Araw Gabi (El Paraiso) - Chapter #3 - Free To Read

Chapter 2

select arrow

Chapter 2

N ASA ibaba na ng building si Michelle at tinungo ang pinagparadahan ng sasakyan. Pumasok siya sa loob ng kotse at binuhay ang makina at inilabas iyon sa parking lot.

She must have fainted for a few seconds. Naisip niya ang malaking lalaking tumulong sa kanya. She felt so ill that she didn’t care who had been there to help her. Kahit paano’y ipinagpapasalamat niyang hindi ito masamang tao. Though he was rude and impertinent.

Subalit hindi niya maikailang ang init mula sa katawan nito’y tila nagbigay sa kanya ng kaginhawahan. She really had purposely leaned on him, reveling his warmth and male scent. That surprised her. Paano niya nagawa iyon? May kasintahan siya at nagpaplano nang magpakasal!

Ang tanging dahilan niya para sa ginawa’y ang pagsama ng katawan niya. She knew he was tall and big but she hadn’t expected him to be good-looking, too. And young. He must be around twenty-nine or thirty.

At kamamatay lang ng mga magulang niya at kasalukuyan siyang namimighati. At sa pangyayaring hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay ngayong kahit ang sariling bahay nila ay hindi niya pag-aari.

And that must be the reason. She was vulnerable. Human needing human. She sighed miserably. Ano man ang dahilan, tapos na iyon. Hindi na sila magtatagpong muli. May mas mabigat siyang suliraning kinakaharap.

NANG hapong iyon ay bisita ni Michelle ang kasintahang si Dexter. Ipinagtapat niya ang resulta ng naging pag-uusap nila ni Attorney Moral.

“It is just money, Michelle,” wika ni Dexter sa kanya at kinabig siya payakap. “I will provide for you. Palilipasin lang natin ang babang-luksa sa pagkamatay ng mga magulang mo at mamamanhikan kami nina Papa’t Mama sa Lola Digna mo. Nabanggit ko na sa kanila iyan at wala silang tutol.”

Puno ng pasasalamat at pagmamahal ang tinging ibinigay niya sa kasintahan at humilig sa balikat nito. Ikinagalak niya ang pagdating nito sa araw na iyon. Nabantuan niyon ang pamimighating nararamdaman niya. Hindi niya gustong lubusang iasa sa kasintahan ang lahat. But looking at it now, she really had nothing. Her parents gone. She had no money. She only had Dexter, his love and his support.

“It wasn’t even a will, Dexter,” she said in a weary voice, “kundi pagbibigay impormasyon sa akin ni Attorney Moral ng mga ari-arian ni Papa at kung saan napunta ang mga iyon.”

“Don’t worry yourself about that,” anito. “Kapag nakasal tayo’y hindi mo kailangan kahit ang bahay na ito. Magtatayo tayo ng sarili natin.”

Kahit paano ay napangiti siya roon. Subalit ang atensiyon nila ay nakuha sa paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bahay. Nasa balkon sila at agad na nakita ang pagbaba ng taxi ng isang pamilyar na bulto.

“Here comes your grandmother,” usal ni Dexter sa kanya. “Maliliwanagan natin ang lahat.”

Sinundan nila ng tingin ang pagpanhik ni Digna Verano sa balkon. Nakatiim ang anyo nito, na hindi na pinagtatakhan ni Michelle. Wala siyang natatandaang nakita niya itong ngumiti.

“Good morning, Mrs. Verano,” bati ni Dexter.

Bahagya nang tinanguan ni Digna si Dexter. Ang mga mata nito’y diretso kay Michelle. She had expected her grandmother to be sympathetic, dalawa na lang silang natitira. Pero kahit sa tatlong araw na burol ng mga magulang ay ni hindi siya nito nilapitan. Her grief was for her son only.

Digna Verano was a retired government employee and was living on her pension in an expensive apartment in the vicinity of Marikina. She was tall and bony and must be in her early seventies. Ang buhok nito ay mahigpit na nakabanat patalikod at nakapusod. She always wore dark-colored blouses and skirts, the style was as old and austere as this old woman.

Ang kalamigan ng pakikitungo ni Digna Verano sa kanya mula pa sa pagkabata niya’y hindi niya naiintindihan. Wala siyang natatandaang pagkakataon na magiliw ito sa kanya kahit man lang pakitang-tao. Kinalakhan na niyang magagalitin at masungit ito sa kanya. At kahit kay Emma ay ganoon din ang pakikitungo nito, lalo na kapag hindi kaharap si Amador.

