Chapter 1
“UGH! NAKAKANGALAY,” sabi ko sa sarili ko habang hinihilot ang leeg kong nangalay na maghapong nakatapat sa computer dahil sa kuwentong isinusulat ko.
Isa akong teen-fiction and romance writer sa isang Website na nagngangalang Wattpad. Isa ang Wattpad sa mga Website na nagbibigay ng opportunity sa mga aspiring writers para makapag-publish ng sariling kuwento na mababasa online for free. Oo, libre lang. Pero kahit wala akong nakukuhang bayad sa story na ginagawa ko, makakuha lang ako ng comments from my readers, daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sobrang saya sa pakiramdam.
Ang sarap sa feeling kapag may nababasa akong papuri tungkol sa mga kuwentong isinusulat ko. Parang lahat ng pagod at pawis mula sa dalawang oras na pagta-type ng update sa story ko ay biglang nawala dahil sa mga sinasabi nila.
Itinuon ko uli ang paningin sa screen ng computer ko, saka binasa uli ang naisulat. Napangiti ako dahil alam kong marami ang magre-react na readers sa panibagong update na ia-upload ko.
I clicked Publish on my computer, so my readers could read my story that I already updated.
Pinatay ko muna ang computer, saka lumabas ng kuwarto para kumain. Pakiramdam ko kasi naubos ang energy ko dahil sa intense ng update na isinulat ko. Iniisip ko pa lang kung paano magre-react ang mga reader ay natatawa na ako. I was very sure kasi na maraming violent reaction ang mangyayari dahil sa drama ng characters ko. If you were an effective writer, you must know how to affect your readers, so I was. Okay, medyo conceited yata ang dating ko diyan. Hehe!
Nagbasa muna ako ng librong binili ko for two hours, saka binuksan uli ang computer at pumunta sa site ng Wattpad. Magbabasa muna ako ng comments ng mga reader sa latest update ng story ko.
OMG!!! Breathtaking chapter!!!
Oh my gosh!! This is it! Why is this happening? OMG nga!!
Bitin po! Update soon, please. I’m craving to read some more.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa comments nila. Tama nga ako ng iniisip dahil halos lahat sila ay apektado sa binasa. Hindi ko matanggal ang malapad na ngiti sa mga labi ko habang ipinagpapatuloy ang pagbabasa sa mga comments. Then, a certain comment caught my attention.
Nakakainis ka naman, Geneva, eh. Kung mahal mo talaga `yan, papaniwalaan mo siya. Hindi ka kaagad magbibigay ng conclusion sa mga naririnig mo sa mga bibig ng tao. Kabadtrip ka naman!!
That intense comment came from Unknown_XXX’s username. Parang gusto nang mapunit ng mga labi ko dahil sa comment na galing sa kanya. Naaalala ko kasi si Unknown_XXX. Ever since I started writing online, loyal reader ko na siya. Isa siya sa may pinakamahaba or minsan may pinaka-heartwarming na sinasabi about my story. Lagi siyang present at nagbo-vote sa story.
Then out of the blue, I had this sudden urge to view her profile, so I did. Ni minsan kasi ay hindi ko siya napasalamatan sa pagiging supportive reader niya kaya ngayon, pasasalamatan ko siya.
When I clicked her profile, na-flatter ako sa nakita ko. Ako lang kasi ang tanging writer na pina-follow at binabasa niya dito sa Wattpad. Sa dami ba naman kasi ng writers and stories dito, bihira akong makakita ng isang Wattpad user na isang writer lang ang pina-follow at binabasa ang story. I knew my story wasn’t that good dahil ang dami ko nang natanggap na rant and bash about my story kaya nagulat pa rin ako dahil sa loyal support ni Unknown_XXX.
Thank you sa pagbabasa ng story ko :).
I posted on her message box’s profile.
I clicked the Close button at nagsimula nang magbasa ng paboritong story ko. After ten minutes, I got a notification saying Unknown_XXX had replied to my message.
Unknown_XXX: WOW! Nananaginip ba ako? Totoo bang napadalaw ka sa profile ko, Ms. Author? Wala pong anuman, Author. Ang ganda po kasi ng stories ninyo.
Nag-reply naman ako since I was kinda bored na rin.
JoselleHerrera: Walang anuman. Salamat din kasi binabasa mo ang stories ko.
`Ayan na ang simula ng pag-uusap naming dalawa ni Unknown_XXX. Our little conversation lasted for about an hour or so. Hindi ko na nga namalayan na it was almost midnight dahil sa pagkukuwentuhan namin. Hindi siya nauubusan ng topic at sasabihin sa akin. Ewan ko ba, pero ang saya niya lang kausap dahil sa sense of humor niya. Natatawa na lang ako sa harap ng computer ko dahil sa mga banat niya.
She even commented on Geneva—one of my characters in my story. Galit na galit siya kay Geneva dahil hindi raw nito binigyan ng pagkakataon mag-explain ang partner nito.
Lumipas ang mga araw at lagi na kaming nag-uusap ni Unknown_XXX. I even followed her on Wattpad. Ang weird nga dahil ilang araw na kaming nag-uusap pero hindi ko pa rin alam ang name niya, so I asked.
JoselleHerrera: Ano nga’ng pangalan mo? Ilang araw na tayong nag-uusap pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo. Puro ‘uy’ lang tuloy ako sa `yo. Hehe!
Unknown_XXX: Rico po, Author. :)
I stared at my computer’s screen for a moment, trying to digest what I had ead. Bigla akong napamura sa isip noong nag-sink-in na sa utak kong all this time, lalaki pala si Unknown_XXX? ‘Tapos, minsan girl pa ang tawag ko sa kanya. He didn’t even bother to correct me. Ang gulo rin pala ng lahi ng lalaking `to, eh.
JoselleHerrera: Are you sure na lalaki ka?
Iyan ang tanong ko sa kanya dahil hindi pa rin ako convinced na lalaki siya. Ang pagkakaalam ko kasi sa mga lalaki, tamad magbasa. Hindi naman sa pagiging sexist, pero iyon nga, `di ba? Boys tended to waste their time playing online games instead of reading some stories. Lalo na’t romance pa ang isinusulat ko.
Unknown_XXX: Opo. Bakit? Hindi ako bading, Author. Ang guwapo ko naman para maging bading. Hehe!
I mentally rolled my eyes while typing my reply to him. Hindi lang pala insensitive itong si Unknown_XXX kundi conceited din. Talk about a guy’s attitude.
JoselleHerrera: Lalaki ka pala tapos hindi mo man lang ako itinama. Girl tuloy ako nang girl sa `yo.
Unknown_XXX: Sorry na po. Guwapo lang. Hehe!
JoselleHerrera: Wait—ilang taon ka na ba?
Unknown_XXX: Eighteen po, Author.
JoselleHerrera: We’re the same age, so drop the ‘po’ thingy. Saka Joselle na lang ang itawag mo sa akin. Ang awkward kasi kung Author. Haha!
Talking to each other became our daily routine. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi kami nag-uusap ni Rico kapag parehas kaming online. Kung ano-ano lang naman ang topic namin tuwing magkausap kami pero hindi kami nabo-bore sa isa’t isa. Alam n’yo iyong feeling na kahit magtawanan at mag-asaran lang kayong dalawa, masaya na?
Hindi ako makapaniwalang parang ang close na naming dalawa ni Rico kahit na sa online lang kami nagkakilala.
One thing I found out about Rico. Masyado siyang bully at mapang-asar. Hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako tatawaging ‘emo’ dahil nalaman niyang mahilig ako sa mga nakakaiyak na kanta kaysa sa mga pang-party songs.
Days passed. We even shared information about ourselves. Taga-Bulacan pala si Rico. Third year college taking up Engineering. Kaya kapag may assignments ako sa Mathematics, siya agad ang takbuhan ko.
Thank you, Rico. Hulog ka talaga ng langit sa akin, sabi ko sa kanya. Katatapos niya lang akong turuan sa panibagong assignments ko.
Anong thank you ka diyan? May kapalit `yan, reply naman niya sa akin. Kahit na sa chat lang kami nag-uusap, ramdam kong nakangisi siya sa mga oras na ito.
Ano naman `yon, aber?
Mag-update ka na. Hehe! Two days ka nang hindi nag-a-update ng story, eh. Hehe!
Napangiti na lang ako dahil sa sagot niya. I could say na gustong-gusto niya talaga ang story ko.
Mag-a-update naman talaga ako. Hintay ka lang diyan.
Joke lang. Hindi talaga `yon ang kapalit. Haha! Mag-a-update ka naman pala kahit hindi ko sabihin, eh.
Aba! Balahura ka talaga! So, ano pala?
Puwedeng makahingi ng picture mo? Para naman makita ko hitsura mo.
Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Rico. Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Gusto niya akong makita? Malamang, kaya nga humihingi ng picture, Joselle, eh. Gusto kong tumanggi sa favor na hinihingi niya. Hindi naman sa nilalait ko ang sarili ko pero kasi, wala akong self-confidence. Kaya nga animé ang avatar ko sa Wattpad, eh. Hindi kasi ako nagagandahan sa sarili ko. Paano kung mapangitan sa akin si Rico? ‘Tapos hindi na niya ako kausapin forever? Hay, nakakainis! Bakit ba dina-down ko ang sarili ko?
Pero kahit gusto kong tumanggi sa gusto ni Rico, parang hindi ko magawa. He was always helping me with my assignments. Loyal reader ko rin siya. ‘Tulad nga ng sinabi niya, siya raw ang number zero fan ko. Kaya nagi-guilty ako kung tatanggihan ko ang simpleng request niya.
I sighed in defeat. Nag-send ako ng isang picture sa kanya. Ito na yata ang pinakamaganda at pinakamaayos na litrato dahil nakaayos ako at may light makeup sa mukha ko. That photo was taken when my sister got married.
Ang bigat ng paghinga ko habang hinihintay ang reply ni Rico. Ang dami na agad thoughts ang pumasok sa isip ko. Nilalait na kaya ako ni Rico at pinagtatawanan habang tinitingnan niya ang picture ko? Hindi na ba niya ako kakausapin after this? Hay! Bahala na nga. Siguro naman hindi judgemental si Rico. If ever din na hindi na niya ako kausapin, fine. Bahala siya sa buhay niya.
WOW! Ang ganda mo pala, Joselle.
I suddenly felt butterflies in my stomach when I read his reply. Hindi kasi ako sanay sa compliment ng ibang tao dahil pakiramdam ko, niloloko lang ako. Oddly enough, bakit kay Rico parang may kung anong bagay na sumayaw sa loob ng tiyan ko?
Tse! Lakas mong mambola, sagot ko naman sa kanya. Kunwari nainis, pero hindi naman maalis ang malapad na ngiti sa mga labi ko.
Pero wala ka bang ibang picture? `Yong simple lang.
Demanding, ah! I joked.
Hehe! Sige na, last na.
Nag-send uli ako ng isang picture na ordinary lang. Walang makeup o nakalagay na pampaganda sa mukha ko. Kuha naman ang picture na iyon sa school namin noong intramurals. Maayos naman ang hitsura ko doon at hindi naman mukhang yagit.
`Yon naman pala, eh. Mas maganda ka kapag simple lang at natural. Simplicity is beauty, Joselle.
Swear to God, bigla akong namula nang nabasa ang sinabi ni Rico. My face turned red dahil sa sobrang blush. Mabuti na lang sa online lang kami nag-uusap ni Rico. Paano kaya kung sa personal niya sinabi iyon? Nakakahiya kapag bigla akong nag-blush dahil sa compliment niya.
Napasigaw din ako dahil doon. Mabuti na lang at soundproof ang kuwarto ko. Hindi maririnig sa labas kahit sumigaw ako nang sumigaw dahil sa sobrang kilig. Alam kaya ni Rico na ganito kaming mag-react ng mga babae kapag nakakatanggap ng compliment from a guy? I hoped not, kasi baka asarin niya ako.
Napatingin uli ako sa screen ng computer nang may makita akong link na isinend si Rico. I clicked the link. It was directed to photobucket.com. Biglang may picture ng isang lalaki ang lumabas. My jaw dropped because of that picture. Para akong nakakita ng isang fictional character.
ANG GUWAPO AT ANG HUNK NI RICO!
Nakita mo ba `yong picture? Kuha `yan nang minsan akong lumaban ng Mr. Bulacan last summer, bigla niyang reply.
Napatitig uli ako sa screen dahil sa picture. Sigurado bang siya talaga ito? Hindi kasi ako makapaniwala dahil sobrang guwapo ni Rico. Naka-beach shorts siya at topless kaya kitang-kita sa picture ang tiyan niyang may six-pack abs. May shades pa siya at nakatingin sa ibang direksiyon ang ulo kaya mukhang stolen ang picture. Hindi talaga ako makapaniwala na si Rico ito dahil mala-fictional character talaga ang lalaki na nasa picture. The guy who had a handsome face and an almost perfect proportion of body.
Weh, ikaw ba talaga `to? Baka poser ka lang! Masyadong guwapo `tong nasa picture, eh, pagbibiro ko sa kanya.
Oo naman! Tingin mo sa akin poser? Haha!
Oo, hahaha.
Loko mo, Joselle. Amp!
Good thing about Rico, kahit guwapo, hindi niya ipinagmamayabang ang mukha sa Wattpad. Kahit na mala-Wattpad fictional character ang mukha, hindi niya ito ibinalandra sa kanyang profile. I would drool whenever I saw his picture. Grabe naman kasi itong mukha at katawan ni Rico, masyadong perpekto, eh.
Lumipas ang dalawang buwan simula nang magkakilala kami ni Rico. As usual, hindi pa rin lumilipas ang araw na hindi kami nagkakausap. Sa mga araw na lumilipas, ang dami kong nalalaman about sa kanya at ganoon din siya sa akin. Siguro, I may consider Rico as one of my closest friends online.
One time, habang magkausap na naman kaming dalawa, bigla niyang hiningi ang number ko. Niloko ko siya. Sabi ko, para saan? Ang sagot niya lang naman, “Para sa text, maaasar na rin kita.”
Reasonable enough, right? Binigay ko naman dahil wala rin naman akong choice. Hehe! Nandiyan na after naming mag-usap ni Rico online, sa text naman kami nag-uusap hanggang gabi. Minsan pa nga, pinipigilan ko lang na `wag antukin para lang mas humaba pa ang conversation namin.
At ang boses ni Rico? It was a damn sexy voice. Ano bang pangit sa lalaking ito? Parang lahat yata ng katangian ng isang lalaki nasa kanya na, eh. Nasa `yo na ba lahat, Rico?
Georgia
Arial
Cabin
T
T
T
English
Chapter auto-unlock