
Chapter 1
Apr 9, 2022
Patuloy ako sa paglalakad habang mahigpit kong hinahahawakan ang payong na nagsisilbing panangga ko sa napakalakas na ulan. Saglit akong tumigil at iniangat ang kamay ko para pilit na saluhin ang buhos ng ulan gamit ang aking palad.
Pluviophile. Iyon daw ang tawag sa mga taong mahilig sa ulan na kagaya ko. Nakakatuwang isipin na kahit papaano ay napapabilang ako sa isang grupo sa mundong ito. Madalas kasing ipinaparamdam sa akin ng mga tao sa paligid ko na hindi ako belong sa kanila.
Nang dumako sa paligid ang paningin ko, doon ko lang napansin na baha na pala. Napakadali palang bumaha sa lugar na ito. Magdadalawang araw palang simula nang lumipat kami rito ng pamilya ko, at mukhang mapapalipat na naman kami dahil dito.
Hindi ko alam kung papaano ako makakauwi. Kung bakit ba naman kasi hiniling ko pa na paksiw na bangus ang ulamin namin ngayon. Ako pa tuloy ang nautusang bumili ng suka.
“Oh ano?! Hanggang d‟yan lang pala ang kaya mo!”
Mabilis na naagaw ng sigaw na iyon ang atensyon ko. Hinanap ko kung saan nagmula ang sigaw at nakita ko ang kumpulan ng mga lalaking nakaschool uniform pa habang nakapalibot sila sa isang lalaking nakahandusay sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang sipain ng isa sa mga lalaking nakatayo ang lalaking nakahiga sa sahig. Nagtaka naman ako nang hindi gumalaw ang lalaking nasipa. Mukhang nawalan na ito ng malay kaya‟t hindi na nito ininda pa ang sakit dulot ng tadyak na natamo niya.
“Tara na! Wala naman palang ibabatbat „yang taong „yan! Akala ko naman napakalakas!” sigaw ng lalaking sumipa doon sa kawawang nilalang.
Mahigit sa sampu ang bilang ng miyembro ng kanilang grupo. Parang kabilang sila sa isang makapangyarihang gang. Nang isa-isa na silang nag-alisan ay tinakpan ko ang sarili ko gamit ang payong upang hindi nila ako mapansin habang naglalakad sila paalis.
Bahagya akong sumilip at tiningnan kung nakaalis na sila. Nang masiguro kong wala na sila ay nakahinga ako nang maluwag at mabilis na nilapitan ang lalaking nakahandusay sa basang kalye. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad akong napahanga sa maamo niyang mukha. Tama ba itong nakikita ko? Mukha siyang anghel.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya.
“Kuya! Kuya! Gising po!” sabi ko.
Natutop ko na ang bibig ko nang umungol siya. Ibig sabihin, buhay pa siya!
❄ ❄ ❄
“Well actually, wala ka namang dapat problemahin Miss, dahil nakatulog lang siya dahil sa dami ng alak na nainom niya.” ika ng doktor.
“A-alak po?” gulat na tanong ko.
“Oo,” sagot niya. “Lasing siya kaya nawalan siya ng malay. Maya‟t-maya rin ay magigising na ang pasyente kaya wala ka nang dapat ipagalala. Excuse me.” pagkasabi noon ng doctor ay umalis na ito. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa pintuan.
Lasing? Ang buong akala ko‟y nawalan siya ng malay dahil binugbog siya kanina, pero „yun pala‟y lasing lang siya. Napatingin ako sa orasan. Magdadalawang oras na ako rito sa hospital pero hindi pa rin siya nagigising. Paniguradong naging mukhasim na ang mukha ni Mama kahihintay sa akin na pinabili niya lang ng suka kanina.
Ibinalik ko ang tingin ko sa natutulog na anghel sa tabi ko. Bakit ba kasi hindi pa siya magising-gising? At bakit naman kaya siya uminom? Wala sa itsura niya na umiinom siya. Mukha naman siyang mabait.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong kumunot-kunot ang noo niya. Kasunod noon ay ang paggalaw ng mga daliri niya. Teka, gising na ba siya? Dahil doon ay natataranta kong pinindot ang emergency button ng silid upang mabilis na pumunta ang nurse rito.
“Miss, ano pong nangyari?” tanong ng nurse at dali-dali itong lumapit sa anghel.
May inilagay siya sa tainga niya na parang earphones at ang dulo noon ay bilog na ginagamit para marinig ang tibok ng puso. Ilalagay na sana niya ang bilog na iyon sa dibdib ng anghel nang biglang may tumapik sa kamay niya.
“S-Sir?” gulat na sambit ng nurse.
Lumapit ako sa kanila at mabilis akong kinilabutan nang makita ko ang mga mata ng anghel. Masama ang tingin na ipinupukol niya sa nurse.
“Where the f*ck am I?” tanong niya. F-f*ck?
“N-nasa hospital po kayo, Sir.” halatang takot na sagot ng nurse.
“What the f*ck, did you say?! Hospital?! How the f*ckin‟ hell did I get here?!”
Napalunok ako sa mga naririnig kong salita sa kanya.
“Sir, huminahon po kayo.” Hahawakan sana siya ng nurse pero agad niya itong pinigilan.
“Don‟t you even dare, you stupid f*ckin‟ nurse! Who the hell gave you the right to touch me?! I don‟t want to have germs coming from your f*ckin‟ dirty hands. Stay the f*ckin‟ hell away from me, you b*tch.”
S-stupid f-f*ckin‟ n-nurse? Napalunok muli ako. Tama ba ang mga naririnig kong salita mula sa kanya? Germs? F*ckin‟ dirty hands? You b*tch?!
“Miss, lalabas muna ako.” Halatang galit at nainsultong paalam ng nurse sa akin.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Gusto ko sanang magprotesta pero bago ko pa man magawa iyon ay nakalabas na siya ng kwarto.
Napalunok ako at kinakabahang tumingin sa anghe— scratch that. Napalunok ako at kinakabahang tumingin sa isang cursing machine.
“You stupid woman,” saad niya. “Why the f*ckin‟ hell am I here? How the hell on Earth did I get here?!” sunod-sunod na tanong niya.
Napalunok ako bago nagkalakas ng loob na sumagot sa kanya. “A-ano kasi…Nakita kitang bulagta sa sahig kaya dinala kita—”
“You f*ckin what?! So you f*ckin touched me?! Sh*t! I will kill you!”
Napalunok muli ako. Pakiramdam ko‟y dumudugo na ang ilong ko mula sa mga salitang binibitiwan niya. At ano raw?! Papatayin niya ako?!
“Ah sh*t!” mura muli niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. “Damn! This stupid obsessed b*tch.” ngitngit niya habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Muling kumalabog ang puso ko nang kunot noo niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. Sumenyas siya na lumapit ako kaya lumapit naman agad ako. Baka mamaya, kung ano pang gawin nito sa akin.
Nagulat ako nang bigla niyang inihagis sa akin ang cellphone niya. Mabuti na lang at nasalo ko iyon.
“Pick up the call and tell her to f*cking leave me alone.”
Nanginginig kong tiningnan ang cellphone niya. Patuloy ito sa pag-ring.
“Damn it! Answer the goddamn phone!” galit na utos niya.
Dali-dali ko naman itong sinagot. “H-hello?” bungad ko sa tumatawag.
“What the f*ck?! Where‟s Jack and who the f*cking hell is this?!” sagot nung nasa sa kabilang linya.
Oh, God. Bakit panay ganito ang naririnig ko? Please save their souls.
“Can‟t you f*cking talk, you b*tch?! Who‟s this?!”
Ibinalik ko ang tingin ko sa cursing machine na nasa harapan ko. “S-Sino raw ako?” tanong ko sa kanya.
“F*ck. Tell her you‟re my stupid f*ckin‟ girlfriend. Damn it.” utos niya.
Okay…
“Uhm…This is her s-stupid f-f*ckin‟ girlfriend.” sagot ko sa kabilang linya katulad ng utos niya.
