Chapter 1
N ANLATA si Alexandra pagkaparadang-pagkaparada sa tabing-kalsada ng nirentahang sasakyan. Nakita niya ang mahabang pila papasok sa Sphere, isang dance club sa Manhattan. May mga bouncer sa pintuan ng club, isang itim at isang puti, parehong malalaki ang katawan. May hawak na clipboard ang isa, kung saan naroon ang listahan ng pangalan ng mga taong puwedeng pumasok sa loob. It was a very exclusive club. Only the hippest celebrities and millionaires can get inside. Alexandra had to get inside. She needed to be inside that club.
Isang emerald na dress ang kanyang suot. She was fully made up. Tiningnan niya sa Internet ang dress code ng Sphere at ibinagay roon ang susuotin. Hindi lang niya inakalang ganoon karami ang tao sa gabing iyon, araw ng Martes. Inasahan niyang hindi man siya nakapagpa-reserve online, dahil closed na ang reservation, magagawa pa ring makapasok dahil ilang na araw. Who the hell partied on a Tuesday night anyway? Ah, of course, the elite.
Hindi muna bumaba ng sasakyan si Alexandra at patuloy na tumingin. She observed everything about the place. May natanawan siyang isang pamilyar na celebrity, kasama ang isang buong entourage. Grammy award winner ang babaeng iyon, Chelsea Gibbons ang pangalan, sa pagkakatanda ni Alexandra. Agad na nakapasok ang grupo ng singer. Mabilis tinantiya ni Alexandra kung ilang tao ang nakapila at naisip na hindi puwedeng pumuwesto siya sa likuran ng pila. She would be fortieth if she joined the long cue. Baka madaling-araw na, hindi pa siya nakakapasok sa loob ng Sphere. And damn the place! What was so special about it, anyway?
Tumingin siya sa relo. Alas-diyes y medya ng gabi. Alas-onse ang usapan nila ng kakatagpuin sa loob. Kung bakit doon pa, sa lahat ng lugar, hindi niya alam at walang balak na alamin sa ngayon. Kung gusto niyang magawa ang trabaho, kailangan niyang gumawa ng paraan.
Inilabas ni Alexandra ang phone at nag-double check ng impormasyon tungkol kay Chelsea Gibbons.
Imbes na bumaba ng sasakyan, pinasibad niya iyon papunta sa isang malapit na drugstore. Tuloy-tuloy siya sa aisle kung saan makikita ang mga over the counter pills. Kumuha siya ng isang bote ng aspirin at binayaran na iyon sa cashier. Paglabas ng drugstore, tumuloy siya sa basurahan at itinapon ang kalahating laman ng bote. Inilagay niya ang plastic na lalagyan sa bag, saka bumalik sa club. Pumarada siya malayo-layo roon, saka tumawid at naglakad papunta sa Sphere, nakatapat sa tainga ang cell phone. Umakto siyang abala sa pakikinig hanggang sa makarating sa dalawang bouncer.
“Yes, Chelsea, I’m outside,” sabi niya sa phone. “Yes, I’ll be right there. Yes, I bought them. All right, I’m coming.” Bumuga siya ng hangin, sabay off sa cell phone. Hinarap niya ang bouncer. “Chelsea G’s company.”
Ngumiti ang bouncer na puti, mukhang hindi naniniwala sa kanya. God, why did she expect them to believe her? Ilang tao na ba ang nakaisip gawin ang ganoon sa mga ito?
“I do believe Chelsea said she’s not expecting anyone else,” sabi ng bouncer.
“All right then, tell Chelsea I’m going home with her happy pills.” Inilabas niya ang medicine bottle.
Itinaas ng lalaking puti ang kamay sa tainga, diniinan ng daliri ang earpiece. “Someone’s here for Chelsea. Is she expecting anyone?” Nakatingin kay Alexandra ang bouncer habang hinihintay ang sagot ng kung sinong kausap mula sa loob.
Pinagpawisan nang malamig si Alexandra. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kung ganoon pa lang kasimpleng bagay, hindi na niya mapagtagumpayan, paano pa ang binabalak niyang trabaho? Isang trabahong makukuha lang sa loob ng lintik na club. Maybe this was a test. Isang pagsubok kung kaya niyang pumasok sa ganoong klase ng lugar nang walang reservation.
Mayamaya, may isang babaeng lumabas, isa sa mga nakita ni Alexandra na kasama ni Chelsea base sa suot nitong makintab at gold jumpsuit. Kitang-kita iyon kanina mula sa kanyang kotse.
“Who sent you?” tanong ng babae.
“Daddy Blimp,” walang pag-aalinlangang sagot ni Alexandra. Kasama sa nabasa niya sa Internet kanina ang maiksing tsismis tungkol sa nakaraang issue ni Chelsea. Mabilis niyang matandaan ang mga pangalan at impormasyong nababasa. Her mother taught her well.
Ngumiti ang babaeng ginintuan ang suot. “That is my favorite daddy. Come on in, girl. Come.” Hinawakan nito ang kanyang braso at hinatak siya papasok. Sa loob, binulungan siya nito. “Can you hook me up, sister? Tell Daddy Little Rowanda ain’t playing him again. Just one, sister. One little pill. I just need a buzz so bad.”
Madaling makita ni Alexandra base sa liwanag na tumatama sa kanila na dilated ang pupils ng babae. She already was high. “All right,” sabi niya, saka pasimpleng inabutan ito ng tableta. “You owe me one, you hear?”
“Oh, baby girl, I do. Thanks.” Pasimple nitong isinubo ang tabletang inaakalang droga. “Let’s give Chelsea her happy pills.”
“You go ahead. I will just powder my nose… very quickly.” Nilagyan niya ng emphasis ang sinabi para isipin nitong kailangan niyang gumamit saglit.
Ngumiti ang babae. “A girl’s got to do what a girl’s got to do. The crew is over there, sister. Make it quick.”
Tumango siya at humalo na sa mga taong nagsasayawan. Imbes na tumuloy sa banyo, hinanap ni Alexandra ang kakatagpuing tao. Naupo siya sa bar saglit at mayamaya, may lumapit na lalaki sa kanya. Their eyes met. Those were the darkest eyes she had ever seen. Seryosong-seryoso ang mga iyon, hanggang sa ngumiti ang lalaki. His teeth were perfect.
“I wonder where she gets the pretty ones who can’t do crap. But good luck to you, doll,” bulong nito, saka tumalikod.
Bigla siyang kinabahan. Hindi ba ito nasiyahan sa nakita sa kanya? Inisip ba nitong isa siya sa mga “pretty ones who can’t do crap”?
Hahabulin sana ni Alexandra ang lalaki, pero nang tumayo, naramdaman niyang mas mabigat na ang kanyang purse. The man was quick and smooth. Wala siyang kahit na anong naramdaman nang ilagay nito ang kung anuman iyong nasa purse na niya ngayon.
Mabilis niyang hinanap ang back exit at umalis na. Pagsakay sa kotse, agad niya iyong pinaandar. Binuksan niya ang bag at inilabas ang item na inilagay roon ng lalaki.
A phone.
Nanginginig ang kamay na binuksan iyon ni Alexandra. Ang lahat ng kailangan niyang malaman, nasa loob ng cell phone. Habang lumalalim ang impormasyong nalalaman tungkol sa gagawin, palakas nang palakas ang kanyang kaba. She was sinking in oblivion so fast she could not breathe.
SHE COULD still back out, Alexandra thought. Tumingin siya sa relo. May thirty minutes pa siya para magbago ng isip. Thirty minutes. Then she could go back to her life before all this happened. Siguradong hindi mamasamain ni Mamie Francine. Mamie Francine was a French woman in her mid-fifties. She preferred to be called “Mamie Francine.” “Mamie” was a French nickname for grandmother. Walang ideya si Alexandra kung lola na si Mamie Francine; wala siyang kahit na anong alam tungkol sa pamilya ng babae. Ang tanging alam niya, kaibigan ito ng kanyang ina—ang tanging kaibigan ng kanyang ina—at siyang nilalapitan niya sa oras ng pangangailangan. Walang pag-aalinlangan si Mamie Francine na bigyan siya ng trabaho. At ito ang trabahong iyon.
Ngayon, gustong magsisi ni Alexandra kung bakit hindi niya tinanggap ang alok ni Mamie Francine para sa isang training, pagtuklas sa mga makabagong kagamitang nilikha para sa mga tulad niya. Tulad niya. No. She was not going to be like Mamie Francine. This was a one-time job. Hindi na mauulit ang lahat ng iyon kaya bakit niya kailangang mag-training para sa miminsang trabaho? Besides, it was not as if she did not know what to do. This was her life. This was her career. Hindi ang pagpasok sa mga mansiyon na may matinding security, kundi ang pagtuklas sa kahinaan ng mga alarm system. She worked for TAG or Treint Arms Group, an IT security consulting firm specializing in assessment and penetration testing. It was her passion.
Hindi lang kailanman naisip ni Alexandra na gagawin niya ang trabaho ng mga taong kung tutuusin ay siyang bumubuhay sa TAG. If there were no career burglars, TAG would never have existed. Kabilang si Alexandra sa team ng mga IT expert. Computer programming was her world. Sa mga taong hindi nakakaintindi niyon, wala sigurong ideya kung gaano kakulay ang mundo ng programmers. May sense of accomplishment si Alexandra sa trabaho.
Kahit noong bata, may pagkauhaw na siya sa paglikha, sa pagbuo, sa paglutas ng mga puzzle. TAG supplied her need for it and paid her well. Ilang Fortune 1000 companies ang kliyente nila, ilang mga taong sa Forbes lang kadalasang nababasa ang pangalan ang kanilang sinerbisyuhan. These companies and people required unbreakable and infallible security. Doon pumapasok si Alexandra, kasama ang isang malaking team na ang tanging ginagawa ay ang wasakin ang mga security system, alamin ang kahinaan niyon, subukan kung sapat na iyon sa pangangailangan ng kliyente.
Oh, how she loved her job. It didn’t feel like a job at all. Para pa rin siyang bata na naglalaro, para pa ring isang estudyanteng may assignment na kailangang lutasin, may butas sa program na dapat tapalan. How her mother beamed when she told her she had been promoted. Anim na buwan mula nang makapasok sa TAG nang ma-promote si Alexandra. That was four years ago. She was twenty-three at the time.
Lahat halos ng bagay sa TAG, hinahanap-hanap na niya. Ilang buwan na rin mula nang mag-resign siya. Mula sa Amerika, kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas. At kailanman, hindi niya naisip na uuwi siya sa bansang naging tahanan sa loob ng ilang taon, aabutan ang ina na wala nang buhay.
May nadamang kirot sa puso si Alexandra. Siguro hindi na kailanman magbabago ang nararamdaman niya tuwing maaalala ang ina. Her mother’s death changed her life and although she still planned on returning to TAG, she had a feeling her life would never be the same again. Ever.
Iba’t ibang imahen ng kanyang ina na duguan at dilat ang mga mata ang dumaan sa kanyang isip. And then an image of Preston flashed in her mind—tall, handsome, with a smile that made the day perfect.
But not even Preston’s smile could make this day perfect. Or any day, for that matter. Her mother was gone. Murdered. The world would never be perfect again.
Humigpit ang kapit ni Alexandra sa strap ng backpack. Damn, it was heavy. Heavier than what was ideal. Muli, gusto niyang magsisi na hindi tinanggap ang tulong ni Mamie Francine. Siguro mas high tech na gamit sana ang nadala niya, mas madaling dalhin para sa ganoong klaseng misyon. Para siyang magha-hiking sa laki ng backpack na dala. She was even wearing the same gear she wore the last time she and Preston went to Nepal to take one of those easy trails up Everest.
It was blood curdling cold. Her blood felt so thick. She had a feeling it wasn’t only the weather that made it that way. Pilit niyang inilagay ang isip sa gagawin at patuloy na naglakad sa gitna ng mga nagtataasang puno papunta sa destinasyon. Sinipat niya ang GPS na dala. She was a few meters away from the Swiss villa of Doctor Anatoly Bolotnikov, a Russian-born chemist currently fighting an extradition case. Nasa Switzerland ito at nagpapasarap sa buhay habang ang mga bigating abogado ay nakikipag-argumento para dito nang hindi maibalik sa Amerika ang lalaki sa salang rape. Isang kinse anyos na lalaki ang ni-rape ni Bolotnikov. Bago pa mahuli, nagawa nang makalipad sa Switzerland. Ilang taon na itong naroon at ni hindi ginawang magtago. Ah, the things money can buy. Sa kabila ng kaso at kontrobersiya, isa pa ring tinitingalang tao ang doktor; dahil ganoon na ang mundo ngayon—isa ka mang napakasamang tao, basta may kontribusyon ka sa mundo, marami ang hindi magbibitiw ng suporta sa iyo. Alexandra would be glad to spit on Bolotnikov’s face for his victim, but she must not reveal her face, of course, nor give away a DNA sample.
Hindi man niya magagawa ang mas gustong gawin sa doktor, hindi naman siguro masyadong mamasamain ng lalaki kung kukunin niya ang mga alahas ng asawa nitong nanatili ang suporta sa isang rapist. Bolotnikov purchased an estate for his wife when the whole world found out he raped the kid. Sa panahon ngayon, nabibili na rin ang dignidad. Medyo may kamahalan nga lang ang dignidad ng asawa ni Bolotnikov dahil bukod sa estate, ibinili rin ito ng mga alahas ng lalaki. Alexandra couldn’t steal the estate but she could steal the jewelry.
Lahat ng impormasyon para sa heist na iyon ang nasa loob ng phone na ibinigay sa kanya ng lalaking nakilala ilang araw na ang nakakaraan sa Sphere. Ni hindi niya alam ang pangalan ng lalaki, pero matatandaan niya ito kahit saan pa sila magkita uli. Those eyes. And the way he insulted her. Hindi siya kilala ng lalaki, pero isang tingin pa lang, sinukat na siya—na hindi siya magiging mahusay sa trabaho. Well, it just so happened that she did not like being underestimated. Siguro, iyon ang kanyang kahinaan. She had always been underestimated because of her height. She was petite at five-two. Sa Pilipinas siguro hindi siya magiging maliit, pero dahil sa Amerika siya nagtatrabaho, petite siya. She was a mix of Asian and white.
Mabilis na ang kabog ng dibdib ni Alexandra. Parang sasabog ang kanyang puso sa matinding kaba. Mas mabilis na ngayon ang pagdaan ng mga eksena sa kanyang isip—ang selda, ang kanyang ina, si Preston. God, Preston. Kung mahuhuli siya, paano pa siya nito pakakasalan gayong konserbatibo ang mga magulang ng lalaki?
I will not get caught. I need to do this for Mama.
Sinundan ni Alexandra ang direksiyong itinuturo ng GPS at mayamaya, natanaw na ang villa. It was huge. Mula sa likuran niyong may mataas na bakod, matatanaw pa rin ang mansiyon sa loob. Alam niyang may limang guwardiyang bantay na rumoronda at dalawang guwardiya sa mismong gate ng villa, pero walang tao sa loob ng mansiyon. Kasalukuyang may ka-business deal si Bolotnikov at kasama nito ang asawa. Sa isang araw pa uuwi ang dalawa. Alam din ni Alexandra na kapag wala ang mag-asawa sa bahay, pinapatuloy ang mga kasambahay sa isang maliit na tirahan sa tabi ng mansiyon. Ang tanging proteksiyon ng bahay ay isang makabagong alarm system. Alexandra knew the make of the system. She had tried to bypass it only a few months ago. Lahat ng impormasyon tungkol kay Bolitnokov nalaman niya mula kay Mamie Francine na sa palagay niya ay kumontak sa lalaking nagbigay sa kanya ng phone. That man was probably a contractor for career burglars.
The man provided her with the villa’s blueprint and other details through the phone. Hindi na nagtanong si Alexandra kay Mamie Francine kung paano nito nakilala ang isang tulad ng lalaking may maiitim na mata dahil ayaw niyang mabaon sa kaalamang hindi nararapat para sa kanya.
Naupo siya sa tabi ng mataas na pader na bakod. Sa matinding lamig, usok ang lumalabas na hininga sa kanyang bibig. Hinubad niya ang backpack at agad inilabas ang rope ladder na may nakakabit na grappling hook sa dulo. Siya mismo ang gumawa niyon. Kung sana may pera siya para makabili ng grappling gun, pero wala siyang ideya sa kung paano ba umaandar ang sistema ng transaksiyong tulad ng sa kanila ni Mamie Francine. Hindi siya nanghingi ng down payment at wala rin namang inalok ang babae. Ang life savings niya ay naging sapat lang sa pag-aasikaso sa mga labî ng ina at paghahatid dito sa huling hantungan. That cost her a lot of money. Ang natirang pera ang ginamit niya sa pagbili ng mga mumurahing gamit ngayon. She had to make do. Kapag nagawa niya ang trabaho, makakakuha siya ng one hundred thousand dollars mula kay Mamie Francine. It should be enough to find her mother’s killers.
Isinuot na ni Alexandra ang head mask, saka inilabas ang laptop at binuksan. Wireless ang security camera system ni Bolotnikov; ibig sabihin kaya nitong ma-monitor ang bahay saan man ito naroon. May kahinaan ang ganoong uri ng sistema at iyon ay ang tulad ni Alexandra. She hacked into the system. Mabilis niyang na-jam ang signal at nawalan ng function ang security cameras. She now had a maximum of twenty minutes to do the job before the cameras get fixed.
Inabot siya ng limang minuto bago maihagis nang tama sa pader ang rope ladder na may grappling hook. May ten feet ang taas ng pader. Mabilis siyang nakaakyat, at inilipat ang ladder sa kabilang side para makababa rin siya, saka iyon mabilis na iniligpit. Tiningnan niya ang relo. She only had fourteen minutes to complete the job. Tumakbo na siya papunta sa mansiyon. Puntirya niya ang front door at agad nakita roon ang alarm panel. Nanginginig ang kamay na binuksan ni Alexandra ang keypad na nakaturnilyo gamit ang isang automatic screwdriver. Binalatan niya ang dalawang kable sa loob at ikinabit doon ang dalang cable na nakakonekta sa kanyang laptop. It took about twenty seconds to bypass the system and find out the code. She keyed the code in. There was a soft click, which meant the door was now open.
Pumasok na siya sa loob ng mansiyon. Tinawid niya ang hagdan at nagpunta sa kuwarto sa dulo ng pasilyo. Naroon ang safe, sa loob ng walk-in closet, sa likod ng mga naka-hanger na dress ni Mrs. Bolotnikov—Valentino, Balenciaga, Gucci, Prada, at marami pang iba. Hinawi niya ang mga iyon at agad na nakita ang safe—three feet by three feet. Napangiti siya. She knew the digital model well. May naramdaman siyang pananabik. Nagsimula na siya sa pamamagitan ng pag-unscrew ng opening system gamit ang isang automatic screwdriver, pagbalat sa wire, at pagkonekta niyon sa laptop, tulad kanina. Inabot siya ng isang minuto sa nakahanda nang program para mabuksan ang safe. At the sound of the safe opening, she heaved a sigh of relief.
Apat ang partisyon ng safe at bawat isa, may kahon ng mga alahas. Nagmadali na si Alexandra na buksan ang mga iyon at isa-isang inilagay ang mga set sa drawstring chamois bag na dala. Mabilis niyang inayos ang safe, inalis ang mga cable at muling isinara ang pinto. Bolotnikov was probably thinking that a simple alarm would be enough.
Maliban sa rope ladder, inilagay ni Alexandra sa backpack ang lahat ng kagamitan, saka iyon mabilis na isinukbit sa mga balikat. Nagawa niyang makalabas ng mansiyon nang walang aberya at nai-hook din ang hagdan sa pader. Tatlong taling baitang na ang naaakyat niya nang makarinig ng isang malaking boses.
“Stoppen!”
Dumaloy ang panlalamig sa mga ugat ni Alexandra. She understood German, and “stoppen” meant “freeze.”
“ Runter von diesem s trichleiter! Sofort!” patuloy ng malaking boses. Pinabababa siya sa lubid na hagdan ora mismo. She imagined a tall, burly man holding an automatic weapon. Sa ganoong pagkakataon, mahihirapan siyang kunin pa ang kanyang baril mula sa bag. Iyon ang amateur mistake niya—ang makalimutang isuksok sa likod ang baril.
My life is over. They are going to take me to the police. They are going to search my pack and find the jewels. They will put me in prison and TAG will get dragged into this. I will never find decent work after this. My life in the security business is over.
Nagdalawang-isip siya kung patuloy na aakyat. If I keep on climbing up, I will get shot, also ending my life. I will never find out who murdered Mama.
Muli siyang inutusang bumaba ng armadong lalaki, sa pagkakataong iyon ay mas mariin ang boses, mas malakas. Alexandra felt as if the cold had frozen her nerves, her heart, her life. Was she frozen or was she melting? Ayaw gumalaw ng kanyang mga kamay na nakakapit sa lubid, kung bibitiw siya, babagsak siya sa lupa dahil parang natunaw na ang mga tuhod niya sa panlalambot.
“H erunterkommen! Sofort!” pasigaw nang sabi ng lalaki.
She wondered if they would take her to the police or just deal with her there. This matter would not reach the authorities, she understood immediately. Palalabasing naging tagumpay ang pagnanakaw at kukunin ni Bolotnikov ang pera mula sa insurance ng mga alahas. And she, the failed amateur burglar, would just vanish without a trace...
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock