29th of February - Chapter #1 - Free To Read

Prologue

select arrow

Prologue

Her P.O.V

“Tama na… Ayoko na, please… Hindi ko na kaya… Patayin ninyo na lang ako!” Hindi ko alam kung sigaw na ba ang ginawa kong iyon pero batid kong iyon na ang pinakamalakas na boses na kayang ilabas ng namamaga kong mga labi. Muli akong napaluha kahit tila said na said na ang mga mata ko ng mapatingin sa lalaking nakatali sa kinauupuan niya at naliligo sa sariling dugo. Nakatungo na ang ulo niya na halos madurog na ang bungo dahil sa ilang ulit na pagkakapukpok kanina. At ang lalong nakapanlumo sa akin ay ang mabatid na wala na siyang buhay.

“Pare, tama na daw oh. Eh hindi pa nga kami nag-eenjoy!” sigaw ng isang lalaking nakahubad.

“Ahhhh!!!!” Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako nang muli nilang latiguhin ang katawan ko. Bakit ba hindi na lang ako nahimatay? O bakit ba hindi na lang ako mamatay? Hindi ko na halos maigalaw pa alinmang parte ng aking katawan pero ramdam ko pa rin ang lahat ng sakit na ginagawa nila sa akin. Hubo’t-hubad nila akong itinali ng nakahiga at nakaharap sa kanila habang pinapaso ng sigarilyo ang iba’t-ibang parte ng katawan ko. Ang pinakamasakit ay nang ginawa nilang ashtray ang pusod ko.

“Oo! Babe, nagsisimula pa lang tayo, alam mo ba iyon?” sigaw naman ng isang lalaki na wala ring suot na anumang saplot sa katawan.

“Ahhhhh!!! Tama na please… Ayoko na…” muling sigaw ko sa pagbabakasakaling baka maawa pa sila sa akin sa kabila ng pamumula ng kanilang mga mata habang muling nilalatigo ang mgahita kong naghalo na ang kulay ube at itim.

Sila? Ilan nga ba silang lahat na demonyong nakapaligid sa akin ngayon? Tatlo? Apat? Lima? Ilan ba silang mga demonyong nagpakasarap sa katawan ko ng paulit-ulit at ngayon ay pinaglalaruan gamit ang ilang matitigas na bagay?

“Ahhhhh!!!!” Ayoko mang sumigaw na ngunit ito lang ang tanging paraan upang kahit paano ay maibsan ang sakit nang muling lumapat sa katawan ko ang malalakas na hagupit ng latigo. “Bakit hindi ninyo na lang ako patayin?! Ako na ang nagmamakaawa sa inyo… Patayin ninyo na ako!!!”

Wala na rin namang saysay kahit buhayin pa akong ng mga demonyong lalaki na ito. Hindi lang dahil winasak nila ang katawan ko… Hindi lang dahil binaboy nila ang pagkababae ko… Hindi lang dahil hindi na ako muling makakalakad pa… Hindi lang dahil wala ng bakas ng anumang ganda ang aking mukha at hindi lang dahil sinira nila ang kinabukasan at buong buhay ko… Kung hindi dahil pinatay nila ang kaisa-isang lalaking nagmamahal sa akin.

“Ahhhh!!!!” Ilang malalakas na hataw pa ang naramdaman ko sa aking mga hita at tyan na sinasabayan ng kanilang malalakas na tawanan na tila tuwang-tuwa pa sa tuwing ako’y pumapalahaw sa sakit. “P-parang awa ninyo na… H-hindi ko na talaga kaya… P-patayin n-ninyo n-na a-ako… P-patayin n-ninyo n-na l-lang a-ako…” Nahihirapang pakiusap ko sa mga demonyong nakapalibot sa akin. Ang ilan sa mga ito ay batid kong lulong na sa droga ngayon. Ngunit alam kong may pag-asa pa… Nananalig ako na kahit paano ay may maawa pa sa akin na isa man kanila. Kahit isa lang…

“Patayin ba kamo?”

Nanlaki ang mga mata ko ng malingunan ko ang demonyong nagsalita.

“Ayun pare!!!”

“Whooo!!!”

“Eto na ang tunay na show!”

Pinilit kong igalaw ang katawan ko sa kabila ng mahigpit na pagkakatali at sakit na aking nararamdaman. Malakas na ang kabog ng aking dibdib habang pilit na nakalingon sa demonyong naglalakad palapit sa akin. May hawak siyang bolo na nangingintab ang mga talim.

“M-maawa k-ka s-sa a-akin.” Hindi ko alam kung naintindihan pa ba niya ang mga sinasabi ko dahil sa pagkakagaralgal ng boses ko. Pero alam kong wala na ring saysay maintindihan niya man iyon o hindi. “P-please… M-maawa k-ka…” Naghahalo na ang laway, sipon at mga luha sa mukha ko at wala na akong pakiaalam pa. Palapit na ang demonyong may hawak na bolo habang may nakakakilabot siyang ngiti sa mga labi. Nagpalakasan na din ng hiyaw ang iba pang demonyong nakapaligid sa amin na tila nasasabik sa mga susunod na mangyayari.

“H-h’wag… P-parang a-awa m-mo n-na,” muling pagmamakaawa ko. Gusto ko pang mabuhay! Ayoko pang mamatay! Kahit ilang beses kong pinagsigawan kanina na patayin na nila ako, ‘yun ay para maawa sila sa akin. Para ihinto muna nila kahit saglit lang ang lahat nang pananakit nila sa katawan ko. Pero ayoko pa talaga... Ayoko pang mamatay…

“Gusto mo nang mamatay ‘di ba ?”

“Bilisan mo na ‘pre!”

“Whooo! Game na!”

“Pagbigyan mo na siya, pare!”

“Party!!!”

Wala na yata talaga akong magagawa. Lumuha man ako ng dugo ngayon ay wala nang magbabago. Wala na ni katiting na awa ang sinomang demonyo na nasa loob ng kwartong ito ngayon.

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Siya na may hawak na matalim na bolo. At bago niya itinaas iyon ay muling gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. “Good bye baby.”

“HUWAAGGGGGGGG!!!!”

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en

Chapter auto-unlock

settings