“What the f*ck?” mura na naman ng cursing machine. “You‟re not supposed to say the stupid and f*ckin‟ thing. I can‟t believe I‟m having this conversation with someone as stupid as you.” ngitngit niya.
Kahit ako naman! Hindi ako makapaniwalang nakikipag-usap ako sa gaya niya. Duuuuh!
“F*ck! Give me that phone! Stupid!” utos niya. Nanginginig ko namang inabot sa kanya ang cellphone niya. “Damn! Germs!” ika niya at tila nandidiring kinuha ang cellphone niya na hinawakan ko. Ang arte!
Galit niyang idinikit sa tainga niya ang cellphone. “B*tch, f*ckin get your thoughts straight because I‟m going to say this one last time so you could get it through that stupid thick-headed skull of yours. I‟m f*ckin over you and I‟m dating somebody else now. So move on, alright?”
Hindi makapaniwalang napanganga na lang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na may nag-eexist sa mundong „to na katulad niya.
Nang maibaba na niya ang tawag ay tumingin siya sa akin at bumaba ang tingin niya sa kamay kong pilit kong pinipigilan ang panginginig. Pakiramdam ko‟y naubusan na ako ng dugo sa katawan at namumutla na ata ang mukha ko dahil sa takot sa kanya.
“Sh*t. Get your ugly face out of my sight! Go home, you cry baby!” sigaw niya.
Bigla na lang kuminang ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pinapauwi na niya „ko? Pinapalaya na niya „ko? Hindi na ako nagdalawang isip pang sundin ang sinabi niya. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan pero bago ko pa man mahawakan ang door knob ay laking gulat ko nang may humawak sa balikat ko at hinarap ako sa direksyon niya. Nanginig ang katawan ko nang masalubong ko ang masama niyang tingin. Itinulak niya „ko pasandal sa pintuan habang nakatuon ang magkabilang braso niya sa gilid ko. Tila kinorner niya ako.
“What the f*ck is your name?” tanong niya. Kaagad na nagtaasan ang mga balahibo ko dahil kitang-kita ko sa itsura niya na seryoso niyang hinihingi ang pangalan ko. Eh kung bigyan ko kaya siya ng ibang pangalan?
“Don‟t even think about it. I‟m gonna cut your tongue if you dare.” banta niya. At paano niya nahulaan ang iniisip ko?!
“I‟m a very impatient person. Your name?” inip na saad niya at ipinaparating ng tono ng boses niya na wala akong ibang choice kung hindi ang sagutin ang tanong niya.
“Jasmine,” kinakabahang sagot ko. “My name is Jasmine.”
Hindi ko alam kung guni-guni lang ba pero tila nagbago ang kanyang reaksyon nang marinig niya ang pangalan ko. Unti-unti siyang lumayo sa akin, sapat na para magkaroon kami ng disenteng distansya sa isa‟t isa. Mayamaya‟y napayuko siya at ngumisi na tila ba nainsulto.
“Leave.” tila galit na utos niya.
11
Dali-dali kong kinapa ang door knob sa likuran ko kung saan ako nakasandal at nang makapa ko iyon ay agad ko itong pinihit at binuksan. Mabilis akong tumakbo palabas at hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil sa takot.
❄ ❄ ❄
“Summer!” sigaw ni Mama pagkatungtong na pagkatungtong ng paa ko sa bahay.
“M-Ma...” kinakabahang sagot ko.
“Saan ka galing?! Aba! Gaano ba kalayo ang bahay natin sa tindahan ha?!” nag-aalburotong sigaw niya.
“Eh, Ma, kasi po...”
“Ah, hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Kumain ka na at tinola na ang ulam,” sagot niya.
“Opo, Ma,” sagot ko at dali-daling tumakbo papuntang kusina. “Ah, oo nga pala… Ma!” sigaw ko.
“Ano na naman „yon?” iritableng tanong niya.
“Pwede po bang lumipat na uli tayo ng bahay? Ang weird sa lugar na „to. Ang daming gangster!” sigaw ko at saka naupo sa hapagkainan.

By the way, his name is Jack Frost
47 Chapters
47
Contents

Save

My Passion
Copyright © 2026 Passion
XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101