Nang itanong niya sa ina kung bakit ganoon ang ugali ng abuela ay bale-walang tumawa si Emma. Her mother’s laugh had been more of a sneer than amusement. Ayon dito ay talagang ganoon daw ang matatanda at huwag nang pansinin.

“Napag-alaman kong nagkausap na kayo ni Attorney Moral kaninang umaga,” simula ni Digna na pumutol sa pagsusuri niya rito. Alam ni Michelle na hindi ito magtutungo roon kung walang ipararating sa kanya.

Tumango siya. “We’ve talked.”

“At maliwanag na naipahatid sa iyo ni Attorney Moral ang dapat mong malaman tungkol sa mga ari-arian ng aking anak, Michelle.”

“Iyan nga po ang gusto kong linawin dahil walang iniwan kahit na ano sa akin si Papa—”

“Hindi kataka-takang walang iniwan sa iyo ang aking anak,” Digna said, cutting her off. “Dahil hindi ka naman isang Verano.”

“Ano ba ang sinasabi ninyo, Lola Digna?” Kunot ang noong nagkatinginan sila ni Dexter.

“Huwag mo akong tawaging ‘Lola Digna,’ Michelle! Hindi kita apo! Wala akong apo!”

Napasinghap si Michelle sa karahasan ng tinig ng matandang babae at napaatras siya sa barandilya ng balkon. Hindi agad rumehistro sa isip niya ang mga sinabi nito.

“Mrs. Verano,” Dexter said soothingly. “I know you are upset. You’ve just lost your son and daughter-in-law. Naiintindihan namin ni Michelle ang damdamin ninyo. But she’d lost her parents, too.”

“Daughter-in-law?” Her laugh was mocking. “Kahit kailan ay hindi ko itinuring na manugang si Emma!”

“Mrs. Verano!”

Tinitigan ni Digna si Dexter. Umangat ang isang manipis at guhitang kilay nito. “Kung ako ikaw, binata, susuriin ko munang mabuti ang uri ng pagkatao ng babaeng binabalak kong pakasalan. Natitiyak kong nais ng mga magulang mo na ang mapangasawa mo ay mula sa marangal na angkan.”

Michelle gasped. “Lola Digna, please. Why are you doing this?”

Marahas ang ginawang pagharap nito sa kanya. “Hindi ka nakikinig, Michelle! Hindi kita apo! Kinasuklaman ko ang araw na iniuwi ka ni Emma sa bahay na ito na ipinundar ng aking asawa. Nang dahil sa kahibangan ng aking anak kay Emma ay pinili niyang tanggapin ka rito. Kahit na ang kapalit niyon ay ang pag-alis ko sa sarili kong tahanan dahil hindi ko kayang tagalan ang presensiya ninyo ni Emma sa pamamahay ko!”

“A-ano ang ibig ninyong sabihin?” Ang kalupitan ng ipinahayag nito’y unti-unti nang rumerehistro sa namimighating isip niya.

“Hindi ka anak ni Amador!”

“H-hindi totoo ang sinasabi mo!” tanggi niya, pero sa isipan ay kumislap ang anyo ni Amador at ang malamig na pakikitungo nito sa kanya mula pa pagkabata.

“Emma was a rape victim and was almost killed by her rapist,” Digna said ruthlessly. “Nagtagpo sila ni Amador sa courthouse kung saan dinidinig ang kaso ni Emma laban sa lumapastangan sa kanya. Isang kasong walang patutunguhan dahil masalapi ang kalaban at nabili ang abogado niyang sampay-bakod.

“Subalit ang anak ko’y nabighani kay Emma sa una pa lang na pagkakita niya rito! Hindi ako makapaniwalang papatulan ni Amador ang ganoong uri ng babae! She was brutally raped and was hospitalized for a month! Sa korte ay iniladlad niya sa publiko ang nangyari sa kanya!”

Napaungol sa matinding panlulumo si Michelle. Hindi niya gustong paniwalaan ang naririnig. Digna was telling her all these out of spite.

“Iniisip mo bang gawa-gawa ko lang ang sinasabi ko sa iyo?” tanong nito na tila nababasa sa mukha niya ang laman ng isip niya. May dinukot ito sa bag na nakasabit sa mga balikat nito.

“Heto ang katunayan ng mga sinabi ko! Ilang clippings iyan mula sa mga peryodiko ng mga pangyayari tungkol sa pagkaka-rape ni Emma. Malaking salapi ang ginasta ni Amador upang patahimikin ang media. Salaping halos ikasaid ng naiwan sa akin ng aking asawa dahil hindi ko kayang tanggihan ang aking anak sa kabila ng lahat!” Inihagis nito ang brown envelope sa wicker table na nasa harap niya.

Napakislot si Michelle sa pagbagsak ng envelope sa silya. Niyuko niya iyon sa nanlalaking mga mata na tila ba anumang sandali ay may lalabas doong cobra at tutuklawin siya. Nang damputin ni Dexter ang envelope ay gusto niya itong awatin subalit walang tinig na lumabas sa bibig niya.

Her mother had been a rape victim. And yet Amador had loved Emma so much. Kung mayroon mang mahalaga sa ama niya ay ang kanyang ina iyon. Her father’s life had revolved around Emma so that when she died, it was as if Amador had lost his will to live. His accident was almost a suicide.

“Nadaya sa panlabas na anyo ang anak ko! Emma would have lost her case against her rapist had it not been for my son. He had begged his employer to take Emma’s case. And then my stupid son married her a few months later.”

“S-sino ang... aking ama?” she asked in a small voice, a sickening feeling churned her stomach. “Ang... lalaki bang lumapastangan kay Mama?”

“Oh, no,” mariing tanggi ni Digna. Halos matanggal ang mahigpit na pagkakapusod sa pag-iling. “Tatlong taong mahigit ka na nang iuwi ka rito pagkatapos ng kasal. Isa pa, ang saksak na tinamo niya mula sa rapist ay sinira ang kakayahan niyang magkaanak pa. At hindi importante kay Amador iyon. Si Emma lang ang mahalaga para sa anak ko. And my son who was so obsessed with his wife had agreed to adopt you and gave you his name.”

The truth hurt her like a knife that if she bleed she wouldn’t be surprised. Ngayon niya lubusang nauunawaan kung bakit ganoon ang pakikitungo ni Amador sa kanya, na bagaman hindi ito malupit ay hindi naman siya nakadama ng pagmamahal.

“Kung ganoo’y sino ang ama ni Michelle, Mrs. Verano?” tanong ni Dexter na nagsalita makalipas ang mahabang sandali. Ginagap ni Michelle ang kamay ni Dexter upang umamot ng lakas. But Dexter seemed not to notice her hand on his.

Digna carelessly shrugged her bony shoulders. “Who knows? Ni hindi nagtanong ang anak ko kung sino ang ama mo. Malamang sa isa sa mga lalaking nakarelasyon ni Emma bago pa man siya ma-rape. She was a whore! She had served on tables before she married my son! She seduced men and it was her fault that she was raped and was almost killed!” Umaagos sa tinig nito ang pagkasuklam.

Isang nanghihilakbot na ungol ang kumawala kay Michelle. Ang panlulumo ay nahalinhan ng galit. “Patay na si Mama! Wala kayong karapatang pagsalitaan siya nang ganyan! Isa siyang waitress sa isang disenteng restaurant at doon niya kinuha ang ipinagpaaral niya sa sarili!”

Digna laughed, an ugly laugh. “Sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin at wala kang magagawa, Michelle! Kay raming taon kong tiniis ang presensiya ninyong dalawa ni Emma sa pamamahay ko!”

Kung wala ang barandilya sa balkon ay baka naupos na siya palugmok sa sahig. Naramdaman niya ang banayad na paglayo ni Dexter sa kanya. At nang sulyapan niya ang kasintahan, nakita niyang natitilihan ito.

“At para sa iyong kaalaman, ang anak ko pa rin ang nagpaaral kay Emma sa huling dalawang taon niya sa kolehiyo.” She shook her head in disgust.

Pagkatapos ay humakbang ito papasok sa loob ng kabahayan at ginalugad ng tingin ang buong paligid na para bang noon lang nito nakita ang loob niyon. Banayad nitong hinipo ang grand baby piano, pagkatapos ay ang antigong bureau. Pagkatapos ay muli rin itong lumabas sa balkon.

“Nang dahil sa inyo ni Emma ay napilitan akong manirahan sa isang upahang apartment dahil hindi ko kayang makita ang pagkahibang ng aking anak. Kung may konsolasyon man akong masasabi ay ang katotohanang wala siyang pagmamahal sa iyo. He only indulged you because of Emma. But I had the last laugh, Michelle. Nahikayat ko ang anak kong ilipat na sa akin ang natitira pa niyang salapi nang maospital si Emma! In his heart, he knew Emma wouldn’t survive.”

Then Digna looked around her. “Except for this house, he turned all his assets into cash. Ibinigay niya sa akin nang paunti-unti ang lahat ng salaping naipon niya. Hindi mo iyan kayang habulin sa batas. So now you have nothing at all just as you had nothing when you were brought to this house...”

Parang nauupos na kandilang ginagap ni Michelle ang sandalan ng wicker chair at dahan-dahang naupo roon. Ni hindi niya alam kung iiyak siya o magagalit. At kung kanino siya magagalit ay hindi niya alam. Pero kung may tiyak man sa damdamin niya ay hindi niya gugustuhing umiyak sa harap ng babaeng ito.

“Binibigyan kita ng tatlong araw para lisanin ang bahay na ito,” patuloy ni Digna Verano. “At wala kang dadalhing anuman maliban sa sarili mong gamit! Tinitiyak ko sa iyong ipapupulis kita kapag may tinangay kang ano mang hindi mo pag-aari.”

Kung saan galing ang tapang niya ay hindi alam ni Michelle. Perhaps from desperation because financially, she had nothing left. Or simply out of spite for this cruel woman.

“My God, you spent twenty years out of your miserable life hating me and my mother! You are a pathetic old woman! Pero kung iniisip ninyong aalis ako sa bahay na ito nang walang-wala, nagkakamali kayo. Akin ang kotse ni Mama!”

“Subukan mong hawakan man lang ang sasakyan ng anak ko at ipapakulong kita, Michelle! At dahil binanggit mo na rin, ibigay mo sa akin ang mga susi!”

Hindi niya matiyak kung mahahabag o mamumuhi sa matandang babaeng ito. “Your son had legally adopted me, Mrs. Verano,” aniya sa kalmante nang tinig. “Kahit nasa pangalan ni Papa ang mga sasakyan ay legal pa ring akin bilang anak nila ni Mama. Your son, in his shrewdness, had totally forgotten the vehicles. But as it happened, nasa pangalan ni Mama ang Nissan X-Trail. Regalo ng anak ninyo sa kanya noong twentieth anniversary nila.”

Napahugot ng marahas na hininga ang matandang babae. Nang akma itong magsasalita ay inunahan niya.

“And so the X-Trail is mine. Kahit ang BMW ni Papa ay akin... na nakalimutan niyang gawing cash. Natitiyak kong babayaran iyon ng insurance company. At dahil ako ang anak, sa akin iyon mauuwi. Why, you can talk to the lawyers.” She smiled triumphantly.

Kung hindi niya pinangatawanan ang sarili laban dito ay baka katakutan ni Michelle ang pagkamuhi sa mga mata ng matandang babae.

“Take Emma’s things with you! Hindi ko kailangan ang mga iyon!” She turned to leave. Subalit bigla itong huminto at nilingon siya. “Huwag mo nang hanapin pa ang mga alahas ni Emma. Kinuha ko ang mga iyon noon pa mang nakaburol sila. Mula iyon sa salapi ng anak ko at nararapat lamang na mapasaakin!”

“Oh, I don’t think so,” she said. “If you think you can steal my mother’s jewelry collection then think again. Nasa pag-iingat kong lahat ang mga resibo ng mga alahas ni Mama. Kaya kung ako ikaw ay makabubuting ipadala mo kay Attorney Moral ang kinuha mong mga alahas kung ayaw ninyong maakusahan ng pagnanakaw.”

The old woman’s face turned ugly in fury. Halos sumisingasing ito. Michelle was afraid she would strike her. Pero nanatili ito sa kinatatayuan. Digna Verano opened her mouth then closed it again. Pagkatapos ay tuluyang tumalikod. Huminto ito sandali nang malingunan sa garahe ang four-month-old black and silver Nissan X-Trail.

Nakita ni Michelle ang paggalawan ng mga ugat nito sa leeg sa matinding galit bago nagmamadaling lumabas ng gate.

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings