtataka talaga ako kung bakit kaya mo akong patawarin ng paulit-ulit kahit na hindi ko deserve ang patawad mo.”
Hinalikan pa ni Shaun ang tuktok ng ulo ko at inamoy ang buhok ko. Palagi niya itong ginagawa. Gustong-gusto niya raw kasi ang amoy ng shampoo ko. Ang weird talaga niya minsan. Parehas lang naman kami nang gamit na shampoo, eh.
Natural mahal kita. Masyado ka lang manhid kaya hindi mo ramdam. Gusto ko sanang sabihin `yan kaso hindi pa ako ready sa magiging sagot niya.
Saka siguradong tatawanan niya lang ako. Isa pa naman iyon sa pinakamasakit na mararanasan ng isang tao. Iyong tatawanan ka kapag umamin ka na mahal mo siya. Ginagawa niya kasing biro ang nararamdaman mo para sa kanya.
“Alam ko kasing hindi mo kayang mabuhay na wala ako,” I joked.
Natawa si Shaun. “Oo naman, `no. Mawala na lahat huwag lang ikaw,” sabi niya. “As long as you’re by my side, I don’t fuckin’ care about the world.”
Napangiti ako nang mapakla sa sarili ko dahil sa sinabi niya.
Mawala na daw lahat huwag lang ako. Ang sarap sanang pakinggan kung hindi lang dahil best friend ang tingin niya sa akin. Darating pa kaya iyong moment na makikita ako ni Shaun na nagmamahal sa kanya bilang babae at hindi bilang best friend niya na minamahal siya?
Ang dali-dali lang aminin na mahal ko siya. Pero ayokong mag-risk. Masyadong maraming consequences na kapalit kapag nagkataon. Saka masyadong maraming rason ang pumipigil sa akin na huwag umamin. Kailangan ko na talagang makuntento sa kung anong meron kami.
Kahit mahirap. Kahit masakit. Kailangan kong magtiis sa paraang kung saan kami mas tatagal.
Nagluluto na ako ng almusal habang si Shaun naman ay nakatayo sa gilid ko. Nagkukwentuhan kaming dalawa. Nami-miss niya na raw ang pasta na niluluto sa restaurant na pag-aari ng pamilya nila. Namana niya ang hilig sa pasta at carbonara kay Tita MJ.
Napatigil lang ang pag-uusap namin nang may marinig akong boses na nagsalita. Pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko ang isang maganda at halatang malanding babae na lumabas ng kuwarto ni Shaun. Nakasuot na ito ng dress niya na halatang inaantok pa.
“Shaun, baby, bakit hindi mo ako ginising?” malanding bati nito kay Shaun.
Napaikot ako ng mga mata.
Maka-baby kay Shauan. Anak mo, `te? Ikaw nagpalaki kay Shaun?
“You need to go home now, Elena,” malamig na sagot ni Shaun. “You were not supposed to spend the night here. Kaya umuwi ka na agad.”
“I’m not Elena. I’m Stela,” inis na sagot ng babae. “Later na ako uuwi. Gusto ko munang mag-breakfast. Yaya, patimpla nga ako ng coffee. No sugar. Thanks.”
Parehas kaming nagulat ni Shaun nang tawagin akong yaya nitong babae. Magre-react na sana ako pero naunahan na ako ni Shaun. Gumuhit ang galit sa mukha niya.
Dali-dali siyang lumapit sa babae at marahas itong hinablot sa braso.
“Ouch. Masakit, Shaun! Ano ba?”
“Go the fuck home!” gigil na sabi ni Shaun sa babae habang hila-hila ito papuntang pintuan.
Padabog na binuksan ni Shaun ang pinto, saka niya pinalabas ang babaeng si Stela.
“Asshole!” sigaw ni Stela. “Hindi ka na makakaulit sa akin, Shaun! Tandaan mo `to!”
“Wala naman akong plano na umulit sa `yo. I’m done with you. Good-bye, Elena!” sagot ni Shaun saka padabog din na sinarado ang pinto.
“I’m not Elena. I’m Stela! You asshole!”
Nagtititili pa `yong Stela sa labas ng condo pero hinayaan na lang ni Shaun.
Humarap siya sa akin saka ngumiti. “Sorry.”
“Whatever,” sagot ko saka siya inirapan at bumalik sa pagluluto.
Maraming rason ang pumipigil sa akin sa pag-amin kay Shaun sa totoong nararamdaman ko sa kanya. Unang-una na diyan na tinatapon ni Shaun na parang bubble gum ang isang babae once na tapos na siya rito. Wala siyang pakialam kahit masaktan ka pa.
Paano kung ganoon din ang mangyari sa akin. Makakaya ko ba?
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock