Daniel Caleb Cardinal (Cardinal Bastards Series 8) - Chapter #2 - Free To Read

Chapter 1

select arrow

Chapter 1

“A NG AKIN lang, ang pinakamaganda mong gawin, eh, ibenta na ang negosyo, Blanca. Wala kang alam sa pamamalakad. Napakabata mo pa. May nag-aalok ng maganda, bakit hindi mo pa tanggapin? After all, what’s a fourteen-year-old girl’s chance in the business world? Very slim, if any. Naloko ka na noong nakaraan. I would hate to see the businesses your parents founded go to waste. They worked all their lives to build the company. Isipin mo na ngayon ang kapatid mo.”

Tahimik lang si Blanca, nahihiya at nagagalit sa kausap. Dalawang magkasalungat na damdamin ang namamayani sa kanya at hindi niya alam kung alin ang bibigyang pansin. The man she was talking to was Tito Vlad, her mother’s relativee, who should show support and understand her, but he sounded too condescending. Ito ang natirang guardian nilang magkapatid nang mamatay ang kanilang mga magulang sa isang car crash.

Pero tama si Tito Vlad. Kailangang may gawin siya kahit ayaw niyang ibenta ang mga ari-arian ng pamilya dahil iyon ang legacy ng kanyang mga magulang. Naloko na siya noong nakaraan nang magtiwala sa isang abogado ng pamilya. Pumirma siya ng dokumento, sa tulong din ni Tito Vlad, na kasama niyang pumipirma base sa kanyang mga desisyon. Pero sinamantala iyon ng abogado at bumagsak ang isang negosyong ipinagkatiwala niya sa abogado.

Ni hindi alam ni Blanca kung ano ang totoong nangyari, pero ayon sa mga librong ibinigay sa kanya, nalugi iyon. She could not understand the books, the figures, the charts, the damned market. She did not even like Algebra in school and barely passed. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Isang chain ng restaurants, wala pang dalawang taon, nalugi na, kahit pet project iyon ng kanyang ama bago ito nawala.

Noon, naririnig ni Blanca sa dining table kapag nag-uusap ang mga magulang tungkol sa mga negosyo na malaki raw ang potensiyal ng restaurant na iyon. Her father often used the word “money-maker.” Mula sa restaurant, marami itong ilulunsad na produkto—hot sauce, an array of bottled dipping sauces, flavoring powders, and others. So what happened?

Blanca was too young, too na ï ve. She didn’t know anything. Thirteen pa lang siya nang mawala ang mga magulang at iniwan siya para mag-alaga sa nag-iisang kapatid na lalaki na nine years old noon at ten na ngayon. Gustong unahin ni Blanca ang kapatid, pero paano niya gagawin kung kailangan din niyang isipin ang gagawin sa mga negosyo ng pamilya?

She had always thought she could trust the people whom her parents trusted, including this uncle. Malayong kamag-anak man si Uncle Vlad, ito na lang ang natitirang kamag-anak nila sa mundo, pero hindi niya maiwasang isiping gusto lang nitong magsamantala. Her father had always said that people were bad. If she only had another choice, she would have managed the businesses herself, but she needed to study. Iyon ang sinabi ng kanyang mga magulang noon, na mahalaga ang pag-aaral.

Sometimes, Blanca wanted to give up, too. Kung hindi lang niya mahal na mahal ang kapatid, baka naisip na niyang tumalon sa tulay para sundan ang mga magulang. Nalulunod na siya sa lahat ng problema. Maya’t maya ang tawag sa kanya ni Uncle Vlad, nagtatanong kung ano raw ang desisyon niya at sinasabi ang mga suggestion nito na tinanggihan niya lahat. The simple fact of the matter was she didn’t trust him enough. Naaalarma rin si Blanca sa pagmamadali nitong magdesisyon siya. It was as if he wanted her to succumb to the pressure and just allow him to make the big decisions for the company.

Mahirap para kay Blanca ang magtiwala, kahit noon pa. She always remembered hearing her father say this or that person was ungrateful for taking advantage of them. It was a bad, bad world, she understood now. Everyone wanted to take advantage. Someone already had. Nahihiya siya na nagtiwala sa isang abogado na ninong pa ng kanyang kapatid na si Mitchell.

“Think about it, hija,” sabi ni Uncle Vlad at nagpaalam na rin.

Napabuntong-hininga si Blanca. Kailangan pa niyang mag-aral para sa last periodical exams sa school. Nilapitan siya ni Yaya Dahlia. Ito na lang yata ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng tao. Ito ang nagpalaki sa kanya at kay Mitchell.

“Sambakol na naman ang mukha mo.”

“Hindi ko na po alam ang gagawin, Yaya.”

“Ano na naman ang gusto ng tiyuhin mo? Hmp.” Umismid si Yaya Dahlia. “Sa totoo lang, wala akong tiwala diyan. Noong nabubuhay pa ang mga magulang mo, wala nang ginawa `yan kundi mangutang nang mangutang. Pasalamat siya at siya na lang ang natitira mong kamag-anak, kung hindi, naku!”

“Kailangan ko daw pong pag-isipan kung ibebenta na ang properties. Pero ni hindi ko po alam kung talaga bang maganda ang offer na ipinakita niya sa akin. Ayaw ko pong ibenta ang properties, ang business, pero hindi po ako marunong, Yaya. Isa pa po, paano kung matulad doon sa restaurant? Baka mas maganda pang ibenta na nga lang kaysa malugi na lang lahat.”

“Eh, kung marunong lang sana ako, anak, ako na lang. Ang kaso, wala rin naman akong alam diyan. Noong buhay pa ang mga magulang mo, madalas na akawtan at abogado ang kausap. Ano ba naman ang alam ko? Diyos ko, ang batang ito.” Hinaplos siya ng matanda sa pisngi, parang naaawa sa kanya.

And she hated that. She hated feeling helpless.

Noon dumating ang kapatid ni Blanca. Nagulat siya nang makitang umiiyak si Mitchell. He was a short and frail little boy. Para sa edad na sampu, masyado itong maliit at payat. Napatingin siya sa driver, naghahanap ng paliwanag.

“Eh, Ma’am, may umaway daw na kaklase. Hindi ko naman nakita. Bawal naman kami sa loob ng school. Basta pagsakay sa kotse, umiiyak na, eh.”

“Mitch, what’s wrong?” tanong ni Blanca. Umiling lang ang kanyang kapatid at tumakbo papunta sa kuwarto. Agad siyang sumunod. “Tell Ate.” Sa totoo lang, nag-aalala siya kay Mitchell. Mabagal ang pagdating ng maturity rito. Baligtad ang nangyari sa kanila. Nang mawala ang kanilang magulang, parang tumanda agad si Blanca, habang si Mitchell naman ay parang na-bonsai ang pag-mature. Huwag pang idagdag na bata pa lang, sakitin na si Mitchell kaya madalas na naghahanap ng kalinga ng mommy nila.

Gustong mapaiyak ni Blanca. She was too young to be a mother, a businesswoman, a high school student, and the head of the house as well. Ilang gabi na ba siyang nakikiusap sa mga magulang na kung hindi siya kukunin, tulungan na lang siya dahil parang hindi na niya kaya.

“I fought in school,” sabi ni Mitchell. “Like you told me to.”

“And?” Kabado si Blanca. Talagang sinabi niya sa kapatid na lumaban dahil hindi puwedeng kayan-kayanin ito ng mga kaklaseng bully. Those bullies needed to learn their lesson.

“I lost.”

“Nakipagsuntukan ka ba?”

“Noong sinabi nila sa akin na wala naman daw akong parents, sinigawan ko sila—like you said I should do.”

“Talagang dapat lumaban ka. Hindi ka dapat pumayag na awayin ka nila.” Hindi niya mapapayagan na magpatalo ang kapatid. Hindi sila pinalaking ganoon ng mga magulang. Her father was a fighter in life and taught her well. Iyon lang, mas malapit si Mitchell sa mommy nila. Her mother was a soft-spoken woman who was always calm and collected, the opposite of their father.

“But they’re all bigger than me,” katwiran ni Mitchell.

“Sinaktan ka ba nila?” tanong ni Blanca.

Tumango ang kanyang kapatid at lalong lumakas ang pag-iyak.

Naikuyom niya ang kamay. Hindi siya makapapayag. “Don’t you worry, I will ask the principal to—”

“No, they told me that if I told anyone, they would make it worse.”

“Those brats!” Nanggalaiti siya sa galit at niyakap uli ang kapatid. “Don’t you worry, I will have someone teach you self-defense.”

Nanlaki ang mga mata ni Mitchell. “Really, Ate?”

Tumango si Blanca at sinabi sa kapatid ang mga puwede nitong gawin kapag natuto nang mag-karate. Kahit paano, gumaan ang loob niya ang makitang gumaan din ang loob nito. Awang-awa siya kay Mitchell, nagalit sa mga kaklase nitong hindi dinisiplina ng mga magulang. Nagbilin siya sa driver na slip-silipin si Mitchell sa school. Sinabi rin niya kay Mitchell na kapag vacant period, kumain kung saan may teacher o kaya sa kotse nila para masigurong hindi ito mabu-bully.

Kinabukasan din, naghanap si Blanca ng isang martial arts school. Nang dumating ang weekend, in-enrol niya roon ang kapatid.

Sa mga sumunod na buwan, umuuwing tahimik si Mitchell, at kahit anong tanong niya kung bakit, sinasabi nitong wala raw, kahit alam niyang may problema. Nagpunta na siya sa school, kinausap ang principal. How she hated being that young. Ang gustong makausap ng principal, ang guardian nilang magkapatid kaya tinawagan niya si Tito Vlad.

Nakinig silang dalawa habang ipinapaliwanag ng principal na may problema raw si Mitchell. Hindi raw makapag-focus ang kapatid ni Blanca sa lessons at palaging nag-iisa. Nahuhuli raw ito sa mga lesson at kailangan ng tutor.

“This is very hard for you, Blanca. Have you thought about my suggestion?” sabi ni Tito Vlad habang pauwi sila.

“I still can’t make up my mind, Tito.” Gusto niyang singhalan ang tiyuhin. Bakit ba ito nagmamadali? Hindi na nga niya alam kung ano ang uunahin!

It went on and on for years. Sa huli, nagdesisyon si Blanca na huwag ibenta ang kanilang mga negosyo at nag-hire ng independent accountants at lawyers para i-countercheck ang report ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao.

Her brother was now in college. Nag-bloom ito nang husto. Nasa second year high school si Mitchell nang biglang tumangkad at lumaki ang katawan. He struggled to fit in before then. Dala ni Blanca ang guilt. Pakiramdam niya, hindi siya naging isang mabuting guardian sa kapatid. Hindi rin siya naging magaling sa negosyo kaya ngayon, naka-graduate pa lang ng kolehiyo ay bitbit na niya ang problema ng kompanya. Everything was falling apart. Ilang taon na niyang pinipigilan ang pagguho ng lahat.

Maybe her uncle was right all along. Maybe she should have listened to him before. Pero may dalawang taon na silang hindi nag-uusap mula nang sampahan niya ito ng demanda. Years had passed and she was still drowning. She was still trying to swim as fast as she could towards the surface of that sea of troubles.

Sometimes Blanca would look at herself in the mirror and see a twenty-one-year-old woman who looked thirty. Sawa na siyang umiyak. Ilang taon na siyang lumalaban at lalaban pa rin, kung para sa kanilang magkapatid.

Napakaraming nagsamantala sa kanila, pero may natitira pa na kayang isalba. Naloko si Blanca ng mismong tiyuhin, ng mismong guardian, tulad ng kutob niya noon pa. Dapat nakinig siya rito na ibenta na lang ang property noon pa, pero dapat na hindi ito ang humawak ng transaksiyon. Halos barya ang natira sa kanya nang maibenta iyon dahil maraming kaltas na hindi ipinaliwanag sa kanya. Mas malaki pa ang nakuha nito sa “pag-aahente” kahit pamilya ng asawa nito ang mismong nakabili. Now, she was questioning all the details that were given to her. May ebidesiya siyang kahit ang private firm na inupahan niya para i-verify ang mga libro ng kompanya ay questionable ang ipinasa sa kanyang dokumento.

Blanca felt like she was on life support, about to lose the ability to breathe. Pero wala siyang ibang choice. Lalo siyang hindi makakatulog sa gabi sa isiping pinabayaan lang niyang magtagumpay ang masasamang tao at naging katumbas niyon ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. She would keep fighting until her last breath.

Ang sabi ng bagong abogadong may hawak ng kaso, kailangan niyang ihanda ang sarili sa isang mahabang demandahan. Inaabot kung minsan ng mahigit sampung taon sa hukuman ang mga kasong ganoon. Isang bahagi niya ang gusto nang pakawalan iyon, pero hindi siya makapayag. Masasayang ang ilang taong pinaghirapan niya para ipaglaban ang kompanya. Her father would never understand, she was sure. Isa pa, kailangan niyang mabawi iyon para sa panahon na kakailanganin na ni Mitchell ng sarili nitong hanapbuhay.

She was mostly worried about Mitchell. Kahit malaki ang improvement ng kanyang kapatid, masasabing may mga pagkakataon na parang hindi ito madaling makaintindi. He was no longer bullied though. Nang magbinata, lalo nitong pinag-igi ang pagpapalaki ng katawan. He knew martial arts and lifted weights. Dapat lang at sa ganoong paraan, wala na ni isang kaklase ang mam-bully rito.

Madalas na sinasabihan noon ni Blanca ang kapatid na huwag matakot magsumbong sa kanya. Pero sinarili nito ang lahat ng pambu-bully. But now she was sure Mitchell could physically defend himself.

Nakarinig siya ng pagkatok sa pinto. Agad niya iyong binuksan at nakita si Yaya Dahlia. Sa kanila pa rin namamasukan ang matanda at ito na lang ang kasambahay nila ngayon dahil hindi na rin naman kailangan ng maraming tauhan mula nang makalipat sila ng bahay. Blanca had sold their old house because she needed the money. Sa pitong negosyo ng kanyang mga magulang, isa na lang ang nasa kanya ngayon. It was the smallest one, too. Isa iyong pabrika ng zipper.

“Yaya?”

“Kumain ka na ba?” tanong nito.

Umiling si Blanca. Halos hindi na niya maalala ang oras ng pagkain sa dami ng kailangang asikasuhin.

“Aba’y `wag mong pababayaan ang sarili mo na bata ka. Halika na at may pagkain sa ibaba,” sabi ni Yaya Dahlia.

Tumango na lang si Blanca at sumunod sa matanda. Mayamaya, dumating na ang kapatid niya. Nakangiti si Mitchell, mukhang masaya. Nitong huli, madalas na maganda ang mood nito, mula nang makahanap ng mga kaibigan sa school. Sumali rin si Mitchell sa varsity swim team at marami ang nagkakagusto rito ngayon. He grew up to be a very handsome man. Ngayon sa college, kahit paano, nakahanap na rin ito ng kompiyansa sa sarili. It took a very long time. A very long time of being bullied and choosing to stay silent about it, even to her, his own sister. Siguro, hindi man masasabing matalinong-matalino si Mitchell, naiintindihan nito na nahihirapan din siya sa sitwasyon. Hindi siya nagsasabi rito, pero nakakahalata rin siguro ang kapatid.

If there was one thing Blanca was proud of, it was having an influence on Mitchell. Sumunod ito sa kanya at natutong lumaban. Kahit paano, nakakatulog siya nang mahimbing sa gabi na siguradong wala nang mambu-bully sa kanyang kapatid at wala na itong mga pasang pilit itinatago sa kanya, o baon na iba ang nakinabang dahil sapilitang kinuha mula rito.

“All good?” tanong ni Blanca sa kapatid.

“Yes, Ate. May competition kami sa Sabado,” sagot ni Mitchell.

“That’s very nice. Are you ready?”

“Yup. I’m sure I’ll win.”

Natawa si Blanca. Tuwang-tuwa siyang makita ang kompiyansa ng kapatid. Mula sa isang patpating walang gustong gawin sa takot na magkamali, ngayon, lumalaban na ito sa ibang school.

“Balita ko may gelpren na `yan,” sabi ni Yaya Dahlia.

“Is that true? Naku, `wag kang mag-aasawa agad, ha?” Iyon lang ang gusto ni Blanca. Iyon lang ang hihilingin niya sa kapatid. Sana naman hindi ito matukso, tulad ng ibang mga kabataan ngayon.

“Of course not. It will be hard to find someone like you or mom,” sabi ni Mitchell.

Napangiti si Blanca. Mabuti naman at alam ng kanyang kapatid kung anong klaseng babae ang hahanapin. Magiging isang bangungot kung isang araw, mag-uwi ito ng babaeng basta-basta. “She needs to pass all my requirements,” sabi niya.

“Can you give me a list?” Humagalpak ng tawa si Mitchell.

“Saka na, kapag puwede ka na.” Pinagtaasan niya ng kilay ang kapatid.

Mitchell nodded. Itinaas nito ang isang kamay. “I promise to bring home a decent lady.”

Napangiti si Blanca. Sana. Umaasa siya. Mitchell was going to be a tough fellow, for sure. Tinuruan niya ito at alam niyang hindi susuko ang kanyang kapatid. He would work hard and strive to be a good partner to any lucky lady. That lady better be the best.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings