Danilo Cardinal (Cardinal Bastards Series 6) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 3

select arrow

Chapter 3

“H ERUNTERKOMMEN!” utos ng boses kay Alexandra. “Sofort!” the male voice demanded. It meant “At once!” Ikalawang pag-uulit na nito at nag-alala si Alexandra na mabaril nang ganoon na lang. She wanted to at least see the face of the man who worked for the rapist Bolotnikov .

Marahang humakbang pababa ng hagdan si Alexandra at pumihit para masorpresang makita ang isang matandang lalaki na mukhang mas matangkad lang sa kanya nang three inches. May hawak itong pala. Tulad niya, balot ang lalaki ng panlamig. Puti na ang bigote at balbas nito at parang pinatigas ng lamig. Hindi mukhang guwardiya ang lalaki, at base sa hitsura, halatang kabado.

Humakbang ang matanda palapit. Napaatras si Alexandra. Mukhang handa ang matandang hatawin siya ng nakataas nitong pala. Siguro, hardinero o maintenance personnel ito ng villa.

Naghanap siya ng palatandaang nairadyo na nito ang kanyang presensiya sa mga guwardiya, pero walang anumang indikasyon niyon. Ni walang tunog ng radyong pumapailanlang sa gitna ng gabi, wala ring suot na headset ang matanda.

Para silang naglaro—titigan, pakiramdaman. Ipinahuhubad nito ang suot niyang maskara, pero hindi siya kumilos. Dinilaan ng matanda ang mga labi, tanda ng matinding pagkabalisa. Bahagya itong lumingon sa likuran at naunawaan ni Alexandra sa sandaling iyon na kahit sumigaw ang lalaki, walang makakarinig. Napakalaki ng villa at sa tantiya niya, lima hanggang pitong minuto pa bago makalapit sa bahaging iyon ang rumorondang guwardiya. She had five minutes. No, she had less than that. Kapag naayos ang mga security camera, siguradong sasaklolo na sa matanda ang mga guwardiya.

Pasimpleng iginalaw ni Alexandra ang braso para masipat kung ilang minuto pa ang natitira sa kanya. Two minutes.

“Diebin!” Magnanakaw, iyon ang kahulugan ng isinigaw ng matanda, saka inihataw ang pala sa kanya. Agad siyang nakaiwas, saka ito hinagip sa braso na pinihit patalikod at pinatid ang paa. Bumagsak pataob ang matanda sa lupa.

I’m sorry, old man , she thought. Idiniin ni Alexandra ang tuhod sa likod ng matanda, habang hawak pa rin ito sa braso. Isang karate chop sa batok ang kanyang ibinigay na agad nagpatigil dito sa pagpalag. Parang naging automatic ang kilos ni Alexandra. Alam na niya ang mga susunod na hakbang at hindi na kailangang pag-isipan. Mabilis niyang hinila ang katawan ng matanda papunta sa likuran ng isang hedge na nakaharap sa camera. Itinago niya ang pala sa likuran ng katawan nito para hindi makapag-reflect ng anumang liwanag. Mabilis na siyang bumalik sa rope ladder at umakyat. Nagawa niyang makababa sa kabilang side nang walang aberya. Itinago na niya ang ladder sa bag pagkatapos.

Inilabas ni Alexandra ang GPS mula sa bulsa at sinunod ang nakalagay na direksiyon sa screen para makarating sa kalsadang ilang daang metro ang layo sa villa. Naroon ang rented car niya, nakatago sa pagitan ng mga puno sa tabing-kalsada. Kung may mapadaan man doon, hindi iyon agad na mapapansin. Hindi rin iyon ang kalsadang daanan papasok sa villa.

Agad siyang sumakay sa kotse at pinatakbo iyon. As she was speeding away from the scene of the crime, she felt a sense of relief. Parang nanlalaki ang kanyang ulo, sasabog ang puso sa kaba kahit tapos na ang lahat. Mainit ang kanyang mga tainga, may nginig ang mga kamay. She pulled it off. She actually pulled it off, thank God!

Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Alexandra sa magkakahalong takot, saya, at kabaliwan na rin siguro. She found it hard to breathe for a while but kept on driving. Hindi pa tapos ang trabaho. Kailangan pa niyang mailabas ng bansa ang mga alahas at madala kay Mamie Francine. Tiwala ang kailangan niya sa setup na inayos ng babae para sa kanya.

Maingat siya sa pag-iiwan ng mga ebidensiya at kahit hindi na kailangan ang iba pang gamit, piniling itago ang mga iyon hanggang makakita ng puwedeng pagtapunan. She saw a dumpster in the city and threw the items there—all clean, disassembled, and safe to dispose. Tanging ang alahas, ilang damit, at laptop ang kanyang iniwan sa backpack. Tumuloy siya sa hotel na malapit sa Geneva International Airport. Nagpalit siya ng damit bago bumaba ng kotse.

Nang makarating sa suite, tinanggal ni Alexandra ang gloves. Basa ng malamig na pawis ang kanyang mga kamay at may kaunting panginginig pa rin. Ikinuyom niya ang mga iyon, saka tiningnan ang alahas na dala. Inilagay niya sa isang lead case ang mga alahas, saka ipinasok sa isang Louis Vuitton luggage na puno ng mga damit, tulad ng bilin ni Mamie Francine. Nag-check out na siya ng hotel, tumuloy sa airport at doon isinauli ang nirentahang sasakyan. It was an old model by an old company, exactly what she needed since it had no GPS system to track each car rental.

Naalala niya ang sinabi ni Mamie Francine habang naglalakad papasok sa airport, “Oh, it ees not like the old times, mon cheri .” Mamie Francine had a thick French accent. “Airport security did not use to inspect us like a bunch of creemeenals .” Ngumiti ang babae, pinisil ang kamay ni Alexandra. “It ees the digital age, and we have gotten more creative and built a bigger network. Less profit but it ees needed, mon cheri .”

Sinabi ni Mamie Francine kay Alexandra kung ano ang gagawin para makalusot sa airport security at una doon ang pagpapadala rito ng isang text message. Mabilis niyang na-type sa phone: Your sister has arrived safely. Shall I take her to dinner?

Makaraan ang ilang segundo, nakatanggap siya ng reply: Yes. But help my brother check in first.

Nakahinga nang maluwag si Alexandra, saka ikinabit ang pulang leather bag tag sa Louis Vuitton bag. May gold stamping iyon sa unahan na “Marie Antoinette,” at sa likod ay isang pekeng address sa France. Hila-hila ang luggage, lumapit na siya sa unang entrance ng airport—base sa salitang “first” mula sa text message na natanggap. It meant it was safe to use that entrance.

Naupo si Alexandra sa isang silya at nag-text kay Mamie Francine— I’m still waiting for your brother. At tulad kanina, nag-reply agad ang babae: Just received a call from my brother. He’s already checked in.

Iyon na ang senyales ni Alexandra. Kabado siya, pero pinilit na magmukhang kalmado. Naglakad siya papunta sa check-in counter at nag-check-in na ng bagahe. Tinanong ng ground personnel kung mayroon daw bang fragile item sa bag, kung saan iling ang itinugon ni Alexandra. Makaraan ang ilang sandali, ibinigay na sa kanya ang boarding pass. Tumuloy na siya sa immigration. Bawat sandaling lumilipas, lalong dumadagundong ang kanyang puso. Sa bawat makitang naglalakad na airport police, parang mawawalan siya ng malay, inaabangan kung kailan siya dadakipin ng mga iyon. Finally, her passport was stamped. Mahigit isang oras na lang bago ang boarding. Seconds dragged on like years.

Sa wakas, inanunsiyo na ang pagbubukas ng boarding gate. Ilang minuto pa at nakasakay na siya sa eroplano. Mayamaya pa, palayo na siya nang palayo sa krimeng ginawa. Isang bahagi ng kanyang puso ang hindi pa rin matahimik. Makaraan ang mahigit isang oras na paglipad, inanunsiyo ng piloto na papalapag na sila sa Charles de Gaulle airport ng Paris. Hindi puno ang eroplano kaya nang makalapag iyon, mabilis na nakababa ang mga pasahero. Naisip ni Alexandra na baka hindi magandang mahuli siya sa baggage carousel kaya agad na ring tumayo para habulin ang agos ng tao, pero isang flight attendant ang tumapik sa kanyang balikat bago siya makalagpas sa jet bridge. Bahagya siyang napapitlag.

Ngiting-ngiti ang magandang attendant habang hawak ang Louis Vuitton baggage niya. “Ne laissez pas vos bagages, mademoiselle.”

Parang walang ideya ang flight attendant kung ano ang laman ng bagahe nang sabihing nakalimutan niya iyon. Her eyes did not reveal a single hint. Hindi alam ni Alexandra, pero sigurado siyang iyon na ang kanyang check-in baggage, napunta sa loob ng eroplano.

“M-merci!” Agad niya iyong kinuha at naglakad na rin palayo.

Natatakan ang kanyang passport at nakalabas sa siksikang airport, papunta sa malamig na madaling-araw ng Paris. Sumakay siya sa taxi at agad na nagpahatid sa tagpuan nila ni Mamie Francine—isang coffee shop na beinte-kuwatro oras bukas.

Habang sakay ng taxi, binabalikan ni Alexandra sa isip ang bawat hakbang. She was used to thinking quickly, analyzing codes had been a part of her daily ritual in TAG. Noong bata naman, may mga laro silang mag-ina na tulad niyon—puzzles, naming of countries and their cities, unit measurement conversions at napakarami pang iba. Ang maaga niyang simula sa ina sa ganoong klaseng training ang dahilan kung bakit hindi naging mahirap para sa kanya ang eskuwela at nakapagtapos nang may recognition. Now, she understood why, though it was still hard to believe. Ang lawak ng sakop ng kaalaman ng kanyang mama at kung saan pala nito ginamit iyon.

Hindi isang editor ang kanyang ina, kailanman ay hindi naging ganoon ang trabaho nito. May mga ipinakita itong libro sa kanya, textbooks sa ibang lengguwahe at naroon ang pangalan nito. Hindi siya kailanman nag-abalang i-double check dahil para saan? If she only did, she would have been puzzled.

Ang sabi ng kanyang ina, matagal na itong nag-retire sa pagiging editor. It was even before Alexandra went to college. May insurance daw ito at may kaunting investment sa stock market. Dahil hindi humingi kailanman ng pera si Alexandra sa ina mula nang magdesisyon siyang magkolehiyo, hindi na siya nagtaka pa kung paano ito nabuhay sa paraan nito sa loob ng ilang taon.

She had student loans to pay and time and again, her mother would send her money. Iginiit nitong tulungan siya, pero dahil naiisip niyang hindi naman siguro malaki ang income nito mula sa ilang shares at sa pension ng kanyang ama, sinabi niya na kaya niyang tustusan ang pag-aaral. Her mother did not insist but sent her things for school, clothes, gift checks, and sometimes even food. Malaking tulong iyon sa kanya. Noong panahong iyon, sa Peru nakatira ang kanyang ina. Her mother never stayed in one place for a long time. Magmula nang mag-aral si Alexandra sa Amerika, madalas nang nagpapalipat-lipat ng tirahan ang ina at e-mail at phone ang tanging contact nila.

Time and again, her mother would visit her. Matagal na ang isang linggo nito sa Amerika at muling aalis. Sa iba’t ibang bansa ito naglalagi, pero ang bahay nila sa Pilipinas, hindi nito ibinenta. Sino siya para kuwestiyunin ang lifestyle ng ina? She was a good mother. Alam din ni Alexandra na kung sakaling mangailangan siya ng tulong pinansiyal, madali siyang makakalapit sa ina, kahit ang hula niya ay hindi rin ganoon kalaki ang savings nito. Hindi nagpapakita ng luxury ang mga picture na ipinapadala nito sa kanya sa mga adventure sa kung saan-saang bansa. Alexandra had a feeling that her mother was backpacking through all those places she went to.

Hanggang ngayon, hindi niya alam ang totoo. Hindi niya alam ang extent ng trabaho ng ina. Hindi niya alam kung nasaan ang pera nito, kahit sigurado siyang mayroon itong naitabi. Her mother was, after all, a con artist. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niya ng pera para ma-trace ang mga trabahong ginawa nito at malaman mula roon kung sino ang posibleng pumatay dito.

Mayamaya, dumating na si Mamie Francine. Hinagkan siya nito sa pisngi, saka iniabot sa kanya ang isang sobre na agad niyang inilagay sa loob ng coat.

“Good job,” sabi nito.

“Thank you. Hopefully, the money will be enough for me to find whoever killed her.”

“I doubt eef feefty thousand weel be eenough .”

“Fifty?” Nabigla si Alexandra. “Mamie, it’s a hundred thousand dollar deal.”

“I sent Connor the fifty and asked him to give it to you.”

“Who’s Connor?”

“The man who gave you the information.”

Uminit ang ulo ni Alexandra. “He did not give me any money.”

“You didn’t ask for it?”

Agad na napansin ni Alexandra na kumukupas na ang French accent ni Mamie Francine, at lalong uminit ang kanyang ulo. “Are you telling me that that man tried to scam me? You didn’t tell me I was supposed to get the fifty grand from him.” Tinawag niya ang waitress at kumuha ng pera sa envelope, iyon ang ibinayad, para makasigurong hindi peke ang pera.

“He always does it to the neophytes. I’m sorry. You were supposed to get eet from eem . I told you. Eet must have sleeped your mind.”

Parang gustong tumawa at umiyak ni Alexandra. How naïve had she been! Malinaw na ngayon. She was scammed. Mamie Francine was no French woman. Hindi rin ito big time con artist. Baka ni hindi ito totoong kaibigan ng kanyang ina kahit nakita na niya ang babae na kausap ang kanyang ina noon.

“Who are you?”

“What, mon cheri ?”

Pinagmasdan ni Alexandra ang babae. She should have known. Her jewelry was fake, so was her mink coat. “I’m not my mother’s daughter for nothing. Drop the fake accent and tell me who you are and what you know about my mother.”

“Ah, shit.” Bumuga ito ng hangin, parang disappointed sa sarili, pero umamin na rin. “I used to do local and international logistics for your mother, nothing big lately. She never took any of my offers, they weren’t big enough for her. The last time we worked together was a few years ago.”

“Tell me everything.”

“We used to do pick and drop, she trusted me with that. I guess she knew I wouldn’t do anything stupid. Not on her. She will find me wherever I go.”

“So you pulled a scam on the daughter.”

Ngumiwi ang babae. “Honestly, it was only ten grand. I told him to give you ten grand. He scammed you. We both did. Look, I’ll give you the forty when I get my commission, okay? I have another job—”

“Tell me more about the last job. And every contract she gave you.”

“She used to ask me to pick up packages, drop `em off some place.” Ikinuwento nito ang lahat at inilista niya ang mga detalye—kung saan iyon nangyari, kung anong oras, petsa, at iba pang impormasyon. Lahat ng iyon, naka-record sa kanyang phone. Babalikan niya ang lahat sa tamang lugar.

“Why did my mother trust you? Why did she introduce you to me?” Iyon ang malaking tanong sa isip ni Alexandra. Bakit sa lahat ng kaibigan, ang babaeng ito ang ipinakilala sa kanya ng ina?

“It was an accident. When was the first time you saw me? In your hotel room in Prague. You were supposed to be sleeping, but you woke up and saw me.”

It made sense. Walang balak ang kanyang ina na ipakilala sa kanya ang babaeng ito, pero napilitan dahil nagising siya nang wala sa oras. Isa sa kakaunting pagtatangka ng kanyang ina na maging normal itong ina na may mga kaibigan, pinanindigan nito ang kasinungalingang nasabi na isang kaibigan si Francine. Iyon ang dahilan kaya minsan din, isinama si Alexandra ng ina sa totoong bahay ni Francine—bilang patunay na magkaibigan nga ang mga ito. Truth was, Francine was a low class scammer. Base sa trabahong ibinigay rito ng kanyang ina, malinaw na kahit importante ang papel ni Francine, wala itong alam kung anong krimen ang ginawa at kinasabwatan. Wala itong idea kung ano ang laman ng mga package na kinuha at inihatid.

“Where did you meet her?” tanong niya.

“Called me up one day and asked me to do a job. I only get referrals.”

“You never asked who referred you to her?”

“In this kind of job?” sabi nito. Naintindihan niya. Walang masyadong tanong sa ganoong klaseng trabaho at hindi na rin iyon importante. “Funny, Alex, `cause I’ve always suspected something about her. I can’t be quite sure, but… I may be crazy, but…” Nagkibit-balikat ito. “I have one word for you—Fantasma.” Tumayo na ang babae.

“Not too fast. I want my forty grand.”

“Come back in a week or two. I will have it.”

“No.”

“Connor took my last money. I have bills to pay.”

“Where’s this Connor?”

“I don’t know. I just know he’s in Italy. I have his number.”

“Give it to me,” sabi ni Alexandra.

Isinulat ng babae ang numero sa isang tissue paper. “You can take my forty from him, if you want.”

“I bet my mother didn’t like you very much.”

“As a matter of fact, she found me funny. Take care, kid.”

Oh, she would. After getting her money.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings